KABANATA 14: HIRED

2.9K 40 17
                                    

Kabanata 14

Hired

NANDILIM ang kaniyang berdeng mga mata. Kinabahan naman ako.

Unti-unti siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang swivel chair at inilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang beywang at ang kanang kamay naman ay sa ilalim ng kaniyang baba. Wari mo ay nag-iisip.

"Really?" he smirked at me after he said that.

Unti-unti siyang naglakad at lumapit sa akin, sa aking tapat at naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko. He eyed me, at my face at nag tagal iyon sa aking labi. I bit my lower lip again. Dumoble ata ang tibok ng aking puso.

Pusang gala! Nag tachycardia na naman ako.

"Your first kiss, huh?" mariin niyang tanong. Iniba niya ang kaniyang posisyon at nag dekuwatro sa harapan ko sabay lagay ng dalawang mga braso sa likod ng kaniyang ulo.

He is bored yet I can sense the danger in his aura.

"Your first kiss was boring. The second one was much more boring!" dire-diretso niyang tugon.

Napamaang naman ako.

"I'm here for the interview and not to explain my private life! It's part of my privacy!" Itinago ko ang aking nararamdamang kaba habang dire-diretso ko iyong sinabi.

"Privacy." He bit his lower lip while nodding. Na tila may napagtanto.

Napatingin tuloy ako sa mga labi niya. Bakit niya kinakagat-kagat ang labi niya?

"Is that your definition of privacy?" May pilyong ngisi sa kaniyang mukha. Iyong berde niyang mga mata ay panandaliang lumiwanag ngunit agaran lamang iyon dahil dumilim ulit.

"Kissing someone at the parking area? Where is the privacy in that, Ms. Lacsamana?" mariin niyang tanong.

Ano bang pakialam niya kung maghalikan kami ni John sa parking area kanina? Bakit big deal sa kaniya iyon?

Tinaasan ko siya ng kaliwang kilay at diretsong tiningnan ang kaniyang nakakalunod na berdeng mga mata.

"Sa pagkakaalam ko po, Mr. Lansher, walang batas na nagbabawal sa sinuman na maghalikan sa public area. Are you not fond of PDA?" Pinantayan ko ang nakaka intimida niyang aura.

I need to regain my composure dahil kung hindi ay baka magka ventricular fibrillation (1) na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Buti nga at kiss lang iyong nagawa namin ng boyfriend ko." Lalong nagdilim ang kaniyang mga mata. Baka maging purong itim na ito. Nag-igting pa ang kaniyang mga panga.

"Bakit?" agaran niyang tugon sa aking sinabi, "may iba pa ba kayong dapat gagawin sana kung hindi lang ako umeksena sa parking lot kanina?" Nakaigting parin ang kaniyang panga.

Very good question, Mr. Lansher.

"Yes! But what I have thought earlier after our passionate kiss was beyond normal. It's immoral. Maybe..." I trailed my sentence. Teasing him para mas lalo siyang magalit at ng ma-realized niya na interview ito at hindi pangaral na ibinibigay ng isang ama sa kaniyang anak.

"Maybe what?" tila naiinip siya sa susunod kong sasabihin.

"Maybe, we should try it in the comfort room? At Sunny Life?" malandi kong turan.

Maganda ako. I know that. Given na iyan. Pero kung ganitong tao ang kaharap ko ngayon, why not unleash my flirty side. Which is first time kong nagawa.

Nakadalawang first time na ako sa araw na ito sa totoo lang.

Sa sinabi kong iyon ay agaran ang kaniyang pagtayo. Padabog. Nausog pa sa likod niya ang upuan na lumikha ng tunog.

FATHER'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon