Kabanata 15
Weird
NASA cafeteria ako ngayon dito sa LGC. Malapit ng mag alas dose. Nakaupo lang ako sa isa mga tables sa gilid malapit sa pintuan.
May mangilan-ngilang empleyado na ang narito. Lunch time na kasi kaya ang iba ay nakapila sa counter, para bumili ng kanilang pangtanghalian. Ang iba naman ay nakaupo at hinihintay ang kanilang mga kasamahan habang nag tsi-tsismisan.
Pero ako ay nakaupo lang dito at hindi parin ma-process ang mga naganap sa interview kanina.
I sighed.
Hindi parin ako makapaniwala sa mga naganap. Tanggap ako bilang Private Nurse. Hindi ko ito gusto pero wala akong choice dahil ayaw kong mahirapan sa paghahanap ng trabaho outside Lansher's.
May choice akong humindi but I am practical.
Tulala parin ako habang nilalaro ko ang aking mga daliri sa table. Hindi ko napansin na dumadami na ang mga pumapasok na empleyado sa cafeteria. Napatingin ako sa grupo ng mga kababaihang sabay na pumasok sa pintuan dahil narinig ko ang pagbukas nito at ang impit nilang mga tilian pagpasok sa loob.
"Alam mo Gurl, narito pala ang bagong boss natin! Iyong nag-iisang anak ng may-ari nitong kumpanya," empleyado 1.
"Oo, Gurl! Ang guwapo niya pala ano? Hindi halata sa edad niyang 42 years old. Para lang kasi siyang nasa late 30s. At ang macho pa niya, Gurl! Nabutas iyong panty ko kanina nung nakasalubong ko siya!" namumula pa si empleyado number 2 habang sinasabi iyon.
"Ako nga Gurl nung nakasalubong ko siya sa hallway kanina, nagkagutay-gutay ang t-back ko. Biruin niyo iyon? Ang nag-iisang anak ng mga Lansher, tinulungan akong pulutin iyong mga nahulog kong folders dahil natulaley ako sa mala Greek-God niyang alindog. Ang bango niya talaga, Gurl. Ang guwapoooo!" impit na tili ni empleyado 3. Parang siyang earthworm na binudburan ng asin kaya nagkikikisay-kisay.
Napairap ako.
Kung alam niyo lang kung gaano kamaniyak ang boss niyo. Napairap nalang ulit ako sa hangin.
"Pero aminin mo rin Gurl, napakaswerte mo dahil nakain niya ang labi mo." At nagsalita na naman si inang kunsensya.
I rolled my eyes.
Nagpatuloy ang tsismisan ng mga pumasok na grupo ng mga empleyado na hindi ko nalang pinansin.
Maya-maya pa ay tumunog ang aking phone. Tumatawag si John.
Papasok na daw siya sa cafeteria. Ni-text ko kasi siya kanina pagkatapos ng interview ko. Ang sabi niya ay susunduin niya ako pagkatapos ng rounds niya sa Lansher's Medical City. Sinabi ko rin na sa cafeteria ng LGC nalang ako maghihintay.
Makaraan ang ilang sandali ay may umupo sa tapat ng aking kinauupuan.
Ngiting-ngiti si John habang hinahawakan ang aking magkasalikop na mga kamay.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
Storie d'amoreF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...