Kabanata 10
Terrence Elishua
HINDI parin ako mapakali pagkadating ko ng bahay matapos ang meeting na naganap sa Lansher's University kanina. Bakit ako kinakabahan? Hindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob ay rinig ko na ang dalawang tinig na alam kong nagtatalo. Tinig nina Nanay Sharmell at Tiya Shanine.
"Ate! Ano ba talaga ang plano mo?! Bakit ka pa bumalik dito?!" rining kong sabi ni Nanay na pilit ang hindi pagsigaw.
"Alam mo ang gusto kong mangyari Sharmell! Alam mo sa simula pa lang! Gusto kong maghiganti sa kanila!" sigaw naman ni Tiya Shanine.
Ako naman ay hindi naituloy ang pagpinid ko sa pintuan.
Kanino maghihiganti si Tiya Shanine? Bakit siya galit na galit?
"Ate naman! Nanahimik na kami dito! Hindi kita ginulo sa mahabang panahong wala ka! Intindihin mo naman si Sharice. Siya ang mas higit na maaapektuhan dito!" napasigaw na rin si Nanay.
Hindi na ako nag-atubili na buksan pa ang pintuan. Diretso akong pumasok sa sala kung saan sila ay naroroon at nagtatalo. Nadatnan ko si Nanay na umiiyak na naka upo sa sofa habang si Tiya Shanine naman ay nakatayo sa kaniyang harapan, naka cross ang dalawang braso sa kaniyang dibdib.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Nay? Na higit akong maaapektuhan? Sa anong kadahilanan po?" tanong ko kay Nanay na nagulat sa pagdating ko.
Nilingon din ako ni Tiya Shanine na bahagya ring nagulat at agad iyong napalitan ng isang ngiti ng makabawi sa pagkakabigla.
"Kanina ka pa ba nandiyan, anak?" tila kinakabahang tanong ni Nanay sa akin habang siya ay papalapit sa kinatatayuan ko.
Hindi ko siya sinagot dahil napako ang tingin ko kay Tiya.
"Ano pong ibig sabihin ni Nanay, Tiya? Na maghihiganti po kayo? Para kanino po at bakit nasali po ako?"
Hinawakan naman ni Nanay ang aking mga braso at pilit hinagilap ang aking mga paningin.
"Anak, huwag mo nang intindihin ang mga pinag-usapan namin. Hindi lang kami nagkaintindihan ng Tiya mo," pag-aalo ni Nanay sa akin pero hindi ko parin siya nilingon at tinitigan parin si Tiya Shanine na ngayon ay lumapit na sa akin.
"Anak, pasensya kana. Kailangan mo ng malaman ang katotohanan," kinabahan na naman ako sa sinabing iyon ni Tiya.
Anong katotohanan ba ang sinasabi niya?
Nilingon ko si Nanay na ngayon ay umiiling-iling sa harapan ni Tiya na wari mo ay nakikiusap na huwag ituloy ang sasabihin nito.
"A-ano pong katotohanan Tiya?" kinakabahan kong tanong.
"A-ate... Please... Huwag muna ngayon. Please. Hindi pa ako handa," pakiusap ni Nanay kay Tiya Shanine. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Tiya at pilit itong pinapabaling sa kaniya.
"Sharmell! Ito na ang tamang panahon. Para malaman ni Sharice ang katotohanan," baling ni tiya Shanine kay Nanay.
"Ate, Please... Huwag muna ngayon. Hindi pa ako handa," muling pakiusap ni Nanay kay Tiya. Niyakap niya ito at umaalon ang kaniyang balikat dahil sa pagsusumamo.
"Ano po ba ang dapat kong malaman?!" napasigaw na ako sa kanilang dalawa. First time ko itong magawa sa kanila.
Lumingon naman sa akin si Tiya at napabuntong hininga. Sinulyapan ko rin si Nanay na ngayon ay nakayuko na at pinapahid ang mga luhang tumutulo.
"Gusto kong maghiganti, Sharice. Gusto kong maghiganti sa Tatay mo. Matagal na panahon na dapat ko itong ginawa pero ngayon, handa na ako," panimula ni Tiya.
BINABASA MO ANG
FATHER'S LOVE (COMPLETED)
RomantikF. o. r. b. i. d. d. e. n. SINFUL LOVE 1 Terrence Elishua Reiko Lansher BLURB Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na bawal sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos? Mula ng siya ay magkaisip ay hinihiling na ni Sharice na sana ay buo ang kanilang...