KABANATA 8: GREEN EYES

3.7K 55 3
                                    

Kabanata 8

Green eyes

TINOTOO nga ni John ang sinabi niya
sa akin nung gabing nasa Sunny Life kami. Ang gabi kung saan pinagtapat niya sa akin ang nararamdaman niya. Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas mula ng gabing iyon at araw-araw kong namalas kung gaano siya kapursigido na ako ay mapasagot.

Natatawa nalang ako at hindi mapigilan ang kiligin ng maalala ko kinabukasan ang aking nasaksihan pag labas ko ng bahay.

Sino ba ang hindi mamamangha at kikiligin?

Eh ang Doc niyo, ayon! Nagsisibak ng kahoy. Tumutulo pa ang mga pawis niya sa mala adonis niyang katawan. Naka topless kasi siya. First time kong masilayan ang hulmang-hulma niyang pangagatawan.

Jusko!

Nanuyo ang lalamunan ko.

Hindi niya ako napansin nung pagkakataon na iyon kaya bumalik ako sa loob ng bahay. Nagkabanggaan pa kami ni Nanay pagkatalikod ko. Paano ba naman kasi nasa likuran ko pala siya at wari mo ay kinikilig din na tinitigan ang adonis na nagsisibak ng kahoy.

"Ang aga-aga niyang manliligaw mo anak. Nagulat nga ako ng pagbuksan ko iyan ng pintuan kanina. Aba ay nakakagulat talaga! Tinanong ko kung ano ang kailangan niya at ang agang bumisita. Pinanlakihan ko ng mga mata ng sabihin niya sa akin na sisimulan daw niya ang panliligaw niya sa iyo," pagpapaliwanag pa ni Nanay nun.

Natutop ko naman ang bibig ko sa gulat. Alam na ni Nanay na nanliligaw si John sa akin?

Nakuha naman siguro ni Nanay ang aking reaksyon kaya siya ay nagpatuloy, "Oo alam ko. Nung pinapasok ko siya ay ipinaliwanag niya sa akin. Hiningi pa nga niya ang permiso ko na ligawan ka. Sabi pa nga niya kung kailangan na ligawan rin niya ako ay gagawin niya para makuha lang ang matamis mong "Oo." Abay hinataw ko nga ng walis na dala ko," napatawa pa si Nanay ng sabihin iyon sa akin.

At iyon na nga, sinabi ni John sa kaniya na sisimulan niya ang panliligaw niya sa akin.

Sa pamamagitan ng pagsisibak ng kahoy.

Natawa nalang ako. Old school na kung old school pero wala iyong kaso sa akin. Kinikilig nga ako ng maalala iyon.

Noong isang araw rin ay naabutan ko siyang nag-iigib ng tubig. Naka sando lang ang Doc niyo at as usual, pawisan na naman. Pero guwapo pa rin. Panay nga ang sulyap ng mga kapitbahay naming kababaihan at kabekihan sa kaniya habang iniimbak niya ang mga nasalok na tubig sa drum sa may laundry area namin. Wala kasi kaming gripo sa laundry area kaya nag-iimbak kami ng tubig sa malaking drum.

Nakita ko pa ang isang beki na hinampas ang kapwa beki niyang katabi ng hinubad ni John ang kaniyang sando para ipunas sa tagaktak niyang pawis. Animo nagdiliryo ang mga saksi.

Naawa naman ako sa Doc niyo kaya nilapitan ko na at kinuha ang nakasampay na bimpo at ako na ang nagpunas sa pawisan niyang noo. Nilingon ko naman ang mga nakasilip at lahat sila ay napasinghap. Inirapan ako ng mga bakla at sila ay tumalikod at umalis. Natawa naman ako.

"Ano ba iyan Doc! Ang aga-aga nag so-shooting ka na naman. Ibinabalandra mo na naman iyang katawan mo. Saliva is everywhere. Nag-do-drool iyong mga kapitbahay ko!" nayayamot ako kunwari.

FATHER'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon