KABANATA 5: LOVE LIFE

5.6K 73 8
                                    

Kabanata 5

Love life

"TODAY is a very special day! This will mark the beginning of journey to our newly Registered Nurses. This will mark a new challenge that lies ahead and opportunities that will open doors towards other success in the field they have chosen..."

Marami pang sinasabi si Sir Mattheo habang siya ay nagsasalita para sa kaniyang introductory remarks. Siya kasi ang master of ceremony. Pero hindi ko na nahabol pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako. Ang lakas ng pintig ng puso ko.

"Ikaw ang hinihintay ko!"

"Ikaw ang hinihintay ko!"

"Ikaw ang hinihintay ko!"

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni John kanina.

Ako?

Ako pala ang tinutukoy niya? Hindi na ako mag a-assume dahil 100% sure, na ako ang tinutukoy niyang babaeng hinihintay niya.

Hindi naman lingid sa akin ang iba at espesyal na pakikitungo ni John sa akin pag kami ay nasa pribadong sitwasyon at kahit pa maging si Jennica ay kasama namin pero palagi ko iyong ipinagsasawalang bahala dahil malimit niyang sinasabi na may hinihintay siya pag napupunta na sa usapang love life ang mga tanong tungkol sa kaniya.

"To give us her warm welcome, let us all stand... and welcome, the owner of Lansher's University, Mrs. Trinity Grace Reiko Lansher."

Napabalik ako sa aking wisyo ng magsitayuan ang mga kapwa ko registered nurses maging ang mga bisita at mga parents na nasa loob ng multi-purpose hall nitong Lansher's University. Tumayo narin ako at pumalakpak.

Nang sinenyasan kami ng ginang sa entablado na umupo ay naupo na rin kami lahat.

Ngayon ko lang nakita si Mrs. Lansher, ang owner nitong university. Hindi mo maikakailang napaka sopistikada nito. May lahing banyaga na sa pagkakaalam ko ay Griyego dahil sa mga berde nitong mga mata. Ang sabi ay 61 years old na raw ito pero habang tinitingnan ko ito habang siya ay nagsasalita sa entablado, mukha itong nasa early 50's pa lamang. Sabagay, nakakaangat ang estado sa lipunan kaya napapanatili ang kanilang maaliwalas at malusog na pangangatawan lalo na ang kagandahan.

Sa likod niya ay ang mahabang mesa kung saan nakaupo ang mga administrators ng unibersidad. Agaw pansin din sa gitna ang isang lalaking sa palagay ko ay si Mr. Lansher. Masasabi mong guwapo talaga ito. Matikas at may hubog pa ang pangangatawan sa edad na 65 years old. Berde rin ang mga mata nito na kung iyong titigan ay napaka strikto. Nangilabot ako ng mapadako ang tingin nito sa aking gawi or baka guni-guni ko lang iyon. Napansin ko rin ang isang bakanteng upuan sa kaliwa ni Mr. Lansher.

Sino kaya ang nakaupo or uupo doon?

Ngayon ko lang napansin. Iyong sa bandang kanan kasi ay kay Mrs. Lansher, sigurado ako ron. Hindi ko nalang iyon inisip at nakinig na lamang sa pagpaunlak na mensaheng kasalukuyang ibinibigay ni Mrs. Lansher.

Tumayo at nagpalakpkan ang lahat matapos magsalita ni Mrs. Lansher. Napansin kong tumayo si Mr. Lansher para alalayan ang kaniyang kabiyak. May ibinulong si Mrs. Lansher sa kaniyang asawa sabay lingon sa bakanteng upuan sa bandang kaliwa ng kaniyang asawa pero ang huli ay umiling lamang. Nakita kong sinulyapan ni Mrs. Lansher ang kaniyang relo at napapailing. Hindi maitago ang pagkainis sa kaniyang hitsura. Dinukot ang cellphone sa kaniyang mamahaling bag na nasa mesa sabay nag-dial sa kaniyang cellphone at may kinausap sa kabilang linya. Pansin ko ang pagkairita sa kaniyang ekspresyon habang nagsasalita. Sa huli ay binalewala ko na lamang iyon at patuloy na nakinig sa mga parang walang katapusang pagsasalita ng mga special guests.

FATHER'S LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon