Chapter 1: planned immersion

2.4K 28 0
                                    

Nasa school noon si Darren at nagrereview ng subjects para sa nalalapit na final exams nya as civil engineering student. Nagpumilit syang matustosan ang pangangailangan nya sa school kaya napilitan syang magtrabaho bilang macho dancer sa isang gaybar. Labag man sa kalooban nya ay kailangan nyang matapos ang pagaaral para magkaroon ng sapat na ipon upang pabuksan ang kaso sa nawawala nyang magulang at kapatid. si Earl... Ang alam nya ay pumunta lamang sila sa isang isla para sundoin si earl pero maging sila ay hindi na nakabalik at tatlong taon na ang nakakalipas. naibalita na sa tv na nawawala ang mga ito gayun din ang iba pamg myembro ng pamilya ng kaibigan ni earl. sa ngayon ay kailangan nya muna magtapos ng pagaaral at makapag ipon.may ilang accounts din ang magulang ni Darren na pwedeng mag withraw kaya iyon ang ginagawa nya pag enrollment at yung iba ay itinatabi para sa susunod na semestre. isang taon na lang ay graduate na sila.

"hi da,what are you doing?" tanong ni pen,si pen ay ang bading na kaibigan ni darren. hindi na bago kay darren ang makipag relasyon sa bading o sa bisexual lang dahil trabaho nya na ito para masustentohan ang pagaaral at lalong okay lang sa kanya makipag kaibigan sa mga ito.ipinangako nya sa sarili na hindi na sya magpapagamit sa bakla pag nakatapos ng pagaaral at isang taon na lang ang titiisin nya.

"ah wala naman,nagrereview. ikaw?" tanong ni Darren.

" im thinking of inviting you sa bahay para...alam mo na...magpainit...!" alok ni pen na pabiro

"ah...eh...pen pwede next time na lang kasi magffinals na next week. promise papainitin ko ang gabi mo,basta ba naman dating presyo pa din eh" sagot ni darren

"hay nako...kelan nga ba ako nakalibre sa kape mo.well sige basta next week kape tayo.rrraaaawwwrrrr!" pabirong sabi ni pen

nangisi si darren at sinabing "oo magdadala ako ng kape papainit tayo next week!" sabay tawa.

"ulol, patola ka talaga,wag makati ang utak friend ha bad yan." sagot ni pen na nakangiti sabay talikod at umalis.

nagreview na ulit si darren at ng makaramdam ng gutom ay isinara ang libro at inilagay sa bag bago isinukbit ang bag sa kanyang balikat at bumaba ng pantry para kumain.

"pare,may grupo ka na sa immersion? kung wala pa sa amin ka na sumama lima tayo nina faye,macky,pen,ikaw at ako! para barkada pa rin diba?!" alok ni cedric sa kaibigan

"uhm...wala pa kasi ako pang pamasahe kaya hindi pa ako nakikigrupo." sagot ni darren.

"okay sige ganito,tutal nakabili ang daddy ko ng isla at plano nyang tayuan ito ng resort eh pahihiramin kita ng pambayad sa immersion tapos grupo tayong barkada pupunta doon since ang daddy ko din ang manager ng firm.okay na yun ha youre in our group!" masayang sabi ni cedric

napaisip si darren,ilang sandali pa ay nagtanong sya kung anong isla at nalaman nyang isla tahimik ang pupuntahan. pilit nyang inalala sa isip kung saan pumunta ang mga magulang at kapatid pero hindi nya maalala ng husto

"oo na sige game ako jan!" sabi nya at ngumiti sa kaibigan at nagpasalamat. bahala na si batman,sana yun ang isla na pinuntahan ng magulang ko... sabi nya sa isip nya.

nagsimula ang klase nina darren at ang barkada. nabanggit din ng  instructor nila ang tungkol sa immersion at bukas na ang bayad ng registration at sila darren na ang bahala pumili kung saan nila gusto. matapos ang tatlong oras na klase ay nagusap usap na ang barkada at two days after finals ay pupunta na sila sa isla.

naisip ni darren na saliksikin ang lumang newspapers at doccuments tungkol sa isla na pinuntahan ng mga magulang at kapatid ngunit wala din syang napala. ibinato nya sa pader ang isang rolyo ng newspaper at lumingon sa lamesa kung nasaan ang telepono.

dinampot nya ang cellphone sa lamesa at nag send ng group text

from: Darren

to: c.e pen; c.e faye; c.e macky; c.e ced

message:

Guys excited na ako para sa isla,ced salamat pare youre d best. finals na next week at gudlak sa atin

end message

kinabukasan ay nagplano sila na magdala na lang ng supply ng pagkain dahil aabutin sila ng mahigit isang buwan sa isla at kapag nagnagkulang ay magpapahatid na lang sa magulang ni cedric. at dumaan ang buong araw na puro plano at review ang gawa nila.

dumating ang exam week at wala ni isa sa magkakaibigan ang nagsalita tungkol sa gagawin sa bakasyon dahil focus sila sa major exams at todo review.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon