Chapter 2: all set

1.9K 26 1
                                    

"sa wakas tapos na ang finals!" paghingang malalim ni pen habang nakatambay sila sa ilalim ng puno ng acasia tree. si pen ay isang metrosexual na may gusto kay Darren, gwapo ito at slim ang katawan,matangkad at laging brush up ang buhok. mahilig mag ayos ng kilay at sobrang fashionista. boots ang laging suot.

"korek ka jan sissy!finally tapos na tayo mag burn ng kilay! kalerkey kaya mag review!ang thunder ko na tuloy tignan!" sabi naman ni faye. Para sa kanilang magbabarkada,si faye ay isang babaeng bakla na pag nakita ang kabarkada o kaibigan ay titili. simple lang si faye,maganda,sexy at matalino,nagiisang babae sa limang magkakapatid kaya medjo boyish kumilos at rakista chic pumorma.

"basta faye,mahalin mo lang ako okay na,pag hindi ka available kay pen na lang ako,magaling din naman sya diba pen?" biro naman ni macky. si macky ay ac/dc type na karamihan ay bading ang nagkakagusto dahil mahilig sumali sa mga pageant sa school. may girlfriend daw sya pero hindi naniniwala ang barkada dahil sa kokonte ang mga babaeng nagkakagusto dahil takot sa katawan nyang malaki. aminado syang may nangyari na sa kanila ni pen apat na beses na.

"basta once were there eh may bahay daw doon na abandonado so doon tayo tutuloy tapos mag spend ng one month or more, bibisita lang si daddy para maghatid ng pagkain if kulangin tayo." sabi naman ni cedric. ang pinaka mayaman sa grupo at pinaka mabait. daddy nya ang manager ng isang engineering firm na kalaban ng firm nila charles noon ngunit nagsara na ito dahil nalugi kaya sila cedric na ang nangunguna sa lahat ng firms sa Pilipinas. gwapo,mayaman,maputi at matangkad. lihim na may gusto kay faye pero hindi nya pinapaalam dahil torpe sya at baka umbagin pa sya ni faye.

"basta ako ready na,pero tol salamat talaga ced, dahil sayo nakapag register ako.thank you ng sobra sobra. babayaran kita pag nakaluwag ako. sabi naman ni Darren. kuya ni earl. ulila na kaya ang naitabing pera ng mga magulang ay tinitipid kahit mayaman sila. nagiisa na lang sya sa bahay at walang kamag anak sa manila kaya pag nagcocallboy sya ay sa bahay na lang nya dinadala saka magpapabayad.gwapo at matangkad din kaya naman trip na trip ni pen si darren.

"guys,yung mga libro pala dapat may dala tayo at least two texts each ng kailangan natin. im sure mahihirapan tayo pag wala yun tsaka lahat tayo dapat may laptop,hindi pwedeng wala ang isa" paalala ni pen sa mga kaibigan

"wow bakla ka kelan ka pa naging lola namin at ipaalala yan?pero check na check ka jan babading babadung kasi wariks tayo magagawa kapag wariks ang mga chenelin na yun kaya isang malaking PPPAAAAKKK-yu ka jan beks!" sabi ni faye

"i know right sissy!!! dahil nag agree ka at mas beki ka pa sa akin,ikaw ang magdadala ng books! pag hindi ka nagdala, PAGBABALATIN KITA NG PATATAS ng ma-princess sarrah ang peg mo! bet?!" patawang sinabi ni pen

"ang harsh mo bakla! gusto mo ikulot ko ang patatas mo?" biro ni faye

natawa si pen "ssssaaaarrrreeyyyy my patatas is not for you to peel!its for..." sabi ni pen at itinuro ng nguso nya si Darren sabay tawa nilang dalawa at ginawa ang "baklita apir" na pinagbunggo ang hips at sabay kembot pababa at sabing "check na check!"

nagtawanan ang magbabarkada at sumingit si macky

"faye pag ayaw mo balatan ang patatas ni pen,yung patatas ko na lang ha?" pabirong sabi ni macky at nagtawanan sina Darren at cedric

"macky,hindi lang balat ang gagawin ko,aasinan ko pa!" sabay tawang sabi ni faye at sumagot si pen

"ay wag yan girl malupa lupa ang patatas ni macky! ga-monay pa ang laki bawat isa!" sabay halakhak at sumakit ang tyan nila kakatawa sa usapang patatas dahil double meaning ang lahat.

matapos ang ilang saglit ay umuwi na sila sa kanikanilang bahay para magprepare ng mga kailangan dalhin at napagusapan na kina cedric na lang makitulog simula ngayong gabi hanggang sa susunod na araw ng pag alis para maihatid sila ng daddy ni cedric sa opisina gamit ang chopper papunta sa isla.

"sissy,wat tym ka punta kina ceddy?sabay na tayo drop by ako jan sa inyo para di nakakahiya mamya ako ang mauna dun" text ni pen kay faye na agad nagreply ng

"ge baks,gora ka ditey sa hause pakilala kita sa bro ko na galing ng spain.im sure bet na bet mo! uummm. gora na bilis!" sabi ni faye at nagreply si pen ng okay.

"ced,sabay na kami ni pennita punta jan sa baler nyo ha. see yah latttuuurrr" text naman ni faye kay cedric na hindi nagreply dahil naandun na sina macky at darren sa kanila at nagiinuman.

isang oras ang lumipas at dumating sina pen at faye kina cedric at nagbubungisngisan dahil sa kuya ni faye. at ng makitang nagiinuman silang tatlo ay pinasali na agad sila sa ikot kahit hindi pa inaalok ng pagkain kaya nakiinom na rin sila.

kinabukasan at tanghali na sila nagising at namili ng mga chichirya at pagkain na dadalhin para sa isla. bumili rin sila ng ilang gamot at emergency kit at batteries para sa flashlights. nagdala din sila ng kit nila para sa drawings at ilang mga libro at gabi na ng matapos sila mag set ng lahat ng gamit nila.

"hoy beks may swimming outfit ka na ba?" tanong ni pen kay faye

"oo meron,apat dala ko gusto mo hiramin?" alok ni faye sa kaibigan

"sampalin kaya kita?compare mo katawan mo sa katawan ko,im sexier than you,pag sinoot ko yung swimwear mo baka lumabas yung patatas ko!" patawang sagot ni pen

"haha oo nga pala,hindi pala pwedeng pitasin yan!" nagtawanan ang dalawa at nagkayayaan nang matulog dahil maaga pa silang gigising kinabukasan.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon