Chapter 6: ang panaginip ni darren

1.5K 17 0
                                    

matapos uminom ay umuwi na sila para magpahinga.medyo tipsy na rin ang mga magkakaibigan.naghilamos muna si faye sa banyo ng kwarto nila ni pen at nagpunas ng mukha.nagulat sya ng makita nya sa reflection ng salamin ay may babaeng nakatayo sa likod nya at umiiyak.sa takot at kaba na naramdaman nya ay napalingon agad sya sa likuran at wala namang tao doon at ibinalik ang tingin sa salamin.nagulat sya ng wala na ang babae at saka sya nataranta na namumutlang lumabas ng banyo,dumiretso ng kama at nagtaklob ng kumot.

"beks bakit?" tanong ni pen na nagulat ng biglang humiga sa tabi nya si faye.

"wala...tulog na tayo friend,hug mo ako im scared" sagot ng kaibigan

"why?" tanong ulit ni pen at hindi na nakuhang sumagot ni faye,bagkos ay yumakap ito sa kanya ng mahigpit.

di nagtagal at nakatulog na rin sila sa ganung posisyon.

sa kwarto naman nila darren ay mahimbing nang natutulog ang tatlo

"kuya!tulungan mo ako!wala na kami nila mommy!" sabi ni earl

"what are you talking about?hoy earl ha tigilan mo nga ako,anong tulungan?anong wala na kayo nila mommy?asan kayo?" tanong ni darren sa kapatid

"pinatay nila kami kuya...tutoo sila...kuya saklolo!" pagmamakaawa ng kapatid

"ANO BA EARL?anong tulong ba? ...earl...EARL!!!" malakas na sigaw ni darren at nagising sya sa pag uyog ni macky sa kanya. tinignan nya si macky at tila nagtataka ito.ganun din ang kaibigan.nagtaka kung ano nangyayari kay darren

"pare,umuungol ka,nananaginip ka ata!" sabi ni macky

"napanaginipan ko kapatid ko...humihingi ng tulong..." sagot ni darren

"pare panaginip lang yun,matulog ka na."sabi ni macky habang papahiga ulit at pumikit. nanatiling nakahiga si darren at nag isip. ano kayang ibig sabihin ni earl?nasa piligro kaya sila?baka naman di magandang panaginip lang at kabaliktaran ang nangyari... sabi nya sa sarili. tumayo sya at binuksan ang bag at kinuha angkaha ng palmall at nagyosi sa labas ng kwarto.naisip nyang sa terrace mag sigarilyo kaya binuksan nya ang sliding door at lumabas ng bahay. sariwang sariwa ang hangin at malamig ito sa balat. napatingin sya sa kaliwa at nakitang sa di kalayuan ay may isang tao na biglang tumago sa likod ng malaking puno. nagtaka sya at tumayo ng husto para tignan ng maigi. fixed ang mata nya sa puno kung saan nya naaninag ang tao pero wala nang sumilip pa o kahit anong gumalaw kaya ng maubos ang yosi ay pumasok na sya ng bahay at inilock ang pinto. siniguro nyang nakalock din ang ibang pinto sa bahay bago sya umakyat ng kwarto at natulog ulit.

"good morning boys!!!gising gising din at ako ang agahan nyo!" pabirong panggising ni pen kinaumagahan. binato sya ni macky ng unan at sinabing

"panis ka na para iagahan! labas!naka brief lang kami lahat o!" sabay inalis ang kumot na nakatakip sa kanila. si cedric ay nakadap,si darren ay nakatagilid at si macky naman ay nakaupo na sa kama.

nanlaki ang mga mata ni pen at ngumiti "aw my garsh,macky ibreakfast kita kahit ikaw na lang dali!" biro nya sa kaibigan

"wag na baka maadik pa ako ulit!"sabi nya sabay tayo at kumuha ng boxer shorts.

"you are so articulate! maarte na maculate pa! gisingin mo na nga sila ng makakain na at may gagawin pa tayo!nagluto na kami ng agahan.baba na kayo ha,now na."sabi ni pen at isinara ang pinto at bumaba papunta sa kusina at sinaluhan si faye.

"hay nako beks,i didnt know pinto pala ng langit yun sa kwarto nila ced!" nakangiting sabi ni pen.

nagtaka ang kaibigan at kumunot ang noo

"bakit naman?!" tanong ni faye.

"kasi si nakabrief lang sila matulog at OMG parang mga anghel sa kinis at aaaarrrrgggghhhh!ayaw ko na sana lumabas kasi nasa langit na ako kaso iniisip kita baka mainggit ka kaya tinalikuran ko na muna ang langit at pumunta sa impyerno mo para may kasama ka." sagot ni pen at natawa sa reaction ni faye

"ah so kamag anak ako ni taning ganun ba?!" tanong ni faye

"uhm... medjo oo kasi kamukha mo naman sya kaya may chance.hindi kaya mag ama kayo?" sabay tawa ni pen

"gaga!impaktang to,alam mo kung hindi lang kita kaibigan nasapak na kita! KURIMAW!!" tawang sabi ni faye

napakunot ang noo ni pen, "sorry whats kurimaw?"

"ASWANG!" sabi ni faye at nagtawanan silang dalawa

maya maya pa ay bumaba na sina cedric at nag almusal bago sila lumabas ng bahay para umpisahang lagyan ng mohon ang area na gagawing resort at nag survey sa lugar.

"ang bigat naman nitong mohon na to,pang marka lang to ha!" reklamo ni pen

"sinabi mo pa.eh baks magi ka na mag reklamo para mashopos na natin itey,mag surveying pa tayo then mag gawa ng report!" sabi ni faye. naghiwalay sila ni pen sa mga kasama para agad na masimulan ang susunod na gawain. napadpad sila sa parteng bakawan at tulad ng nakita ni pen kagabi,ang kulay puti na bagay ay yate na hinala ni macky,at hindi lang iisa ang naandoon,dalawa.

"tara check natin latur pag kasama na natin sila ced.mukhang abandonado din ang mga yan!" sabi ni pen.

kinunsulta nila ang hawak na papel saka inilagay ang pang marka sa teretoryo ng magiging resort at umalis na.

ang tatlo naman ay nagkekwentuhan at habang naglalakad ay napansin nilang may damit na punit punit sa daanan. dinampot ito ni macky at inusisa. polo iyon na pang matanda atsaka itinapon.

"baka damit iyon ng may ari.basta talaga mayayaman tinatapon lang ang mga damit" sabi ni macky

"

hindi rin!tatay ko pinapamigay nya pag luma na" sabi ni cedric

di nagtagal ay may narinig silang lagaslas ng tubig.

"may ilog siguro dito tol!hanapin natin?" mungkahe ni darren

"tapusin muna natin tong boulders tapos pag nag surveying baka makita din natin ang ilog. ganun nga ang ginawa nila at saka dumeretcho ng survey sa lugar. di nga nagtagal at nakita nila ang ilog. pinagmasdan nila ito at namangha sa ganda ng view

"pare ayos to magandang pag swimmingan sa susunod na araw!" masayang sabi ni macky

"oo nga tapos may dala tayong alak o kaya pagkain!" sangayon ni darren

"sige bukas dito tayo mga tanghali. sabihan natin sila pen mamaya" sabi ni cedric.

matapos ang ginagawa ay umuwi na sila para makapag pahinga at makapagluto ng tanghalian.

nagpadingas si cedric para sa iuulam nilang barbeque. sa harap ng bahay nya ito planong lutuin at sina macky at darren naman ay inilabas ang maliit na lamesa at limang upuan para sa labas sila kakain. hinintay nila sina faye at eksaktong pagkaluto ng sinaing ay dumating ang dalawa.

"were back! whats for lunch?" tanong ni faye

"pork bbq at inihaw na tilapya!" sagot ni cedric

"yey mukhang mapapalaban ako sa mga ulam! ang gagwapo eh!" pagbiro ni pen

"hoy macky hindi kami ulam!" sagot ni darren at tumawa ang dalawang lalake na kasama nya

"mali lang ang nasabi,i mean masasarap ang ulam natin! baka lang makalusot!kayo naman! makapag balat na nga lang ng patatas!" sabi ni pen sabay tawa.

matapos magluto ay sabay sabay silang kumain habang naguusap tungkol sa mga nakita nila at sa gagawin pa, kasama na ang paliligo sa ilog at pag check sa dalawang yate.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon