unti unting pumosisyon sina darren sa talahiban at naghahanap ng tyempo kung papaano mapatay ang tatlong naiwang bantay sa kulungan. Inilabas ni cedric ang kutsilyo at ganun din ang ginawa ng dalawa.sumenyas si cedric na may ibubulong kaya lumapit ang dalawa
"gagapang ako papunta sa kabila at iispinin ko ng kutsilyo ang isa sa kanila,pag bumagsak at nadistract ang dalawa pa sunggaban nyo agad para patayin" bulong ni cedric sa dalawa at tumango lang ang mga ito kaya nagsimulang kumilos si cedric
"ANO BA KASI ANG KAILANGAN NYO? PAKAWALAN NYO NA AKO DI..." naputol na pagmamatapang ni faye
"wala ka nang kawala,ikaw ang magdadala ng panibagong aswang!" sagot ng isang aswang na garalgal ang boses
"DI BALE NANG MAMATAY AKO KESA GAWIN NYONG PALAHIAN!" galit na sagot ni faye at maya maya pa ay biglang natumba ang aswang na nasa gilid ng kulungan at pagbagsak sa lupa ayagad syang nilapitan ng dalawa at nakitang may nakabaon na kutsilyo sa batok nito
"AAAAARRRRRRRGGGGGHHHHH!!!" sigaw ng isang aswang at iyon na ang hudyat para sumugod sina darren at pen mula sa likod ng dalawang aswang na umuusisa sa patay nilang kasama. habang nakatalikod ang dalawa ay sinaksak ni darren ang aswang sa kaliwa.bumaon ang kutsilyo ni darren sa likuran ng aswang at ng mag ambang kakalmutin sya nito ay hinugot nya ang kutsilyo at ibinaon muli sa balikat nito at muling sinaksak sa leeg dahilan para mamatay ito
"sissy ingat ka!sabi ko na nga ba di nyo ako pababayaan eh!"
"CHINGGONA KANG KURIMAW KA AYAN IKAW ANG CHUGI NGAYON!" sigaw ni pen habang pinagsasasaksak sa likod ang isang aswang sa kanan gamit ang isang bolo at isang bread knife sa parehong kamay hanggang mamatay ito. si cedric naman ang kumalas ng tali sa pintuan ng kulungan habang ang dalawa ay pinapatay ang mga aswang.
ng mapakawalan nila si faye ay pinagmasdan nila ang paligid at napansin nilang may mga bahay dito na gawa sa kahoy at nipa. kumuha si darren ng kahoy at sinindihan ito sa apoy na nagbibigay ng ilaw sa paligid. idinikit ito ni darren sa ilang nipang bubong ng malapit na mga bahay dahilan para masunog ito. ilang sandali pa ay nakarinig sila ng mga sigaw ng mga manananggal at may lima silang nakita na umaaligid sa kinalalagyan nila
"TAKBO NA!" sigaw ni darren at sama sama silang tumakbo pabalik sa kung saan sila galing at naririnig nila ang mga pagaspas ng pakpak nila at sigaw ng mga ito
"walang titigil at walang hihiwalay!" sigaw ni cedric na hawak ang braso ni faye. takbo dito takbo doon ang gawa nila.
"pagod na ako guys!" sabi ni pen na gusto na tumigil dahil hinahapo na sa pagtakbo sa bako bakong lupa ng kagubatan
"AAAAKKKKKK" sigaw ng manananggal na biglang sumulpot sa harapan nila at mabilis silang dumapa.
nahagip ng pakpak ng manananggal ang tagiliran ni pen at napasigaw sya sa sakit. sumirit ang dugo mula sa sugat nya.tumayo si darren ng pumaitaas muli ang manananggal at tinignan ang kawawang si pen na ngayoy nakahiga sa lupa
"pen tayo! kayanin mo!" sabi ni darren at tinulungan nila ni cedric tumayo si pen at pinilit nilang makatakbo.
"guys bilis!" sigaw ni faye na nauuna nang tumakbo.
"guys wag o.a,kaya ko tumakbo mag isa dali na mauna na kayo" sabi ni pen kaya kahit nag aalangan bumitaw ang dalawang kaibigan nya ay hinayaan sya kaya kanya kanya sila ng takbo. natigilan sila ng marinig nila ang sigaw ng mga aswang na kasalubong nila. agad silang bumalik at hindi nila naiwasang magkahiwahiwalay sa dalawang grupo. si pen at darren ang magkasama na tumakbo pakanan,at ang dalawa pa ay pakaliwa
" SHIT SHIT SHIT! sabing wag hihiwalay eh PUTA!" sabi ni darren
"aaarrrrggghhhh da! di ko na kaya!" namumutlang sabi ni pen kay darren
hinila ni darren sa damit si pen at naghanap ng matataguan.
"faye bilis!" sabi ni cedric sa kaibigan na nasa likuran nya at tumatakbo.
"HAYON SILA!" sigaw ng isang aswang at agad silang sinundan ng apat na aswang kaya lalo pang natakot si faye at nagpumiliit tumakbo ng mabilis at tumalon sa mga nakausling ugat ng mga puno
"ced! AAAAHHHHH!" sigaw ni faye ng biglang nagulat dahil sa harapan ni cedric bumagsak ang isang aswang na humahabol. natigilan si cedric dahil halos dikit ang katawan nya sa aswang. sa taranta ni faye ay lumihis ito ng takbo at hindi lumingon kay cedric. biglang ibinaon ng aswang ang matatalim nyang kuko sa tyan ni cedric
"AAAAAHHHHHHRRRRGGGGGGHHHHH TANG INA MO!!!" sigaw ni cedric bago hinugot ng aswang ang lalamunan ni cedric na parang nagbunot lang ng damo sa lupa
"CED!" patakbong iyak ni faye at mabilis na tumakbo papunta sa kung saan. nakarinig sya ng ingay na animo ay tubig kaya tinunton nya iyon at nakita ang ilog Lord help me find my way out of here!" sabi ni faye sa sarili at tumawid sya ng ilog kahit hirap na hirap.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
HorrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...