Isa isa silang bumalik sa kusina at kitang kita sa mga mata ng apat na magkakaibigan ang mga luha dahil sa kakasuka ng kinakain. si cedric ang naghalungkat ng natira pang pagkain sa mangkok na nasa gitna ng lamesa
"sira ulo talaga to si macky bakit may kuko dito sa ulam!!??" nagtatakang tanong nya
"guys i cant take it.halos ubos natin yung nasa kaldero and yan na lang yung natira na adobo!ansarap pa ng kain natin!baka natanggalan ng kuko si macky habang naghihiwa!?!" sabi ni pen
"kakadiri!asan na ba yung lalakeng yun ng mabugbog ko!" ani faye
"guys...mabuti pa hanapin natin si macky sa beach,baka nandun sya!" mungkahe ni darren at halos sabay sabay silang lumabas ng bakuran papuntang baybay at naghanap kay macky
"MACKY ASAN KA NA?!" sigaw ni cedric
"Mac mac!?! mac mac!" sigaw naman ni pen na animoy kambing ang tinatawag
"gaga!tao hinahanap natin bakla ka!" sabi ni faye na natawa sa ginagawa ni pen
"guys parang wala dito eh. halos kalahati na ng beach ang nilalakad natin!" sabi ni cedric
"mabuti pa bumalik na tayo sa bahay baka nandun lang yun nagtatago sa kalokohan nyang adobong kuko!" sabi ni darren
pabalik na sila ng may nakasalubong silang tatlong dalaga at isang binata na di nila alam saan nanggaling at nagkatinginan ang mga magkakaibigan.
"guys,strangers..." sabi ni pen "lets ask them baka nakita nila si macky
nilapitan nila ang mga kabataan na hilera lang na nakatayo sa dadaanan nila at tinanong ni pen ang isang dalaga na nakayuko
"excuse me,may nakita ba kayong lalake na gwapo,matangkad,malaking katawan at maiksi ang buhok na napadaan dito?" at nagexpect ng sagot pero walang imik ang mga ito.
kinutuban si darren at hinila ang kaibigan at sinabing umalis na kaya ganoon ang ginawa nila
"pasensya na po" pahabol na sabi ni faye at nagmamadaling lumakad ang apat papalayo. paglingon ni cedric ay nakita nyang nakatingin ang mga ito sa kanila at sumusunod na naglalakad nv mabilis. napansin ni pen na nakatingin si cedric sa likuran at tila mukhang takot kaya lumingon na rin sya at napatili kaya natigilan silang apat sa paglalakad ng mabilis at kitang kita nila na nagpapalit anyo ang apat na sumusunod sa kanila. ang tatlong babae ay nagkakaroon ng mga pakpak at halos kalahati na ang katawan at ang isang lalake naman ay nagkakaroon ng balahibo at mahahabang kuko at matutulis na pangil
"TAKBO!" sigaw ni darren at kanya kanya silang talikod sabay karipas ng takbo. si faye ay umiiyak sa takot pero mabilis ang takbo si pen ay nanatiling nakatayo sa lugar kaya nung mapansin ito ni darren na tatlo lang sila nila cedric ang tumatakbo ay agad nyang binalikan si pen at hinila ang damit ni pen at saka lamang ito nakagalaw at tumakbo ng mabilis. nahati ng tuluyan ang katawan ng tatlong babaeng manananggal at lumipad ito sa ere at narinig nila ang sigaw ng mga ito. halos sabay sabay na sila ngayon tumatakbo pero dahil sa masyadong malambot ang buhangin ay hirap silang tumakbo ng mabilis
"hawak ni pen ang kamay ni darren na nauunang tumakbo sa kanya at si cedric naman ang nangunguna. si faye ang pinakahuli sa pagtakbo at sumisigaw si pen na hawakan ang kamay nya at dahil sa hirap tumakbo si faye ay hindi nya ito maabot dahil na rin sa bilis ni darren tumakbo at hawak ni pen si darren malapit na ang mga manananggal sa kanila at halos abot kamay na ng isang aswang si faye at pag lingon ni faye sa kanyang likuran ay napasigaw pa sya dahil sa takot.
"faye bilis!" sigaw ni cedric na kahit gusto nyang tumigil sa pagtakbo ay hindi nya magawa kaya lingon lang ang naitulong nya sa kaibigan
halos malapit na sila sa bahay at rambam na nila ang sakit ng paghinga dahil sa pagtakbo pero hindi sila pwede tumigil dahil sa nakaambang panganib sa kanila kaya pinilit nilang tumakbo kahit nanlalambot na ang mga tuhod.
"AAAAAAHHHHHHH" sigaw ni faye at paglingon nila ay hawak na sya ng dalawang manananggal at tinatangay na papaitaas!
"FFFFFFAAAAAYYYYYEEEEE" umiiyak na sigaw ni pen at darren. titigil sana sila ng makitang kasunod pa nila ang isang mananaggal at ang isang aswang na mabilis na tumatakbo kaya hindi sila tumigil at sa halip ay pinilit tumakbo ng mas mabilis.
"GGGGUUUUYYYYSSSSS HHHHEEEELLLLPPPPP!" huling sigaw ni faye at iyon na rin ang huling narinig nila habang mabilis na nawala ang dalawang mananaggal na tumangay sa kanya
agad binuksan ni darren ang gate at pumasok silang tatlo ng hindi isinara ng husto ang gate at dumeretso sa bahay. agad naman naghanap ng patalim si cedric habang si darren ay nasa pintuan at humawak ng tubo na nakita nya sa may entrance ng main door.wala na ang isang mananaggal at ang natira ay ang isang aswang na tumigil mismo sa harap ng gate.
"ANO?HALIKA DITO SUNTUKAN TAYO O MAGPATAYAN TAYO WALA AKONG PAKIALAM!" sigaw ni darren
BANG BANG BANG!
ang nakakabinging narinig ni darren galing sa likuran nya at ng lumingon ay nakita nyang si pen ang nagpaputok habang umiiyak na hawak pa rin ang baril
paglingon ni darren sa gate ay wala na ang aswang kaya kinuha nya ang baril kay pen at saka lumabas ng bahay papunta sa gate para icheck kung tinamaan o hindi pero walang bakas ng kahit ano ang makikita kaya tumakbo sya papasok ng bahay at inilock nilang tatlo ang mga pinto at bintana saka umakyat ng kwarto at nagkulong.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
HorrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...