Mula maynila ay halos may kalahating oras lang sila bumyahe sa himpapawid at bumaba sila sa mismong pampang kung saan malapit ang bahay na tutuluyan. habang naglalanding pa lang ay hanga sila sa ganda ng isla at sa dagat na nakapaligid dito. excited si pen at faye na bumaba ng chopper kahit nagkanda puwing ito dala ng buhangin na nailipad ng hangin gawa ng elesi ng chopper.ilang sandali pa ay hinakot muna nila ang gamit at dinala sa bahay na tutuluyan. may ilang sirang bintana at ang mga gamit sa bahay ay naalikabukan na ngunit sabi ng daddy ni cedric ay may koryente sa isla kaya walang problema sa ilaw. ang problema nila ay ang paglilinis ng bahay. nasa receiving area sila ng bahay noon at pinagmamasdan ang lahat. maganda ang bahay at kaunting linis lang ay pwede na ulit tirahan. binuksan ni cedric ang ilaw. may ilan na gumagana pa pero ang chandellier ng living room ay may ilan na pundido na at ang iba ay pumutok pa. ibinilin ni cedric sa piloto ng chopper na magpadala ng mga bumbilya at ilang ilaw para siguradong maliwanag ang bahay. matapos maghakot ay inayos naman nila ang bahay at nilinisan ito.
"guys,etong ibaba pa lang ang nalilinis natin pagod na ako!mabuti na lang open ang mga bintana at hindi mainit!" reklamo ni pen
"osige maghahanda ako ng miryenda para naman makapag pahinga tayo saglit." mungkahe ni macky at kinuha sa plastic bag ang juice at ang tinapay bago dumerecho sa kusina at naghanap ng tubig. binuksan nya ang gripo at tila walang lumabas...
"guys wala atang..." outol na sinabi ni macky ng biglang bumulwak ang kulay brown na tubig "ai meron pala!" pahabol nya. hinintay ni macky na mag clear ang tubig bago kumuha sa gripo at nagtimpla ng juice. pwede na tong hindi malamig basta mainom.mamya na lang magpalamig! sabi nya sa isip.
habang nagtitimpla ng juice ay tila may nakita sya sa peripheral vision nya na isang tao na napadaan sa gilid nya. agad syang lumingon pero wala syang nakita. gutom ka ma nga mackyboi! sabi nya sa sarili matapos magtimpla ay gumawa sya ng tinapay na may palaman.
"mac,matagal pa ba yan?gutom na kami!" sigaw ni darren mula sa living room.
"eto na po!" sagot ni macky na dala ang pakain na nasa tray habang naglalakad ng maingat.
"wow shala!may tray at susyaling pitcher!bongga! saan mo kinuha yan ha?" tanong ni faye
"doon sa kusina nakalagay sa lamesa kaya hinugasan ko at yung tray nasa side cabinet.guess what?may stocks ng food sa kitchen cabinet at hindi pa expired!" sagot ni macky na naghalungkat na sa kusina habang naghihintay na mag clear ang tubig sa gripo.
"akyat bahay lang macky? baka naman kasi may nakatira dito hindi lang natin alam?" sagot ni pen
"well,una kung may nakatira dito eh bakit ang dumi ng bahay at ang ibang ilaw ay pundido tsaka pangalawa,baka sa dating may ari pa yung stocks doon. balita ko sabi ni daddy patay na ang may ari ng islang ito kaya sila daddy ang bumili para pagawaan ng resort at kaya tayo nandito for the surveying and planning." sagot naman ni cedric
"check ka jan cedric!well,never the less,mayaman ang may ari nito kasi ang laki ng bahay eh tsaka bongga sa pagka bongga ang design!kabog na kabog!" sagot ni faye
"koreeek! sana may anak syang lalake ng magawang jowa!" pabirong sagot ni pen sabay tawa habang kumakain.
matapos kumain ay isinunod nila ang kusina,hallway at hagdan at ang mga kwarto.
naglilinis si darren sa kwarto mag isa at oinagmasdan ang paligid. puro agiw ang dingding,magulo ang kobre kama at may medical kit sa kama. odd thing.bakit nasa kama ito? tanong ni darren sa sarili.inumpisahan nyang walisan ang sahig pati ang ilalim ng kama at nahila nya palabas ng ilalim ng kama ang isang t shirt na punit ang likuran. dinampot nya ito at tinignan. may mantsa ng dugo. ibinaliktad nya ang tshirt at naalala nya iyon. ang penshoppe tee na binigay nya sa kapatid nung pasko tatlong taon na ang nakakalipas.hindi ako sigurado pero may kutob ako.kay earl nga kaya ito?baka naman masyado lang akong obsessed... tanong nya habang hawak pa rin ang tshirt at nakadungaw sa bintana
"pare need help?" tanong ni cedric ng biglang pumasok sa kwarto
"napaigtad bigla si darren " bwisit ka ginulat mo ako! di na kaya ko na!" natatawa nyang sinabi
"haha wag ka kasi adik sa kape,o sige since tapos na rin naman maliligo muna ako sa baba tapos maghahain na tayo ng pananghalian para makapag pahinga okay?" sabi ni cedric at tumango si darren.
matapos maglinis ng kwarto ay bumaba na si darren sa kusina at naabutan nya sina faye,pen at macky na nagaayos ng grocery sa kitchen cabinet abala ang tatlo sa paghalungkat.
"sayang ang ibang goods dito naexpire lang,madami din pwede pa mapakinabangan. kanino kaya tong hause na to noh?kung bf ko lang ang anak ng may ari nito aysusmiyo,sisikapin ko magkaanak kahit wala akong matres!" pabiro ni pen.
"ipush mo pa yan sissy!push pa more!" sagot ni faye
si macky naman ay biglang napasigaw at sinabing
"bingo!!! ALAK PA MORE!!!" pagkabukas nya ng cabinet na maraming imported na alak at kinuha ang isa at ipinakita sa mga barkada " inuman na guys!"
"by the beach!" sabi ni pen at faye sabay hagikhik.
"sakto yan sa bakasyon natin dito!bigtime ang nagiwan nyan malamang!" sagot ni darren.
pagkatapos maligo ni cedric ay nagluto na sya ng kanilang hapunan at sabay sabay na kumain.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
HorrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...