Chapter 12: Adobo

1.2K 20 1
                                    

nagtanghalian sina pen,faye at cedric na wala ang dalawang magkaibigan at ng matapos ay pinilit ni faye si cedric na tulungan pa rin hanapin ang mga magulang at kapatid ni darren kaya kinumbinsi nila si darren na hahanapin pa rin nila ang mga nawawala sa kabila ng ilog. pag alis nila ng bahay ay si macky lang ang naiwan.kasalukuyang nanunood ng tv sa kwarto si macky at wala syang kaalam alam na umalis na ang mga kaibigan nya. ang akala nya ay hindi na muna sila tumuloy sa paghahanap dahil sa nangyaring tension sa tanghalian kanina sa pagitan nya at ni darren. hindi ako hihingi ng sorry dahil hindi ko kasalanan!nauna si darren kaya matira sa tigas ng pride ang matibay! sabi ni macky sa sarili.

nagsawa sya manood ng tv, kaya naisipan nyang maligo. binuksan nya ang hot and cold switch ng gripo at saka tinimpla ito na sakto sa pakiramdam nya. lingid sa kaalaman nya na pinasok na pala ang bahay ng tatlong aswang. si wilfred at tatlo pang kasamahan. dahil tirik na tirik pa ang araw ay wala pa silang kakayahan para mag palit anyo kaya ang kaya lang nila gawin ay humawak ng patalim at pumatay gamit ang mga ito. alam din nilang wala sa loob ng bahay ang apat sa limang tao na nandoon kaya naman sinamantala nila ang pagkakataon na pasukin ang bahay dahil para sa mga aswang,pag patay na ang may ari ng bahay ay wala ng halaga ang proteksyon na bumabalot dito kaya maaari na nilang pasukin ang bahay at kainin ang sinoman na nakatira dito.

binuksan ni wilfred ang main door at pumasok sa bahay. inamoy ang paligid at tumatak sa isip nya ang amoy ng tatlo pang lalake na kasama ng dalawang una nyang nakilala,si faye at pwn. sinundan nya ang pinaka mabangong amoy sa lima. si macky. kumulo ang tyan ni wilfred habang sinusundan ang amoy ni macky. umakyat ang apat sa hagdan at tahimik na pumasok sa kwarto kung nasaan si macky. habang naliligo si macky ay kumakanta pa ito ng i will survive ng parokya ni edgar.

"nasa panikuran" pabulong na sinabi ni wilfred at tinungo nila ang pinto ng banyo. agad na binuksan ni wilfred ang pinto ng banyo na ikinagulat ni macky at mabilis na humarap sa pinto

"sino kayo?!" tanong ni macky

"kami ang lalapa sayo!" sagot ni wilfred at sa isang kislap ng mata ni macky ay nasa harapan nya na ito at halos magkadikit ang kanilang katawan. naramdaman ni macky ang sakit sa kanyang dibdib at ng tinignan ito ay saka sya napasigaw

"aaahhhhhh"

hinugot ni wilfred ang kutsilyo sa dibdib ni macky at paulit ulit nya itong sinaksak sa likod hanggang sa mamatay. ng masiguro nila wilfred na patay na ay saka nila hiniwa ang tyan ni macky at kinuha ang laman loob nito at inilagay sa bath tub.ng halos wala ng natira sa laman loob ay saka nila pinag tatadtad ang katawan ni macky. nakaisip ng kalokohan si wilfred at kumuha ng ilan sa laman at saka dumeretso sa kusina. binilinan ni wilfred ang tatlong kasama na linisin ang lahat ng ebidensya at iplastic ang ibang parte ng katawan at laman loob para maiuwi at maihanda sa kaarawan ng ina ni wilfred ngayong gabi habang iluluto nya ang parteng kinuha para naman sa mga kaibigan ng pinatay nila. abala sa pagluluto si wilfred ng "adobo" na nilagyan pa nya ng dahon ng laurel. ilang oras din ang itinagal nila sa bahay at ng mailuto na ay saka sila caswal na umalis.

"guys,tara na,im tired already and i can barely walk!" reklamo ni pen

"holy carabao! alas kwatro na!uwi na tayo ced kawawa naman si macky doon baka sabihin nun isa na syang yagit!" biro ni faye

"tara na ng makapag luto pa ako ng hapunan baka di pa nagluto si macky,pasensya na da,kailangan natin bumalik na,apat na oras na rin mahigit eh" ani cedric

ganun na nga ang ginawa nila,bumalik sa bahay at pasado alas sais y medya na nun ng makapasok sila sa bahay na wala man lang ni isang ilaw ang bukas kaya kinapa ni cedric ang switch.

"MACKY WERE HOME!" masayang sigaw ni pen ngunit walang macky na sumagot

"asan kaya yung baliwag na yun,wariks ilaw wariks din macky ganern?!" sabi ni faye

dumeretso sa kusina si cedric sa kusina at ang tatlo ay umakyat sa kwarto. ng maamoy ni cedric ang mabangong amoy laurel ay tinignan nya ang kaldero at nakitang may adobo na mukhang masarap!

mackyboi youre the man! sa isip ni cedric at umakyat na sya ng kwarto.

"sakto ang uwi natin guys adobo ang ulam at si macky ang nagluto!" masayang bati ni cedeic na halata na hindi na sya mapapagod. magsasaing na lang kaya nagpalit sya ng sando at nagpaalam na magsasaing. wala namang pakialam si darren at sa halip ay nahiga na lang sa kana at inilagay ang mga kamay sa likod ng ulo at ginawang unan. si faye ay nagsusuklay sa harap ng salamin at si pen ay biglang humiga sa tabi ni darren at inilagay ang ulo nya sa dibdib at yumakap. nakita ito ni faye at nag comment

"ay kung hindi ka ba naman malandi edi sana may kapayapaan sa mundo!"

tumingin si pen kay faye at sinabing

"eh kung hindi ako malandi at ang katulad kong mga bakla sa mundo eh di sana wala kayong kaagaw sa mga lalake at walang thrill ang buhay nyo!!!" sabay irap nya kay faye at ipinatong ang ulo sa dibdib ni darren

"da,make love not war na!" sabi ni pen

walang imik si darren at umupo sa kama "hindi ko kasalanan. inunahan nya kaya natural magagalit ako!"

nagtinginan na lang sina faye at pwn at tahimik silang naghintay na tawagin sila ni cedric para maghapunan.

sa sobrang abala ni cedric kakalaro sa cellphone nya ng games ay hindi nya naalala ang sinaing. ng mangamoy ito ay naiitsa nya sa upuan ang telepono at patakbong pumunta sa kusina para patayin ang stove at ng buksan nya ang kaldero ng sinaing ay malakas na ang amoy sunog na kanin. patay na,brownies ang labas! sabi nya sa sarili at kumuha na sya ng ihahain ganun din sa ulam.

"GUYS KAKAIN NA!" sigaw ni cedric

isa isang bumaba ang mga kaibigan at nag kanya kanyang kuha ng kanin."

asan na ba si macky?" tanong ni faye

"baka nasa baybay at nagpapalamig din. hayaan nyo sya at kakain din yun pag nagutom." sagot ni cedric

nagkwentuhan na lang sila tungkol sa gagawing mga bagay pa at habang abala sila sa pagkain ay sumandok si pen ng pangalawang round ng kanin at ulam. maya maya pa ay may nakita syang manipis na bagay sa sabaw na ibinuhos nya sa kanin sa plato nya at nanlaki ang mga mata nya. kinuha nya ito at ipinakita sa mga kasama na natigilan sa pagkwentuhan at pagsubo ng kinakain

"ano yan kuko?" tanong ni cedric

inusisa ni pen at kinumpirmang kuko nga ang hawak at sabay sabay silang tumayo at nagkanya kanya ng hanap kung saan isusuka ang kinakain.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon