Chapter 10: Anino

1.2K 18 0
                                    

Mahimbing ang tulog ng magkakaibigan lalo na si macky na humihilik pa.

"kuya takbo!bilis malapit na sila!" sabi ni earl

"bilis earl mauna ka na susunod ako magkita tayo sa yate!" sagot ni darren at pumasok sya ng bahay at kumuha ng gulok. pawisan at hinihingal siya habang naghahalungkat ng kahit anong uri ng patalim. binuksan nya ang cabinet sa kusina at nakakita ng butcher knife at kinuha nya iyon

"kuya bilis halika na naririnig ko na sila!" takot na takot na sigaw ni earl at hinila na ang kapatid sa damit

"tara na!" sabi ni darren

saktong paglabas nila ng gate ay naandoon na ang mga tinutukoy ni earl.

"mga aswang?" sabi ni darren at lumingon sya sa likoran nya para tignan ang kapatid ngunit nakahiga ito sa buhangin at wakwak ang tyan at may aswang na nilalantakan ang laman loob ni earl. laking gulat nya ng makitang pati ang mga nawawalang mga magulang at barkada ni earl ay duguan din. pag harap nya na patakbo na sana ay sinakmal sya sa leeg ng isang aswang

"AAAAAAAAHHHHHH! PPPUUUTTTAAAAA!" at agad syang napaupo sa kama at hinihingal. malakas ang kaba sa dibdib at maging sina cedric,faye,macky at pen ay nagising sa sigaw ni darren at sabay sabay na nagtanong

"bakit? sabi nila "da okay ka lang?" dugtong ni faye

"sorry,masamang panaginip!" sagot ni darren at ikinwento ang panaginip nya

"tol baka naman talagang panaginip lang yan!" sabi ni macky

"tol makatotohanan eh,dito rin sa bahay na ito mismo nangyari!" sagot ni darren

"guys alam nyo ang odd na,i saw a ghost na babae nung first day natin dito sa salamin ko nakita,si pen nakarinig ng tabi tabi po tapos ikaw da nananaginip ng tungkol sa ganyan at si earl pa napapanaginipan mo!hindi kaya may message talaga?" haka haka ni faye

"possible and how are we going to explain the bags? baka nga warning sa atin to?" sagot ni pen

"guys were old enough,besides,modern era na to digital,sa panahon ngayon wala nang mga ganyan!dont tell me naniniwala pa kayo sa aswang?" kontra ni cedric

"ced,hindi sa naniniwala kami but we can never be sure if wala na ngang ganyan dito sa panahon ngayon diba? walang mawawala if maniwala." sabi ni pen

"pens right,pare unusual yung mapanaginipan ko kapatid ko,sa bahay naman hindi ako ganto,nung dumating tayo dito saka lang nagkaganto tsaka nung naglinis ako dito mismo sa kwarto na to may first aid kit at punit na tshirt na may dugo na sure na ako ngayon na sa kapatid ko.pare baka kung ano na nangyari sa kanila dito!" sabi ni darren

"the only way to know is that we search and find out. if we could cross the river bukas malay natin nandun yung sagot. pero wag tayo mawalan ng hope na buhay pa silang lahat kasi hindi tayo sure sa ngayon kahit may kawirdohang nangyayari" paliwanag ni cedric

isang malakas na kalabog sa bubong ang narinig nila na tila isang buko ang nahulog mula sa puno pero sa pagkakaalam nila ay wala namang puno malapit sa bahay na mas mataas pa sa bubong. dahil sa kinilabutan si pen at faye ay napatakbo sila paakyat ng kama at sumiksik sa tatlong lalake.

"shit ano yun?" guys im fucking scared!" sabi ni faye

"ako din" sabi ni pen at nanlalaki ang mata na lingon ng lingon na kala mo ay napapraning

"i admit,ako din takot!" sabi ni macky na yumakap pa kay darren at yumuko na nakapikit ang mata

"macky ano ba! laki ng katawan mo oh!" sabi ni darren habang inaalis ang braso ni macky na nakaakap sa kanya

bumitaw si macky at niyakap ang itiniklop nyang tuhod ay niyakap nya.pag angat nya ng ulo nya ay nakatingin sa kanya ang apat na kaibigan

"what?! kayo lang ba may karapatang matakot?" tanong nya

"seriously macky?" kunot noong tanong ni pen pero hindi na nagawang sumagot ni macky dahil may bumato ng bintana sa ibaba at dinig na dinig nila iyon mula sa kwarto.

nagyakapan sina faye at pen at dahil kinikilabutan na si macky ay nakiakap na rin.

"da,tara sa baba!" matapang na tumayo si cedric at darren

"huy wag nyo kami iwanan dito!" sigaw ni macky

"duwag!jan lang kayo" sabi ni darren

bumaba sila para tignan ang pinanggalingan ng ingay at nakitang sa may reception area ang nabasag na salamin ng bintana. malaking bato ang ipinukol dito at sa di kalayuan ay naaninag ni cedric ang animoy tao na biglang nagtago sa likod ng puno sa labas ng bakuran.

bumalik sila sa kwarto at pinatay ang ilaw. "faye may flashlight phone mo?yan na muna ilaw natin. may tao sa labas" sabi ni cedric

ilang oras din sila nagbantay pero wala nang sumunod na nangyari kaya ang ginawa nila ay salitan sila sa pagbantay hanggang mag umaga samantalang si faye at si pen ay masarap ang tulog.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon