Chapter 11: Ang paghahanap

1.2K 20 0
                                    

Bukang liwayway na ng nagising si cedric at nakita nyang tulog si macky sa sahig kung saan nakalatag ang kumot na hihigaan sana nina pen at faye.si darrwn naman ay tulog din kaya tumayo si cedric sa kama at dumeretso sa banyo para maghilamos. matapos ay bumaba sya at nilinis muna ang mga basag na parte ng bintana at tinakpan ito ng plastic bago sya nangusina.

ilang minuto lang ay pababa na si faye ng hagdan papuntang kusina

"good morning" bati ni faye

lumingon si cedric kay faye saka bumati. "kamusta tulog?

"well,im not sure if nakatulog ba talaga ako o hinimatay kaya deretso tulog!" sabay tawa nilang dalawa "grabe kagabi,i wonder what that was!"

"well, iniisip ko since hindi lang tayo yung tao dito sa isla ay baka naman ayaw lang ng mga nakatira dito patayuan ng resort etong isla,kaya nananakot sila" paliwanag ni cedric

nagpout ng nguso si faye "may point ka dyan papa ced pero grabe naman pananakot yun hanggang bubong kinakalabog?and its for them din naman eh,madami makaka kilala sa kanila pag nagkataon!" sagot ni faye

"oo nga eh...kaso mukhang ayaw nila.but no matter,tuloy pa rin ang resort as dad wants it so kailangan pa din natin matapos ang planning at surveying" sabi ni cedric

"and help darren find his relatives..."doubtful na sinabi ni faye "you think they are still alive?" dugtong nyang tanong

"maybe pero kasi aminado ako at kutob ko wala na.pinapalakas ko lang loob ng kaibigan natin kasi kawawa naman din!" sagot ni cedric

ilang sandali lang ang paguusap nila at bumaba na ang tatlo. kanya kanya silang pagpungas at si pen ay humikab pa habang pababa ng hagdan.

"morning guys,kape na!" sabi ni faye at sya na mismo ang kumuha ng mga tasa at nagtimpla ng kape. "maaga natin simulan ang paghahanap para by lunch makabalik tayo dito at makakain.madami naman niluluto si ced na hotdogs and eggs kaya di na natin need magluto ng tanghalian.

umupo ang tatlo sa lamesa at nagsalita si pen habang humihikab "antok pa akenta gurl!" sabi nito

"kain muna tayo para may lakas bago umalis" suhestyon ni macky

matapos magluto ay inihain na ni cedric ang pagkain at kanya kanya na silang kuha. habang kumakain ay napagusapan nilang iliban muna ang pag survey at unahin ang paghahanap sa mga magulang at kapatid ni darren. unahin nila ang parteng beach hanggang sa may ilog at pag nagawa nilang halughogin ang kalahati bago magtanghalian ay kakain muna sila bago tatawirin ang ilog at magkikita ulit ng bandang alas kwatro sa bahay. kaya matapos kumain ay naghati sila sa dalawang grupo.

si pen,darren at faye ang magkakasama at si macky at cedric ang pangalawang pair.

habang nasa gubat sila faye ay kanya kanya sila ng tingin kung saan saan para sa clue o kung ano mang bagay na makakatawag ng pansin nila.

"da,sana makita natin sila,since may idea na tayo na dito sila pumunta" sabi ni pen

"oo nga eh,sana okay ang kalagayan nila"sabi ni darren

hay da...kung okay sila sana nakabalik na sila sa bahay nyo o kaya naman sa tinutuluyan natin ngayon... sabi ni faye sa sarili

"faye sis,okay ka lang?" tanong ni pen

"ah...yeah,may iniisip lang ako but im fine,malay natin nandito lang sila diba?!" sabi ni faye at nagpatuloy sila sa paghahanap.

"mac,pustahan tayo wala tayong makikita dito  na mga nawawala... either patay o wala talaga sila dito" sabi ni cedric nang magsimula silang humiwalay kina faye

"eh bakit pa tayo maghahanap pare?" sabi mi macky

napangiti si cedric "easy,kaibigan natin si da,kailangan mataas ang boost natin sa kanya kasi mataas din ang expectations nya na makita ang mga mahal nya sa buhay" sagot ni cedric

"sa bagay pero pare tingin mo,buhay pa sila kasi ako palagay ko hindi na kasi tatlong taon na ang lumipas tsaka yung mga yate may mga gas pa,bakit wala ni isa sa kanila ang bumalik?" sabi naman ni macky

"thats the thing.kaya nga alam ko wala na sila pero ang iniisip ko eh kung patay na sila,sino ang pumatay..." tanong ni cedric

eala sa isip ni macky ang isinagot " babk naman yung mga villagers dito o baka isa sa kanila ang killer" sagot ni macky sabay tawa

may utak din pala si macky.baka nga isa sa kanila ang killer. hindi kaya kami ang isusunod?wag naman sana... sabi ni cedric sa sarili

"ced tignan mo may mga baril!" gulat na sinabi ni macky ng maapakan nya ang isang baril na natakpan ng tuyong dahon at walang dalawang isip na inalis ang nakatakip dito at ng maalis ang ibang dahon pa ay may dalawang baril pa na tumambad sa kanila. dinampot ito nila cedric at chineck ang ammo,fully loaded at saka nila ibinulsa.

"pare mukhang isa nga sa kanila ang killer!" sabi ni macky

nagkita kita sila sa bahay bago mag tanghali at naghain ng pagkain. inilapag ni macky ang baril sa gitna ng dining table at ganun din ang ginawa ni cedric.

"okay explain" gulat na sinabi ni pen na agad nagtaas ng kamay at nanlalaki ang mga mata ng makita ang tatlong baril

"chill,nakita namin yan sa gubat,now darren" sabi ni macky " may chance na patay na ang hinahanap natin at wag ka na umasa dahil we dont know kung buhay pa sila at kung isa sa kanila ang killer"

uminit ang tenga ni darren sa narinig at biglang sinunggaban si macky ng tatlong suntok sa mukha dahilan para magdugo ang mga labi nito. agad syang hinawakan ni cedric at inilayo sa kinauupuan ni macky

"TANG INA KA PARE HUWAG KANG MAGSALITA NG GANYAN!DI MO ALAM PINAGDADAANAN KO TANG INA MO!!!" galit na galit na sinabi ni darren

natauhan si macky at tumayo sa kinauupuan " BAKIT HINDI MO TANUNGIN ANG MGA INIISIP NG TATLONG TO KUNG ANO SA PALAGAY NILA KUNG BUHAY PA ANG MGA HINAHANAP NATIN HA! GAGO KA PALA EH!"  sagot ni macky sabay alis ng kusina at umakyat sa kwarto

nagnginginig sa galit si darren at inialis ang kamay ni cedric na nakahawak sa kanya. lumabas sya ng bahay at pumunta sa beach at doon nagpalipas ng oras. si pen naman ay naiyak sa takot ng makita ang suntukan ng magkaibigan at si faye ang nagpapatahan sa kanya.

"tama na pen,magkakaayos din sila.tahan ka na" sabi ni faye

natawa si cedric at hindi napigilan mag comment

"takte,baligtad ha,kayong dalawa talaga ang cute pagsamahin,action na nagiging comedy pa!"

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon