Matapos silang maghapunan ay tumambay sila sa labas para makalanghap ng sariwang hangin at pagmasdan ang mga bituin sa langit. naglatag si darren ng isang malaking kumot at saka sila humiga.
"da...sorry sa itatanong ko pero kamusta na ang kaso ng mga magulang mo?may updates na ba?" tanong ni cedric
"hanggang ngayon nganga.kaya nga nagbakasakali ako na makigrupo sa inyo kasi malay ko kung yung isla pala na ito yung isla na pinuntahan din nila diba edi swerte ko.tsaka isa pa hindi ko mapabuksan ulit ang kaso kasi ginagamit ko ang pera sa studies ko.kaya pinipilit ko makatapos.isang taon na lang din naman sayang kung titigil ako" ramdam sa sagot ni darren ang sobrang lungkot at pananabik na makita ang mga magulang at kapatid.
"da ang tagal na nun ha,like 3 years na mahigit... sana naman makita na sila diba para maging masaya ka na ulit..." sabi ni faye
"pero sa tingin mo buhay pa sila tol?kasi kung hindi,da pwede kanaman tumira sa amin eh.kilala ka na naman ni daddy" suhestyon ni cedric
"thanks tol,faye...sana nga buhay pa sila kasi miss na miss ko na mga magulang ko at kapatid ko. katulad din yun ni pen,alam ko bakla yun pero syempre mahal ko yun,kapatid ko eh" mangiyak ngiyak na sinabi ni darren.
"aaaawww da,dont worry promise hehelp kita makita ang sisteret mo pati magulang mo once na okay na tayo sa lahat...pangako yan..." sabi ni pen
di na napigilan ni darren na magkwento habang umiiyak "noon galit ako sa kapatid ko kasi madaming beses nya ako ipinahamak sa mga magulang ko,kaya hindi ko sya masyado kinakausap,di tulad nung mga bata pa kami.one time nagsumbong sya sa mommy namin na naninilip daw ako sa kapitbahay kaya napagalitan ako at pinalo. di ko lang masabi sya nga sinisilip yung bird ko pag nag aano ako eh.hinayaan ko na lang yun.nung nagbakasyon kapatid ko sa isang isla sobra ang pag alala ko kasi baka kung mapaano na yun. nung hindi sila nakabalik nung mga kaibigan nya,gusto ko sumama sa paghahanap pero hindi ako isinama ni mommy kaya nagpaiwan ako,hanggang sila hindi rin nakabalik"
"im sure naman da nanjan lang sila at buhay pa,baka di lang nakaalis sa isla kasi stranded." sabi ni pen
"oo nga, malay natin nagsaslide lang pala sila sa rainbow habang stranded diba?"sabi ni faye
"TEKA NGA,sino ba talaga ang bakla sa atin faye?ikaw o ako?!" seryoso pero patawang reklamo ni pen
"sabi ko nga ikaw!,rewind natin?!" sagot ni faye at nagtawanan sila.
tumayo si pen at agad syang tinanong ni cedric kung saan pupunta, sumagot sta na iihi lang at sa halip na sa loob ng bahay dumeretso ay umikot sya at sa likod bahay umihi. medyo madilim sa likod bahay kaya bahagya syang mabagal ang lakad.
katakot naman dito,andilim! sbi ng utak nya. "tabi tabi po" sa isip nya ulit. at mula sa madilim na parte ng bakuran sa may puno ay may nagsalita na boses ng isang lalake
"tabi tabi po!" sabi nito.
nagulat si pen at naudlot ang pag ihi nya ng marinig nya iyon. ang boses ay malalim at garalgal. nakakapangilabot. lingon ng lingon si pen habang sinasara ang zipper ng shorts nya
"sino yan?may tao ba dyan?" nakatingin si pen sa may puno at muli nyang narinig ang boses "tabi tabi po" sabay tumawa.
sa takot ni pen ay napatili ito kahit hindi nya alam na may tao ba o wala.habang tumitili sya ay kumaripas sya ng takbo papunta kina darren.
"guys...guys...may mumu may mumu!" namumutlang napaupo si pen sa tabi ng mga barkada nya at nagsumiksik sa gitna nila
"what are you talking about?"tanong ni faye
"pen okay ka lang ba?" tanong naman ni darren
"huy pen magsalita ka!" sabi ni cedric. si macky naman ay nagtatakang nakatingin kay pen. halatang ninerbyos nung marinig ang salitang "mumu"
ikinwento ni pen ang lahat at ng matapos ay medyo kumalma ito.
"alis na tayo dito im scared!" dagdag pa ni pen.
para mapalagay ang kaibigan ay iniligpit na nila ang kumot at pumasok sa loob ng bahay.
matapos magligpit ay nagpasya sila ni faye na sa kwarto na ng boys matulog dahil maging si faye ay natakot na rin. habang nag aayos sila ng hihigaan ang dalawa,binuksan ni macky ang cabinet at nakitang may mga hiking bags doon.
"tol oh!bags,may mga laman!bungkalin na natin!" sabi ni macky at binuksan ang isa.
napatingin si darren sa kulay black at asul na bag.nilapitan nya ito at nakilalang bag iyon ng kapatid kaya walang imik ay binuksan nya ito at naghanap ng prueba.tinanggal nya ang mga sdamit at sigurado syang kay eall iyon. binuksan nya ang bulsa at tama ang hinala nya. nakita nyang i.d. ni earl ang nasa loob!
"tol bag ng kapatid ko ito!dito sila tol!" masayang sabi ni darren. "ang kailangan na lang ay makita ko sila!"
"oo nga ano kay earl nga ito!" dugtong ni cedric dahil nakilala nya ang picture sa i.d. "bukas hanapin natin guys,sabay natin sa surveying ulit sa ibang kugar sa kabila ng ilog.
nabuhayan ng loob si darren, sa wakas ay iisang isla lang ang pinuntahan nila at hahanapin nya na ito pati ang mga magulang. maaga silang natulog para kinabukasan ay may lakas sila maghanap.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
TerrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...