matapos kumain ay nagbihis na ang magbabarkada para sa night swimming at inuman nila. matapos magbihis ay hinintay nila si cedric dahil nagluluto pa ng kropek para may kakainin sila sa beach. nakaboard shorts ang mga lalake pero si faye at pen ay naka two piece. natawa sina darren,cedric at macky sa ichura ni pen dahil feel na feel nya ang pag bra pero ang pambaba nya ay cycling shorts na trunk type. kahit gabi na ay isinuot pa rin nya ang shades nya at sinabing
"am i sexy or am i sexier?"
"OR!" ang sagot ng apat na kaibigan.tawang tawa si cedric ng makita ang bading na si pen at ipinasuot pa ni faye ang balabal nya kay pen. tuwang tuwa ang bakla habang kumakanta
"ako'y, isang sireyna" kanta ni pen
"tara na baka malasing tayo agad sa kalandian ni pen" sabi ni macky at naglakad na sila papuntang beach
"if i know macky,akin din ang bagsak mo pag kinakailangan!" pabirong sabi ni pen
natawa si macky at sumagot
"baliw. hanggang pantasya mo na lang yun.virgin kaya ako!"
"oo na lang sabi ng virginity mo macky. pag ikaw nagsumiksik sa akin,hu u ka!" kunyaring tampo ni pen
"nakarating sila sa beach at nagbonfire agad para kahit papaano ay hindi masyadong malamig. naisip agad ni pen at faye na lumangoy habang ang boys ay binuksan ang tequilla na dala. kinuha ni darren ang kalamansi at hiniwa ito. walang imik si darren kaya naman hindi natiis ni cedric na magtanong.
"kanina ko pa napapansin pare,ang tahimik mo. nakikitawa ka pero di ka nagsasalita,may problema ba?"
umiling si darren at sumagot
"ayos lang ako tol,medyo may iniisip lang ako" sagot nya
"wag mo isipin yun mahal ka nun. sino ba yung babae na yan para masapak natin!" sabi ni macky at lumagok ng isang shot. "aaahh ang tapang nanununtok...penge kalamansi!"
"inabot ni darren ang kakahiwang kalamansi at agad itong sinipsip ni macky.tinagayan ulit ni cedric ang jigger at iniabot kay darren.
"hindi babae tol. iniisip ko lang,wala nangyari sa kaso ng magulang ko at kapatid.buhay pa kaya sila?" sabi ni darren at ininom ang tagay.
napilitang ngumiti si cedric at sinabi "wag ka mag alala,malay mo buhay pa sila tsaka wala pa naman closure ang kaso eh,dormant lang so may chance na makita o makauwi pa sila."
bumalik sina faye at pen galing sa dagat,nagtatawanan ang dalawa at naririnig nina macky ang usapan nila at pinagmamasdan si pen na pakembot kembot habang naglalakad sa buhanginan
"Penn michael richards,20,PHILIPPINES!" sabay pakawala ng isang ikot at tumalikod,naglakad pabalik sa dagat at lumangoy.
tawa ng tawa ang magbabarkada sa ginawa ng kaibigan at si faye ay nakigulo na sa mga boys habang si pen ay palapit pa lang sa kanila
"ano?ako na naman clown nyo?" sabi ni pen ng makalapit sa kanila
natawa si faye "ang cute mo kasi pen sayang ka kung naging lalake ka asauce jinowa na kita as in now na!"
agad namuti ang mata ni pen "hoy faye bakla ako sorry!"
"oh shit bakla ka ba?di ko alam!" pabirong gulat na reaksyon ni faye
"hoy bruha sinong bakla?!walang bakla dito diba macky?pakiss nga pare!" sabi ni pen at natawa din sya sa sarili
matapos ang isang bote ng tequilla ay binuksan ulit nila ang isa pa.medjo mababaw pa ang tama ng alak sa katawan nila kaya naman nagkwentuhan sila ng mga nakakatakot na karanasan o stories na alam nilang nakakatakot.
"may kaibigan ako dati na mountaineer,may mga kasama sya na umakyat ng bundok,ewan kung anong name ng bundok na yun pero halfway na sila sa bundok ay biglang umulan,pagabi na yun,habang nasa silong sila ng isang kweba ay biglang may lumabas na taong mabalahibo at puro pangil ang ngipin at sa taranta nilang lahat eh nagkanya kanya silang tumakbo papalabas ng kweba ngunit isa lang ang nakalabas dahil may humampas daw sa ulo nya at nakatulog sya.ng magising ay nagpretend sya na patay na kaya nung nakatalikod na yung halimaw ay agad syang kumaripas ng takbo pababa ng bundok.siguro dahil sa takot at trauma,ayun nasiraan ng bait yung kaibigan ko at hindi na gumaling." kwento ni cedric.
"wala yan sa urban legend ko.yes ako mismo ang naka experience" sabi ni pen
"sige na bakla kwento na hantogol!" sabi ni faye
"okay,this happened when i was in highschool,first year ako that time and syempre dahil nagdadalaga eh maraming changes sa katawan ko so i was gradually accepting it.then when i look in the mirror,nashock ako sa nakita ko,PIMPLES!! then i shouted "aaaahhh URBAN LEGEND!!!" at natawa sa kinwento
"ang korney mo bakla!" sabay tawa ni faye
"uuwi ka ngayon o bubugbogin kita?" reaction naman ni macky
"wag kang magpatawa hindi ka kalbo!" sabi ni darren at nagtawanan silang lahat sa kanya kanyang reaction.
"sarrey huh,sarrey!" sabi ni pen sabay japan japan.
iniwanan nila sandali ang iniinom ng magyaya si macky na lumangoy at lumusong sila sa dagat. masaya silang naglalaro at maya maya ay napalayo na sa lugar ng pinagiinuman nila. may natanaw si pen na kulay puting bagay na nakakubli sa puno ng bakawan at pinukaw ang atensyon ng mga kaibigan.
"guys,is that a ghost?!" habang nakaturo ang kamay ni pen sa nakita nya.
"parang yate o bangka ata yan pen!" dugtong ni macky
"bukas natin tignan.wow ang layo na pala natin!tara balik na tayo!" sabi ni darren.
pabalik na sila ng may narinig silang isang huni ng kung anong hayop yun ay hindi nila alam.natigilan sila at nagtanungan kung ano yun pero hindi na nila ito binigyan ng pansin at nagpaunahan na lang lumangoy.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
HorrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...