nagtago sina darren at pen sa isang puno na may uka at pwedeng gawing taguan. tinakpan ni darren ang bibig ni pen para hindi gaanong maingay ang pag atungal ni pen sa dinadaing na sakit ng tagiliran dahil sa sugat.
"ssshh pen please wag ka maingay kung hindi patay tayong dalawa!" bulong na sinabi ni darren at narinig nila ang sigaw ng aswang
"HAYON SILA!"
ang pagkakaakala ni darren ay sila ang nakita ng mga aswang at nang marinig nila ang sigaw ni faye sa medyo kalayuan ay itinulak ni pen si darren dahilan para mapatabi sa pagkaharang at makalabas sya
"SISSY!where a..." sigaw ni pen ng tinakpan muli ni darren ang bibig nya. Halos manlaki ang mga mata nila ng makitang marami pala ang mga nasa labas sa di kalayuan at pakiwari nila ay lahat ng mga aswang ay nakatingin sa kanilang dalawa
"SHIT! PEN TAKBO!" takot na sinabi ni darren at hinila ang braso ni pen at nagpaunahan silang tumakbo. paglingon ni pen ay eksaktong napasigaw sya ng tila babae ang tumili dahil ang ibang aswang ay humahabol na sa kanila na tipong halos ang dalawang braso ay ginamit nila sa pagtakbo. lalo pang pinilit ni darren at pen na tumakbo ng mabilis kahit halos tatlong kotse lang na magkakasunod ang pagitan nila. hingal na hingal na rin ang magkaibigan at inilabas ni pen ang baril at walang tingin na nagpaputok at ang nangungunang aswang ang bumagsak kinuha na rin ni darren ang baril at pinaulanan nilang dalawa ng bala ang mga humahabol sa kanila habang mabilis na tumatakbo.
"BWISIT MUKHANG NALILIGAW TAYO!ASAN NA ANG ILOG?!" sabi ni daren at walang pasabi ay hinatak si pen para lumiko sa kaliwa at dumeretso ulit ng takbo
"TAKBO LANG DAHIL PASASAAN PA AT MAMAMATAY DIN KAYO!" sigaw ng aswang na sumusunod sa kanila
"Da bilis!ayoko pa mamatay!" iyak ni pen habang tumatakbong ginuguyod ni darren. ramdam nya na marami nang dugo ang lumalabas sa katawan nya kaya mabilis syang nanghihina pero pinilit na bilisan pa ang takbo. pagod na ang kanilang mga hita pero rinig na nila ang lagaslas ng tubig sa di kalayuan kaya lalo silang hindi sumuko. narating nila ang pampang at patakbong tumawid ng ilog. dahil sa dulas ng mga bato ay nagbitiw si darren kay pen dahilan para bumagal ng bahagya ang takbo ng kaibigan at ng marating nya ang kabilang pampang ay nilingon nya si pen at napasigaw
"PEN BILIS!ANJAN NA SILA!BILISAN MO!" at halos sumugod ulit si darren sa tubig para hilahin ang kaibigan. inabot ni pen ang kamay nya at hinawakan ito ni darren
"da!ayaw ko mamatay!" halos umiiyak na si pen sa takot. nahablot ng isang aswang si pen sa damit na sya namang kinalingon ni pen at napasigaw
BANG...
inasinta ni darren ang aswang na humihila kay pen at tinamaan ito sa ulo at namatay pero marami pa ang humahabol sa kanila. ng marating ni pen ang pampang ay agad syang hinila ni darren at nagsimula na naman silang tumakbo ng mabilis pa. takbo rito, takbo doon ang gawa nila.
sobrang bilog ang buwan pero natatakpan ito ng makakapal na ulap kaya hirap ang dalawa na makita ang daan patungo sa baybay, kahit parehong hingal na ay sige lang sa pagtakbo ang dalawa dahil alam nilang may aswang na sumusunod sa kanilang likuran at sa itaas naman ay naririnig nila ang pagaspas ng pakpak at malakas ang hangin." Pen takbo lang! lalabas tayo dito!" sabi ni Darren sa kaibigan
"kaya ko pa da! wag lang...araaay pucha!" sabi ni pen ng bigla itong nadapa
tumigil si Darren sa pagtakbo at babalikan pa sana si pen pero mabilis din ang takbo ni ng isang aswang na nangunguna at ang mga kasama pa nito at halos ilang metro lang ang layo sa kanila, napaatras si darren at si pen naman ay napalingon at nanlaki ang mga mata ng makitang malapit na sina wilfred sa kanila.
"pare tulong! ayoko pa mamatay!" pagmamakaawa ni pen
hindi alam ni darren ang gagawin at patuloy ang unti unti nyang pagatras at saka tumalikod at kumaripas ng takbo. humabol ang isang aswang na kasama nito at ang natirang mga aswang ay sinunggaban si pen.
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH DDDDAAAAAARRRREEEEEENNNNNN!" tumulo ang luha ng Darren ng marinig ang malakas na sigaw ni pen.maririnig sa boses nito na inumpisahan na syang patayin ng dalawang nagpiyestang aswang.
"PPPPEEEENNNN!" sigaw ni darren habang tumatakbo "sorry" at tuluyang lumuha ang parehong mata at patuloy sa pagtakbo.
kahit hirap na ay patuloy lang sya sa pagtakbo at sa di inaasahang pagkakataon ay nakita nya si faye na tumatakbo din sa unahan lang nya na tila mabagal ang pagtakbo at lumingon sa kanila.
"faye?! faye!!" sigaw ni darren at ng maabutan si faye ay walang sabi sabi na ginuyod nya ito para tumakbo.
" si pen!!si cedric!" sabi nito habang umiiyak. ng mapalingon ay napasigaw si faye dahil isang dipa n lang ang agwat nila sa isang aswang na humahabol at ilang saglit pa ay naabutan si faye at kinagat sa balikat.
napalingon si darren at agad na itinutok ang baril sa ulo ng aswang at ipinutok saka nya kinarga si faye at pinilit na tumakbo ng mabilis kahit hirap at kahit wala ng lakas ay hindi nya ibinaba si faye na umiiyak na sa sobrang sakit. narating nila ang baybay at tinungo ang yate. ngayong malayo na ang ilan sa mga aswang na humahabol ay pinilit ni darren iakyat sa yate si faye at ng magawa ito ay saka sya sumampa at hinila papasok si faye sa may hagdan ng captains cabin at pinaandar ang yate,isinwitch ang auto pilot at saka pinindot ang buton na para sa angkla saka bumaba at inasikaso ang ngyoy nagpupumilit na tumayo na si faye. ilang mga aswang ang eksaktong nasa pampang na ngunit hindi naabutan ang yate na nasa may kalayuan na noon.
"da!im happy youre alive!thank you for saving me!" sabi ni faye at yayakapin sana nya si darren ng itinulak sya nito patabi at itinutok ang baril sa harapan at binaril ang isang manananggal na lumilipad papalapit sa kanila. natamaan ito at muntik nang matamaan si daren ng pakpak pero nakaiwas ito. napasigaw naman si faye sa muntik nang mamatay na kaibigan.
"okay ako, thank you din buhay ka.tayo..."
nang masiguradong malayo na sila sa isla ay chineck ni darren ang yate at ng masiguradong ligtas sila ay nakahinga sila ng malalim at saka umakyat ng captains cabin para imaneobra ang yate.
"alam ko na ang nangyari sa mga magulang ko at sa kapatid ko.balang araw,uubusin ko ang lahi ng mga aswang!"
"im sorry sa sinapit ng parents mo and si earl...nawalan din tayo ng dalawang kaibigan at sigurado ako,pagbalik ng maynila,maraming questions..." sentimento ni faye.
"ibubulgar ko ang lihim ng isla tahimik para maging aware ang publiko na nag eexist pa din ang mga demonyong yun!"
"kasama mo ako da,natatakot pa din ako pero ituturing ko itong masamang bangungot..."sabi ni faye.
kinalikot ni darren ang gps system ng yate para malaman ang posisyon nila at para makabalik sila ng maynila at ipaliwanag sa mga magulang ng mga namatay nilang dalawang matalik na kaibigan ang nangyari...
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)
HorrorAng lihim ng isla tahimik book two ay kwento ng limang magkakaibigan at gaya sa unang libro,sa iisang isla din sila napunta ngunit ang limang ito ay walang kaalam alam kung ano ang meron sa isla at ang hiwagang bumabalot dito. Tila pinaglaruan naman...