Chapter 14: Bihag

1.2K 22 3
                                    

Takot na takot si Faye habang inililipad sya ng dalawang mananaggal patungo sa lugar na hindi nya alam. Hindi nya rin alam kung ano ang mangyayari sa kanya sa mga panahon na iyon.ilang sandali pa ay nakakita sya ng isang apoy sa kagubatan at naramdaman nyang ibinababa sya ng mga aswang na himahawak sa kanya at ilang sandali pa ay binitawan sya ng dalawa habang nasa ere

"AAAAAAAAAAAHHHHHH!" ang sigaw na muling kumawala kay faye at pagkabagsak nya sa lupa ay napahiga ito at nahilo. may kung anong ingay sya na narinig na papalapit sa kanya. nanlalabo ang paningin ni faye at puro itim na mabalahibong braso ang nakikita nya. gusto nyang magsalita pero wala syang lakas gawin ito at ng maramdaman nya na ginuguyod sya sa kanyang buhok ay hindi na sya makasigaw dahil manhid na ang katawan nya dahil sa sama ng pagkabagsak.

"ipasok sya sa kulungan!" sabi ng garalgal na boses na narinig nya. "ngayon ang araw ng pagaalay at bukas ng gabi,ang babaeng ito ang magdadala ng sanggol!" dagdag pa nito

pinilit ni faye tignan kung sino ang nagsasalita at ng makaadjust ang paningin ay nakita nyang nasa isang kahoy na kulungan sya at ang nakatayo sa tabi nya ay walang iba kundi ang lalakeng nakilala nila ni pen. Si Wilfred... dahil sa hilo ay unti unti syang nawalan ng malay tao.

"pinuno,ang tatlo pa nilang kasama ay malaya pang nakakakilos,paano ang ritwal?paano ang handa?" sabi ng isang aswang

"ngayong gabi...susugod tayo at kukunin ang tatlo pa para ang isa ay isakripisyo at ang dalawa ay gawing pagkain!" sabi ni wilfred "ang babaeng ito ay mabubuhay hanggang sa oras na ipanganak nya ang aking anak!" dagdag pa nito.

"dapat kumilos na tayo pinuno bago nila tayo maunahan!" suhestyon ng isa

"hhumanda kayo at kunin sila ng buhay at dalhin dito! ilang sandali lang ay lulusob tayo!" sabi ni wilfred

sa kabilang dako ng isla...

"guys kailangan natin mabawi si faye!" umiiyak na sabi ni pen "iligtas natin ang sissy ko please!"

"pen...wag tayo padalos dalos...isip muna tayo ng paraan para mabawi si faye at makaalis dito" sabi ni cedric na pabalik balik na lumalakad sa loob ng kwarto

"pero ced!kailangan na na...." putol na rason ni pen at nagsalita si darren

"PEN!kailangan natin isipin kung paano mailigtas si faye at papaano makakalabas ng buhay dito sa putang inang impyernong to!alam ko na ang nangyari kina mommy at sa kapatid ko at ayaw kong matulad sa kanila! kung tama ang iniisip ko,wala na rin si macky,baka kinuha ng mga aswang na yun kaya kailangan natin matunton kung saan ang pugad nila at magisip ng mabilis!"

natahimik si pen at tinignan sya ni cedric "kailangan natin ng mga patalim at yung mga baril. kailangan natin iligtas si macky at faye at hindi magkulong dito!"

"paano natin gagawin yun?what if magpakidnap na rin tayo sa kanila para malaman ang palasyo nila or something?" sabi ni pen at napahagikhik sina darren at cedric sa pagkakarinig ng palasyo

"tara na,kunin lahat ng patalim na kayang bitbitin at aalis na tayo,palasyo palasyo anong palagay mo pen nasa palabas tayo?" asar na sinabi ni cedric

nanulis ang nguso ni pen at nagsalita "eh malay mo tapos may rainbow dun para mag slide slide tayo! kaya tara na dali mag getlak na tayo ng sword at chugiin natin ang mga mumu para isave si madam faye!" matapang na sinabi ni pen at nagpupumilit alisin ang takot na nararamdaman kaya idinaan nya sa kalokohan.

"pen ano ba!magseryoso ka nga!lika na!" sabi ni darren,kinuha nila ang baril na inilagay lang sa kitchen cupboard at ang iba pang patalim na pwedeng gamitin. dahil hindi nila makita ang mga flashlight ay naghanap si cedric at darren ng pwedeng magsilbing ilaw nila sa daan at nakakita sila ng gasera sa likod bahay. inalog ng darren ang gasera at narinig na may laman ito at agad nyang sinindihan.

"guys bilisan nyo!" tawag ni pen na nooy naghihintay sa living room ng bahay. agad silang lumabas ng bahay at umiwas dumaan sa pwedeng daanan ng kung sino man.habang naglalakad sila ay nakita nila ang tatlong kalahating parte ng mga manananggal na naglalakad sa gubat at tila alam kung saan sila pupunta para maging buo ulit kaya maingat nila itong sinundan.

"friends sigurado ba tayis sa gagawin nating itey?!look at those yucky walking part oh! scary!" pabulong na sabi ni pen

"isa pa pen!isasaklob ko sayo yung mga yan!wag ka maingay at sundan na lang natin!kung takot ka bahala ka!" sagot ni darren "iiwanan ka namin dito!" at nakaapak sya ng tuyong kahoy dahilan upang mabali ito at mag ingay. Tumigil sa paglalakad ang tatlong kalahating parte at animoy may sariling isip at naghiwahiwalay itong tumakbo kaya naman walang alinlangang hinabol nila ito dahilan para mag hiwahiwalay din sina pen,darren at cedric.

"ang bwisit na julahating katawan ito ambilis tumakbo!" sabi ni pen na akala nya ay kasama nya pa ang dalawang kaibigan. nakatawid siya ng ilog at biglang nawala sa kagubatan ang sinusundang parte ng katawan dahil sa bilis nito tumakbo kaya natigilan sya sa mismong kabilang pangpang dahil doon nya lang narealize na nahiwalay sya kina darren. namutla si pen dahil hindi nya alam ang gagawin kaya nagtago na lamang sya sa likod ng isang puno.

"omg...omg... kung may aswang dito wag mo ako kainin hindi ako juicy at yummy,laspag na po ako...!" pikit matang sinabi ni pen sa sarili at ilang saglit pa ay may narinig syang tumatakbo papalapit sa puno at ng silipin nya ay ang isa pang kalahati ng katawan ng manananggal at eksaktong bumannga sa mukha nya ang parteng gitna na basa dahil sa dugo. dahil sa impact ng pagbangga ay natumba ang kalahating parte ng katawan at animoy nangingisay sa lupa.agad bumunot ng patalim si pen sa bulsa at sinaksak nya ito ng maraming beses habang sinasabi

"BWISIT KA BWISIT KA TALAGA KADIRI KA!GINAWA MO PA AKONG DINUGUAN!" sabi ni pen na nadidiri sa hinilamos na dugo galing sa kalahating katawan. ilang ulit nya pang sinaksak ito hanggang sa hindi na gumalaw at maya maya pa ay

"patay na yan!" sabi ni cedric na tipong nagulat kay pen dahil sa ichura nyang puro dugo "inanak ka ba ulit ng nanay mo?!" sabay mahinang tawa

"GAGO! isa ka pa iniwanan nyo ako kala ko sumusunod kayo sa akin!bbbwwwiiissssseeetttt!!!!" mangiyak ngaiyak na sabi ni pen na agad pinatigil ni cedric sa pagsasalita dahil may naririnig silang tila galit na mga hayop. dumapa sila para hindi mapansin at nakita nilang halos isang batalyon ng aswang ang patawid ng ilog papunta sa kabilang pampang.nakahinga sila ng maluwag ng makalampas ang mga ito saka nagmasid sa lugar kung meron pa.

"baka sa bahay sila pupunta?!" bulong ni cedric

tanging panginginig ang isinagot ni pen sabay turo sa shorts nya

"kariri ka umihi ka pa!" sabi ni cedric

"takot ako eh!d napigilan" bulong ni pen.tumayo sila at eksaktong nakita nila si darren na nagmamadaling tumawid ng ilog kaya sinalubong nila ito sa pampang.

"dali papunta ata sila sa bahay kaya kung buhay pa si faye pagkakataon na iligtas sya!" patakbong sabi ni darren kaya sumunod ang dalawa nyang kaibigan

"kailangan natin makita ang kuta nila habang wala sila!" sabi ni cedric

"buti nakapag tago ako sa puno di nila ako napansin kaya naisip ko dito sila galing maaaring dito ang kuta nila" sabi ni darren "bwisit na katawan nyan nabasag pa yung lampara kaya wala tayong ilaw! buti sa buhanginan nabasag!" dagdag nya

hingal na sila sa pagtakbo kakahanap sa kuta at medyo malayo na sila sa ilog,kahit gusto nang tumigil ni pen at cedric sa pagtakbo ay hindi pwede dahil pansamantala lang ang paglisan ng mga aswang sa kuta at kapag nalaman ng mga ito na wala sila sa bahay ay tiyak na babalik ang mga ito agad. ilang oras pa ay nakarinig sila ng sigaw

"HELP!SOMEONE!" sigaw ng babae

"si faye!" sabi ni cedric at maingat silang yumuko at nang matunton ang lugar kung nasaan si faye ay tumigil sila at kumubli sa mga damo at puno na medyo malayo sa kulungan kung saan ay tanaw nila si faye na nasa loob nito at sa labas ay may tatlong sawang na nakabantay.

Ang Lihim ng Isla Tahimik (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon