CHAPTER 2

2 0 0
                                        

Maya-maya pa, pagbaba ko ng jeep ay naglakad na nga ako papasok ng apartment namin. Pagbukas ng pinto, agad naman akong pumasok sa loob. Pagsarado ko ng pinto ay nilock ko naman ito. 

Paglock ko ng pinto ay binaba ko naman ang bag ko sa sofa at agad naman na akong umupo doon. Pag-upo ko sa sofa ay napatingin ako sa kisame. Pagtingin ko sa kisame ay napabuntong-hininga na ako. 

Sabi ko, "Alone again, huh?" 

Nang sabihin ko 'yun, muli akong napabuntong-hininga. Matapos ng ilang saglit, tumayo na nga ako sa pagkakaupo ko sa sofa at ang sabi ko, "Wala tayong magagawa, Gian." Pumunta ako sa kabinet at binuksan 'yun. 

Pagbukas ng kabinet sa may kusina, ang sabi ko, "Tandaan mo, single mom si Mama, kaya kailangan nating maging understanding." Matapos nga na sabihin ko 'yun, kumuha ako ng delata. Nag-unbutton ako ng uniform ko at naghubad ng pants para hindi 'yun madumihan, kaya nakasando lang ako at nakaboxers nun.

Pagbukas ko ng delata ng sardines ay naghiwa naman ako ng sibuyas. Paghiwa ko ng sibuyas ay kumuha ako ng maliit na kawali. Pagkuha ko ng kawali, inilagay ko 'yun sa ibabaw ng electric stove. 

Sa apartment lang kami nakatira at kaming dalawa ni Mama ang nakatira doon kaya gamit lang namin ang isang maliit na electric stove sa pagluluto. Pag-gisa ko ng sibuyas ay ibinuhos ko na ang sardines sa kawali at nagluto ako doon. Maya-maya pa, pagluto ko ng sardinas, pinatay ko na ang electric stove. 

Pagpatay nun, naglagay ako ng kanin sa plato ko pagkainit nun sa may rice cooker. Pagkatapos nun, umupo na ako sa upuan at nagsimula na ring kumain sa may lamesa pagkatapos ko magdasal.

Maya-maya pa, nang pagkatapos kong kumain, naghugas naman ako ng mga pinggan at ng mga ginamit ko sa pagluluto. Pagkatapos nun, pagkakuha ko ng uniform ko at nilagay 'yun sa laundry basket, pumasok na rin ako sa banyo para maghugas ng katawan ko. Pagkatapos ko naman mag-toothbrush, naghilamos ako ng mukha ko. 

Pagpunas ko ng mukha ko, nagbihis naman ako ng pambahay. Pagbihis ko, nagsuklay ako ng buhok ko. Pagsuklay ko ng buhok ko, kinuha ko naman ang ukelele ko at umupo ako sa ibabaw ng kama ko at nagsimula nang mag-ukelele. 

Maya-maya pa, napatingin na lang ako sa alkansiya ko. Pagtingin ko doon, nilapag ko ang ukelele ko sa ibabaw ng kama ko at kinuha ko naman ang wallet ko mula sa bag ko. Pagbukas ko ng wallet ko, nakita ko na may natitirang dalawang fifty pesos doon. 

Pagkuha ko ng isang fifty mula sa wallet ko, bumalik ako sa kwarto ko at hinulog ko naman 'yun sa alkansiya ko. Sabi ko paghulog ko doon, "Konti na lang, konting tiis na lang." Matapos nun, napatingin ako sa ukelele ko. 

Paglapit ko doon sa kama, ang sabi ko, "Oh, wag kang magtampo, gagamitin pa rin naman kita kahit na magkaroon man akong bago." Pagkasabi ko nun, kinuha ko ang ukelele ko at itinabi ko 'yun sa lalagyanan nun. Pagtabi ko nun, pinatay ko na nga ang ilaw at humiga na ako sa kama.

Paghiga ko sa kama, agad naman akong nakatulog.



Kinabukasan, paggising ko ay napabangon ako at nanatili ako na napaupo sa gilid ng kama ko. Habang nakaupo ako doon, nakahawak ako sa gilid ng kama ko. Nakatulala ako dahil hindi pa masyadong tuluyang nakabukas ang mga mata ko dahil sa antok. 

Maya-maya, may narinig akong nagbukas ng radyo mula sa labas ng kwarto ko, kaya dahan-dahan akong napalingon sa pinto. Sabi ko kahit na medyo antok pa, "Mukhang nakauwi na siya." Pagkatayo ko mula sa pagkakaupo, naglakad naman akong para bang zombie palapit sa pinto. 

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Mama na nagluluto sa kusina habang nakikinig sa radyo. Pagkakita ko sa kanya, naglakad ako ng dahan-dahan na parang zombie habang nakabukas ng bahagya ang mga mata. Paglapit ko sa kanya, niyakap ko siya sa likuran niya kaya nagulat siya, "Ay, jusko!" 

Beside You [COMPLETED]Where stories live. Discover now