Chapter 3

418 11 0
                                    

Fame

EVERYTHING went smooth between Aya and Carey. She's thankful that a good friend came without her finding it. May bagay lang talagang kusang dumarating kahit hindi hinahanap at inaasahan. It's been a week, normal lang ang mga pangyayari sa buhay niya. May konting pagbabago, may konting kaalaman na nadaragdag sa bokabolaryo niya.

Sumali si Aya sa isang music club ng university. She knows how to dance; a talent she's been very thankful of. She loves dancing. Mahiyain siya pero kapag sumasayaw siya ay natatanggal lahat ng hiya sa sistema niya. Maybe because she loves what she's doing. When we love something, we're gonna give our best and she thinks that's where her confidence is coming from everytime she dances with bunch of people watching.

Hindi siya sumali sa cheer-leading group dahil napapansin niyang mukhang wala siyang makakasundo sa mga cheer-dancers. Ayaw ni Aya na makisama sa mga babaeng maaarte at matapobre. She's not judging and all that but, it's the fact. She wouldn't conclude without investigation and proper observation.

Tapos na ang klase at pauwi na sana siya. May dance rehearsal sila kaya kelangan niyang mag-compromise. Alam narin naman ni Mrs. Carlos ang tungkol dito kaya wala siyang dapat ipag-alala. Mrs. Carlos come home late so it's fine.

Kilala niya na ang pagmumukha ng mga kasamahan niya pero hindi niya na matandaan ang mga pangalan nito noong ipinakilala sila sa isa't-isa three days ago maliban kay Karen. She's always getting trouble remembering names. Hinati lahat ng mga dancers. They were given a freedom to choose which genre they prefer and she chose hip-hop genre. It's their 3rd day of practice and so far, everything went good.

Ilang minuto pa habang naka-break sila ay may nahagip ang kanyang mga mata. It's a silhouette of a man. She can only his broad shoulder from her direction. She didn't knew why but, she immediately identified who the guy was. Aya hated the effect that that guy brought to her system. May kausap itong babae na halos ipagduldulan ang sarili kay Hammer. Bigla siyang nakaramdam ng pagkairita kahit hindi naman dapat.

'Tumigil ka, Aya!' Kastigo niya sa sarili.

Hindi niya dapat ito nararamdaman. Mahirap mang aminin pero, laging dinidistorbo ni Hammer ang kanyang isipan kamakailan lang. Binawi niya nalang ang kanyang paningin mula sa lalakeng laging gumugulo sa isipan niya.

"Last shot for today guys! Let's do this!" Masiglang anunsyo ng kanilang baklang choreographer na nasa senior years na.

"Let's go girl!" Si Karen. Ito lang ang kumakausap sa kanya. Madaldal ito at sinasabayan niya na lamang. Ang totoo, gusto niya sanang mapag-isa pero hindi naman pupwedeng ipagtabuyan niya si Karen. She's an introvert but she's not rude.

"Sige." Aniya sabay ngiti dito.

"Ganda mo talaga, girl!" Karen burst all of a sudden and she giggles. Mas maganda naman yata ito sa kanya. Nailang tuloy si Aya dahil sa compliment nito. She needs compliment but Aya is no good at receiving one. Hindi niya alam kung ngingiti lang ba siya or sasambitlain ang salitang "salamat" dahil sa pag-appreciate ng taglay niyang anyo. Iginiya na siya ni Karen papunta sa center ng court. Wala na rin namang magpa-practice ng basketball kaya malaya na silang mag-rehearse.

Balingkinitan ang pangangatawan ni Karen at hindi ito katangkaran. Sa lahat yata ng babaeng miyembro ay si Aya ang pinakamatangkad. Pakiramdam nga ni Aya ay parang nadagdagan ang kanyang tangkad.

Fast learner silang lahat kaya kuhang-kuha na nila ang mga steps ng sayaw. Arrangement na lang ang kulang pero kailangan pa raw nilang ma-perpekto ang mga dance steps bago mag jump dito. Nilagay siya sa center ng kanilang choreographer na siyang ayaw niya sana. Gusto niya iyong hindi siya gaanong mabibigyan ng pansin. After all, she didn't want to dance for recognition but because she loves doing it. It's too ideal to hear but, that's how Aya feels like.

The Aloof Hyacinth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon