Chapter 11

299 14 1
                                    

Chapter 11

Aya left the moment she said those words. Hindi niya dapat sinambitla ang mga katagang iyon. Tila tinatraydor na nga yata siya mismo ng kanyang bibig. Mas mabuti pa nga talaga sana kung tumahimik na lang siya. Tinext niya si Carey at sinabihang nasa classroom na siya. May 30 minutes pa bago ang susunod nilang subect. Hindi niya alam kung saan si Carey  dahil wala naman itong binanggit na lugar nang magpaalam itong umalis, basta ang alam niya lang ay kasama nito si Kurt; ang syota nito. Hindi pa nag-iisang buwan ang relasyon ng mga ito. Nakakainggit nga dahil si Carey kasi may kalayaan itong pagbigyan ang sarili patungkol sa pakikipagkasintahan. Kahit naman pumayag ang Mama at Papa ni Aya ay ayaw niya na munang pasukin ang mga bagay na ito. Nananaig kasi ang takot niya na baka mahulog siya sa maling tao. 

Matagal nang inamin sa sarili ni Aya sa sarili na nahuhulog na nga siya kay Hammer pero ayaw niya paring madala sa mga galawan nito. Ayaw niyang tuluyang madala dahil baka hindi na siya makakaahon pa. Bumuntong-hininga si Aya at napasandal sa armed chair na kinauupoan. She checked her phone to find out if Carey had replied. Nang makitang may dot sa message icon ay binuksan niya ang messaging app para matingnan ito. Carey replied saying she's on her way. Napailing na lamang si Aya at napangiti. According to Carey, she's in love with his guy and it's really obvious. Pangalawang kasintahan na ito ng kanyang matalik na kaibigan. Carey told her that her first boyfriend is nothing serious. Well, Aya is aware of playful relationships kaya hindi na ito bago sa kanya at hindi na siya nagtataka pa. Kaya nakakatakot pasukin ang mga ganoong bagay dahil baka masaktan lamang siya at maloko. Sa tingin niya kasi kapag pumasok siya sa pakikipagrelasyon ay talagang magseseryoso siya. Kung laru-laro lamang ito ay mas mabuti pang tumahimik siya sa isang tabi at manatiling single. 

Nagsidatingan na ang mga kaklase at mga seat-in ng klase pero si Carey ay wala parin. She texted her again for update of her whereabouts and just few seconds after she sent her message, Carey arrived with that bright smile on her face. 

"Sa'n ka ba galing? Hinahanap ka ni Hammer kanina." Imbes na matakot ay ngumisi lang si Carey at umupo sa armchair katabi niya.  Magsasalita pa sana ito pero sumabad ang grupo ni Kourtney.

"Totoo ba?" Malamig na tanong nito sa kanya. Her eyes were filled with danger but Aya ain't afraid of it. 

"What do you mean?" Aya gets what Kourtney really meant but she don't wanna assume. Baka naman kasi iba ang ibig nitong sabihin, mapahiya pa siya. Nakatayo ito sa harapan nila yayamang nasa unang row sila nakaupo. Nasa likuran naman ang dalawang alipores nito at nakakatawa lang para kay Aya dahil parang senaryo lamang ang lahat sa isang teleserye. Aya hates drama, it's ridiculous!

"You are flirting Hammer..." it's a firm statement. "Kalat na kalat na sa University, like what the heck? You look so innocent and all but...." pabiting nitong sabi sabay pasada ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa habang maarteng nakahalukipkip. Aya's jaw dropped with her statement. Siya? Lalandiin si Hammer? Si Hammer nga ang lumalandi sa kanya dahil ito lang naman ang lapit ng lapit sa kanya. 

"Sa'n mo narinig yang balitang 'yan?" Medyo nagtataray na rin siya kasi nanggagalaiti siya sa tinuran ni Kourtney. Nanatiling nakaupo si Aya samantalang si Carey sa tabi niya ay tahimik lang at mukhang dina-digest pa sa sistema nito ang pinagsasabi ni Kourtney. Napaka-sweet ni Carey para patulan ang mga ito, Aya thinks she can handle them. Wala sa sistema niya ang nagpapaapi lalo't kapag alam niyang wala siyang ginagawang masama. 

"Everywhere, like duh?!" Kourtney said and rolls her eyes. Maarte namang tumawa ang mga alipores nito. Nakatingala ng kaunti si Aya, hindi naman matangkad si Kourtney kaya hindi nakakangawit ng leeg. Umayos siya ng upo at bumuntong-hininga. Aya looked so relax and she don't have plans to stress herself out over those nonsense things.

The Aloof Hyacinth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon