Author's note:
Hello everyone! Thank you so much for those who've been reading this story all throughout. I really appreciate it. BTW, I am currently starting to write the book 2. I'll be posting the cover. "His Beautiful Hyacinth". It will be a very daring part. The aloof gone wild. 😘 Again, thank you so much. All love.💗-LuckyRocky
Epilogue
HYACINTH is hurting. She's bleeding in pain. Since she didn't have any answers to all those why's in her mind, she thinks she'd been fooled. Pinaniwala siya. Agatha Ferrer's words made sense now. Again, shame on her. Innocence got her doomed. Being naive got her heart broken in pieces.
Hinabol-habol siya pero iiwan lang din naman pala sa huli. She trusted him not to break her heart but he failed her.
Nag-apply siya bilang waitress sa isang restaurant sa isang Hotel. Pain changed her. Hindi niya alam pero natuto siyang makipagkaibigan at nakikisalamuha na rin. Isang buwan na ang nakalilipas. Ipinagpatuloy niya na lang ang pag-aaral sa isang Community College— sa Agapito Community College of Science and Technology. Nag-aaral sa araw at nagtatrabaho sa gabi. Nahihirapan siya pero wala naman siyang magagawa. Ayaw niyang umasa sa kanyang mga magulang. Libre ang tuition fee kaya maliit na lang ang kanyang babayaran sa pag-aaral niya. Dalawa sila sa isang boarding house at kasama niya si Renz—isang baklang kaibigan niya. Harsh ito kung magsalita pero mabait naman at lagi siyang pinapatawa dahil sa kakenkoyan nito.
Pero kapag naiisip niya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Carey ay natatakot siyang magtiwala dahil masyado siyang nababaon kapag nakakapalagayan niya ng loob ang isang tao. Renz seems to be a good friend but they just knew each other for a month. Magkatrabaho sila, kapwa nag-aaral at classmates pa. Irregular si Aya dahil nag shift siya sa Education course. She decided to just take a bachelor's degree in Secondary Education major in English. Wala kasing Business Management Course sa eskwelahan kung saan siya nag-aaral. Criminology, Education at I.C.T lang ang nga kursong ino-offer ng eskwelahan. Kahit naman papaano ay maganda ang reputasyon at kredebilidad ng ACCST.
"Hayy, inaantok ako Aya." Si Renz. Inaantok din naman siya pero kelangan niyang mag-aral ng mabuti. Doon lang siya nakakatulog kapag vacant hours sa school.
"Mag-kape ka." Aniya.
Umismid naman ito. "Hayy, nako nakailang lagok na ako ng kape, Inday wala parin." Illonggo si Renz pero maayos naman ang pananagalog nito. Paano ba naman ay Tagalog sina Aya dahil 'yon naman ang nakagisnan nilang lenguwahe sa kanilang mga magulang na lahing Tagalog.
Natawa na lang si Aya sa kaartehan ng pananalita ni Renz. Ang dami niyang natutunan sa maikling panahon. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya at sa sakit na nadarama, sa tingin niya ay hindi na niya maibabalik ang dating pagkatao. Maraming nang nawala sa kanya. Unti-unti siyang umaahon sa lahat ng mga sakit na tinatamasa. Nahihiya siya sa kaniyang mga magulang at nangako siyang hindi babalik sa Isla hangga't hindi siya nakapagtapos.
Her parents have had enough of failures and she don't wanna add up to that. She promised to herself that no matter what, she will never give up and will do anything to succeed.
She's no longer an aloof Hyacinth she used to be. She may be still young but she's not innocent no more. She still believe in love but she also believe that love isn't for everyone. She's not Juliet. Sa palagay niya kaya niya namang mabuhay ng walang Romeo sa buhay niya. Hindi naman kasi lahat ng lalake ay katulad ni Romeo na si Juliet lang ang mahal at handang magpakamatay para rito.
Vacant hour nila kaya napagpasyahan nilang umidlip muna sa bakanteng room.
You promised the world and I fell for it.
Nagpapatugtog si Renz habang nakasubsob silang pareho sa kani-kanilang armchair at ipinahinga ang mga mukha sa kanilang mga brasong nagsisilbing unan.
Tinatamaan siya sa kantang 'yan ni Selena Gomez sa tuwing naririnig niya. Kahit hindi naman siya pinagpalit kagaya ng sinasabi sa kanta pero tumatatak sa kanya ang unang linya ng kanta. Yet she don't believe that Hammer have to lose her to love her. She believes he might just attracted to her innocence. She's a challenge he needs to accomplish and just leave when he's satisfied and done.
Hindi parin nabubura sa kaniyang isipan at puso ang panunuyo ni Hammer sa kanya noon. Para itong asong ulol kung makasunod sa kanya tapos iiwan lang din naman pala siya sa ere. Said he would do anything for her. He left her and he left for himself. Natatawa siya sa tuwing naaalala ang katangahan niya para magtiwala at maniwala. He took away her innocent and made her believe. Maiintindihan niya naman siguro kung sinabihan lang siya nito kung ano ba ang rason kung bakit umalis at baka maghihintay pa siyang bumalik ito kahit walang katiyakan.
Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at taon na mas lalong nagpabago kay Hyacinth. She can never go back to her old life that's full of innocence. Nasasanay na rin siya sa kanyang buhay at magiging buhay.
Pagkatapos niyang mag-aral ay bumalik siya ng Maynila para mag-apply ng trabaho habang naghihintay na makakuha ng item sa pagtuturo. She ended up being a call center agent. Malaki ang sahod kaya pinagtitiisan niya ang toxicity ng trabaho niya. Sanay siyang magtrabaho sa gabi. Ang kaibahan nalang sa kasalukuyan ay wala na siyang gagawin pagsapit ng araw. Kahit papaano ay nakakapadala siya sa kanyang mga magulang na nasa probinsya. Hindi man lubos pero malapit niya nang makalimutan ang mapait na nakaraan.
Nakikisabay na lang siya sa agos ng panahon. She can always look back to her past but can never and will never ever go back. She's still going to bloom beautifully in the spring. A winter had just swirled her life round and round yet she made it. No worst season could ever take her down.
Gone the naive and aloof Hyacinth. She have grown up, no more reckless. She have beautifully sprouted and just be wild.
![](https://img.wattpad.com/cover/206815346-288-k992187.jpg)
BINABASA MO ANG
The Aloof Hyacinth [COMPLETED]
Novela JuvenilIsang bagay lang ang importante para kay Aya: ang makatulog sa pamilya. Kaya niyang ilibing ng buhay ang anumang emosyong pwedeng makakasira ng mga ambisyon niya. Pero nakilala niya si Hammer Pzymer Ferrer na isang masigasig sa pagsunod-sunod sa ka...