Chapter 12

280 11 0
                                    

Chapter 12

TIME moves so quickly, parang finast-forward ang mga araw. True to his words, sinusundo siya papunta sa eskwela at pauwi ni Hammer yayamang sumang-ayon na siya sa gusto nito. Hindi na rin naman nito iniuungkat ang tungkol sa sinasabi nitong nararamdaman para sa kanya. It seems like he's taking everything so easy like they were casually friends. Lagi itong naroroon at nag-aabang sa gymnasium tuwing may dance practice sila. Pero hindi pagkatapos ng practice ay hindi siya sumasabay dito at hinahayaan na lang din naman siya ni Hammer. Pero kahit naman hindi siya sumasabay ay palagi parin naman siyang nakikita na hinahatid-sundo ng binata.

Ramdam niya kung gaano kainit ang dugo ni Kourtney sa kanya dahil naririnig niyang pinapatamaan siya nito sa class recitation. May hugot ang mga sagot nito pero hinahayaan niya na lamang ang dalaga sa anumang nais nitong gawin. Basta ba'y huwag lang siyang pagbuhatan ng kamay nito o kung anuman. Carey knew about them, Aya had no choice but to spill the beans. They're bestfriends after all. Hindi niya inaasahang kiligin ang matalik na kaibigan tungkol sa kanila g dalawa. Hindi naman kasi sila magkauri ng mga ito. Kahit naman matalik silang magkaibigan ay pinsna naman ni Carey si Hammer. Most cousins or family members do care about  that matter.

It's their Intramural day. Kasalukuyan silang nasa loob ng gymnasium at hinihintay na magsimula ang kumpetisyon. Nanalo sina Hammer sa larangan basketball kaya kelangan din nilang manalo sa modern hip-hop competition para panalo ulit ang department nila. Simple lamang ang kanilang dance custome. Isang black and white combination na kulay.

Aya wore a swagger black pants and white crop top na sinadya ang mga punit-punit bilang arte kaya naman kitang-kita ang black bralette na panloob. Hindi naman niya ikinakahiya kung nakikita man ang kanyang tiyan dahil may abs naman siya kahit papano dahil sa work-outs at pagsasayaw niya.

Nakikita niyang papalapit si Hammer sa gawi niya. Naririnig niyang pigil na hiyaw ni Karen sa gilid niya. Naka-drifit attire parin ang binata at nakadepina ang mga muscles nito. Hindi niya maiwasang dumako sa abdomen ng binata ang mga mata. Pero agad ding binawi ang kanyang mga mata mula roon at itinataboy ang makamundong nasa na nasa isipan niya.

"I don't care if they see us together anymore." His words from last night replayed and Aya thinks him approaching her now is the proof of what he said that night. He didn't seem to care indeed. Siguro napagod na rin siya sa kaiisip ng kung anuman ang ang iisipin ng ibang mag-aaral sa XU kaya hinahayaan niya na lamang itong mangyari. Carey is sitting beside her boyfriend on the left bleachers where majority of BSBA students were at.

"Are you okay?" He asked with all due concern. Hindi niya alam kung may depekto ang tenga niya. Ayon kasi sa pagkakarinig niya, tila malambing ang tono ng boses ng binata. Hindi niya tuloy mapigilang palihim na kiligin. Konting bagay lang sana ito pero tila kay saya ng kanyang puso at buo na nga yata ang araw niya.

Medyo late na siyang tumango dahil dinigest niya pa maigi ang lahat. Kinilig man siya't lahat, mabuti nalang at napigilan niya ang sariling ngumisi na parang timang sa harapan ng binata. Pinanatili niyang kalmado ang aura. Nakatayo sila sa gilid nga court dahil ethnic dance pa naman ang kasalukuyang competition. May upuan naman sa gilid niya na sinadya para sa kanila pero feel niya lang talagang tumayo at ang nakapwesto sa upuan ay ang kanyang packbag na hindi naman kalakihan.

Hammer grab one monoblock chair but didn't sit onto it. Tila ginagaya siya nito. Tumabi siya sa gilid niya at napapitlag siya ng hinila nito pababa ang crop top na suot. Medyo maluwag ito kaya natakpan man halos ang tiyan niya pero nakikita naman ang cleavage niya dahil nakalaylay ang kaliwang sleeve ng damit niya dulot ng ginagawa ni Hammer. Hammer's eyes darted unto it and he immediately let go of dragging her shirt down.

The Aloof Hyacinth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon