Chapter 16
NAGLUTO ng iilang putahe si Aya para kay Tristan. Mrs. Carlos doesn't know how to cook and her who knew how to cook is a good thing. Walang ibang katulong sa mansyon kundi siya lang at ang hardinero at personal driver ni Mrs. Carlos. Pero may hina-hire na cleaner si Mrs. Carlos na dalawang beses tuwing weekdays at kapag weekend naman ay si Aya ang naglilinis ng buong mansyon. Nagsisilbi itong work-out para sa kanya. Hindi naman ganoon karami ang lilinisan dahil alikabok at mga tuyong dahon lang ang kadalasan niyang nililinis sa ilang buwan niyang pamamalagi sa puder ng ginang.
Lolita Carlos is one of the most sought lawyer in the country and was known for promoting feminism ang protecting the rights of underprivileged and abused women. Nakakabilib para kay Aya dahil sa kabila ng lahat ng achievements nito ay nanatiling humble ang ginang. The middle-aged woman was wearing a white empire dress that prefectly fits her fair skin. At 50, she still looks good and Aya won't believe that no men, just close to her age wouldn't admire her beauty. Baka nga may nanliligaw na sa ginang pero halata naman yatang hindi na interesado ang huli.
"Are you okay, hija?" Untag nito mula sa kanyang likuran. Abala si Aya sa pagluluto ng menudo. Paborito daw ito ni Tristan at maya-maya lang ang darating na ang binata. Nilingon ni Aya ang ginang at ngumiti rito bilang pahiwatig na ayos lamang siya.
"Ok lang 'ho." Tipid niyang tugon habang patuloy sa ginagawa. It's already the last recipe that she's cooking. Kadalasan kasi sa pinapahanda sa kanya ni Mrs. Carlos ay halos dessert. Kakatapos niya lang din mag-shower at magbihis ng maayos na damit bago niya ipinagpatuloy ang pagluluto sa natitirang recipe na nasa listahan.
"Is Hammy coming over?" Aya stilled, hearing the name she don't wanna hear at the very moment.
Kahit papaano ay naabala ni Aya ang sarili at panandaliang nakalimutan ang nangyari kagabi. Naisip niyang hindi ito isang magandang alalahanin dahil sa kahihiyang nadarama sa sariling kagagawan.
Napalunok siya. "Ahhmm...hindi ko po alam. W-Wala po siyang sinabi kagabi eh." Syempre, umalis na lang ito bigla pagkatapos siyang halikan.
Nakatalikod siya sa ginang kaya hindi niya kita ang ekspresyon nito.
"Oh, okay. Baka pupunta siya. The two used to be playmates when they were just kids." Humarap rito si Aya, nakita niyang nakaupo na sa lamesa ang ginang at nakapalumbaba. She looks fresh and happy. Maybe because her dearest and only son is coming home. "I'm sure they'd still get along so well. 2 years pa lang naman silang hindi nagkikita." Mukhang nasa mood para magkwento si Mrs. Carlos kaya yayamang katatapos lang ni Aya sa huling putaheng niluluto ay inabala niya ang sarili para makinig sa ginang.
"Anong year na po ba si Tristan sa college, Ate?" Mrs. Carlos preffered to be called that way rather than 'Madam' or any superior acknowledgement or something.
"He's in his sophomore years in Harvard. I'm proud that he's doing great at school." Kitang-kita naman talaga sa mukha ng ginang ang sinasabi nitong pagkabilib sa anak.
'Harvard? Hmm...' Mapapa-sana all na lamang siya sa kanyang sub-conscious.
Naisip niyang talagang hindi kelanman magiging equal sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. Sa mga opportunities palang, deprived na kapag mahirap lang. Gayunpaman, nagpapasalamat siya dahil kahit hindi siya nakapag-aral sa isang sikat na eskwelahan sa buong mundo ay nakapag-aral naman siya sa isang sikat na paaralan sa Pilipinas.
May tumawag sa telepono ni Mrs. Carlos at sinagot naman ito agad ng ginang. Si Tristan na malamang ito at hindi nga siya nagkamali sa kanyang hinala ng makita ang bakas ng kagalakan sa mukha ni Mrs. Carlos.
BINABASA MO ANG
The Aloof Hyacinth [COMPLETED]
Teen FictionIsang bagay lang ang importante para kay Aya: ang makatulog sa pamilya. Kaya niyang ilibing ng buhay ang anumang emosyong pwedeng makakasira ng mga ambisyon niya. Pero nakilala niya si Hammer Pzymer Ferrer na isang masigasig sa pagsunod-sunod sa ka...