Chapter 8
Avoidance
CAREY didn't come with her and she was thankful. Wala na siyang magiging problema pa sa pagtanggi kung saka-sakali man. Hammer was talking with his friends at the bleachers while Aya waits for their dance practice to start. Naka-white shirt ulit ito at jersey shorts. May itsura lahat ng mga kaibigan nito. Nahagip ng mga mata niya si Lyndon at nagkatinginan pa sila. Lyndon smiled at her from where he sits and waved. His act seems to caught Hammer's attention because when her eyes darted unto Hammer, he was glaring at her. Napakatiim ng titig nito at madilim ang ekspresyon. There goes his jaw clenching. Their distance is just enough for her to see that, but she refrain herself from thinking any form of assumptions.
Binawi na lamang ni Aya ang tingin sa gawi ng mga ito bago pa magsimulang mag-isip ng kung ano ang utak niya. Araw ng martes at apad lang ang subject nila. Excempted siya sa P.E nila dahil mas priority ang dance contest para sa darating na intramurals.
"Uy," Puna ni Karen sa kanya. Gusto niyang lumipat sila ng upuan kasi nakaharap sila sa gawi nila Hammer. Naiilang siya kasi pakiramdam niya ay nakamasid ito sa kanya. Pansamantala lamang siyang nalingat ang atensyon niya kay Hammer ng may dumaang mga kalalakihang estudyante. Hindi niya kilala ang pagmumukha ng mga ito kaya naisip niyang malamang mula sa ibang department ito.
Tila nagtutuksuhan ang mga ito. They're like group of friends and the rest of them were teasing the one who's wearing an ocean blue jersey with a number 28 at the back of his shirt. Hindi pang varsity ang jersey nito so, malamang P.E uniform lang ito. And seems like they were like teasing the guy to her? Hindi sa nag-aasume pero, sa kaniya kasi nakatingin ang mga ito. Her assumptions were then, confirmed when they halt right in front of her. Not that close though.
"Ms. Andres, cute mo raw sabi ng kaibigan namin." Says the only guy wearing a school uniform and pointing his finger cooly into the jersey guy. Well, the rest except the guy who just talked to her are wearing a jersey and they obviously just finished with their P.E class. Pagkatapos ay nagsitawanan ang mga kaibigan nito samantalang pinamulahan naman ng pisngi ang lalakeng tinutukso nila.
"Lakas maka-high school ng mga 'to." Bulong naman ni Karen sa kanya na siyang ikinatawa niya ng bahagya. Binalingan niya ang magkakaibigan at magalang na tumugon.
"Salamat." Nagpakawala siya ng tipid ngunit mainit na ngiti. Mas lalong inabot ng panunukso si 'jersey number 28 guy' dahil sa pagtugon niya. Ang lakas ng maka high-school ng mga ito sa isip-isip niya. Halata kasing torpe ang lalakeng tinutukso ng mga ito. 'Not to judge but he look like one.' Anang isip niya. He has that look pero mukhang totoy pa kasi at siguro freshmen din ito. Not to mention... his braces. He looks like a mama's boy type. Iyong tipong good boy lang.
"Tara na nga!" Maktol nito. Nagsitawanan naman ang mga kasama nito. Nahihiya pa itong tumingin sa kanya. "Sige, Miss, sorry sa abala." He said nicely then punch the nerdy guy with mockingly in his shoulder. "Kayo kasi. Nandidistorbo pa kayo." Narinig niyang turan nito habang papalayo na.
"Anong ako?" Angal naman ng kaibigan no'ng nerdy guy. "Si Jester kaya kumausap do'n sa chick!" His voice is filled with naughtiness though.
"Kakaibabe talaga 'yang beauty mo, girl!" Tuya ni Karen sa kanya ng mawala sa paningin nila ang mga ito. "Head-turner ka talaga eh!" She added. Aya just made a face and smiled mockingly. Ayaw niyang maging kampante dahil lang may nagpapahayag ng simpleng atraksyon sa kanya. Iniisip niyang mas marami paring mas maganda sa kanya sa XU. "Pa-humble ka pa. Oh, ayun...selos si bebe Harry Pzymer Ferrer. Tingnan mo ineng." Aniya at ngumuso pa talaga ito sa gawi ni Hammer. She throw a look only to see how dark his expression was. His eyes are like knives, piercing hers. Hindi niya natagalan ang pagtingin dito.
BINABASA MO ANG
The Aloof Hyacinth [COMPLETED]
أدب المراهقينIsang bagay lang ang importante para kay Aya: ang makatulog sa pamilya. Kaya niyang ilibing ng buhay ang anumang emosyong pwedeng makakasira ng mga ambisyon niya. Pero nakilala niya si Hammer Pzymer Ferrer na isang masigasig sa pagsunod-sunod sa ka...