Chapter 18
CHESTINE was her name. Hindi siya nagtanong ukol rito, narinig niya lang sa mga kaklase niya ang tungkol doon. Aya can't help but assume that Hammer have found someone new or she must say...new flavor of the month or whatsoever.
Nasaktan siya? Oo. Pero may magagawa ba siya? Wala. Kahit meron, pipiliin niyang huwag gumawa ng anumang hakbang. Hahayaan niya munag magluksa ang kanyang puso hangga't sa makakalimutan niya na lamang ang lahat-lahat.
Sa tuwing may practice sila ay nakikita niya madalas ang dalawa. Nong sumapit ang Foundation Anniversary ng XU, naispatan niya rin ang mga ito. Pilit niya mang dedmahin ang nararamdamang kirot ay mas lalong nananaig sa tuwing naiisip niya ang dating pangungulit ni Hammer sa kanya at nadadagdagan pa sa tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa.
"Uy, may crush daw sa'yo 'yong Lyndon." Si Carey. Kasalukuyan silang nasa library. "Narinig ko lang naman kahapon kasi hinatid ako ni kuya pauwi tapos sumabay na rin' yong dalawa niyang tropa." Pabulong na kwento ng kanyang kaibigan.
Nagkunwari siyang walang pakialam sa sinasabi ni Carey kahit tila kinakabahan siya bigla nang marinig niya ang salitang "kuya" na si Hammer lang naman ang tinutukoy. Malapit nang matapos ang 2nd semester at makakapagbakasyon na rin siya sa probinsya nila. Nami-miss niya na ang kanyang pamangkin na di Dahlia. Ang cute pa naman nito dahil napakalusog ng pisngi.
"Hey!" Maarteng untag ni Carey ng mapansing hindi siya nakikinig. Napaangat ng tingin si Aya rito at tiniklop ang POP magazine na binabasa.
"Oh?" Naglakwatsa kasi saglit ang kanyang isipan ng hindi namamalayan.
Ngumiti ng matamis si Carey sa kanya. "Cute si Lyndon ah, hmm..." May bakas ng kapilyahan na nakaguhit sa mga mata at labi ng kanyang kaibigan.
"Alam mong hindi ako interesado sa ganyan." She said with finality. It's true, she don't want it just yet. Napasimangot naman si Carey sa tinuran niya.
Ayaw niya na rin munang makipagkaibigan sa kahit sinumang lalake. Kung sakali man talagang makalimutan niya ang nararamdaman kay Hammer ay ayaw niya nang magkagusto pa ulit sa ibang lalake. Kontento na siya sa pagkakaibigan nila ni Carey.
"It's up to you. Isn't it too boring to be single for so long? Like since birth?" Nakapalumbaba na ito. Hindi niya maiwasang purihin ang taglay na ganda ng kanyang matalik na kaibigan. Kaya maraming naakit dito ay dahil kaakit-akit naman talaga ito. Meanwhile, her face remain stoic with Carey's curiosity.
"I'm good. Saka na muna 'yang mga boyfriend-boyfriend na yan, Ri." That's what she unconsciously called her bestfriend one time. Riri. Kasintunog lamang ng pangalan nito.
"Okay, you say so..." Pagsuko nito.
Habang papunta sila sa laboratory room ay nadaanan nila si Chestine. Kasama nito ang dalawang kaibigan. She's beautiful yet petite. Tourism ang department nito at alam na alam ni Aya ang dahilan kung bakit nagawi ito sa Business Department. Sigurado siyang si Hammer. Gusto niyang mawalan ng pake pero nagre-react talaga ang puso niya. Maraming mga estudyante ang nasa 4rth Floor ng building ng kanilang department. Malamang may class schedule ang mga ito sa palapag na kinaroroonan nila.
"Chestine is here. So malamang...." Carey murmurs and her friend definitely speaks the thoughts in her mind. Aya swallowed hard because she was thinking of the same posibility. So kada oras na nakikita niya si Hammer ay naroon talaga sa eksena si Chestine? Kunsabagay, mas napapatunayan niyang huwad lamang ang mga efforts na ipinapakita ni Hammer sa kanya noon. Pero alam niya sa sariling may kagagawan din siya...dahil nga tinulak niya ito palayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/206815346-288-k992187.jpg)
BINABASA MO ANG
The Aloof Hyacinth [COMPLETED]
Teen FictionIsang bagay lang ang importante para kay Aya: ang makatulog sa pamilya. Kaya niyang ilibing ng buhay ang anumang emosyong pwedeng makakasira ng mga ambisyon niya. Pero nakilala niya si Hammer Pzymer Ferrer na isang masigasig sa pagsunod-sunod sa ka...