Chapter 9
AYA was speechless, maging siya ay natigalgal sa binitawang salita.
"Why?" Tila puno ng hinanakit ang mata ni Hammer. Medyo madilim sa parting kinaroroonan nila. He let loose of her wrist but steps closer that made her step back. Madilim parin ang ekspresyon ni Hammer at mataman siyang tinitingnan. Na para bagang wala itong pakialam sa paligid kung sakaling may makakakita man sa kanila. He continued, he does one more steps until he took another step while Aya does the opposite. "Tell me why? Have I done something wrong?" Tumigil ito sa paghakbang. 'Mabuti naman.' She sighed in relief.
Nakaawang ang bibig ni Aya. Umaatras parin siya dahil umaabante si Hammer. Pakiramdam niya kasi ay mapapaso siya kapag sakaling didikit ang katawan nito sa kanya. Pilit siyang humahagilap ng mga salitang isasagot sa tanong nito. Hindi naman pupwedeng sabihin niya rito ang totoo. 'Hell no!' Baka lumaki pa ang ulo ng binata.
Napalunok siya bago sumagot. "B-Basta lang." Aya knew she's not making sense. Pagak namang tumawa si Hammer sa sinabi niya. "B-Bakit ka pa ba kasi lumalapit?" Ang noo'y madilim na ekspresyon ay naging blangko. Ngunit sa mga mata ng binata ay para bang may sinusupil na kapilyuhan na siyang nagpapakaba sa kanya.
Does she sounded funny?
"Lumalapit?" He take one step closer and they're back with what they've been doing earlier. "Like this?" Humakbang ulit ito at pilyong ngumiti sa kanya. Nakakapigil hininga ang ginagawa nito para kay Aya. "Why are you so afraid, Hyacinth?" Tuluyan na itong nakalapit sa kanya dahil wala na siyang maaatrasan pa. Their situation looks so cliche. Pinakiramdaman niya kung ano ang bagay na nasandalan niya. It's a car. Nataranta lahat ng sistema niya dahil sa ayos nilang dalawa. Hammer isn't touching her though, they're half an inch close to each other. Nakapamulsa ang binata at nakatitig lang sa kanya nang hindi tinatanggal ang pilyong ngiti sa labi at mga mata.
"Pu-pwede bang d-dumistansya ka?" Pigil hininga niyang pakiusap.
"Uhmm?" Mas lalo pa itong lumapit sa kanya at halatang tinutukso siya. Imbes na itulak ito ay may gana pa talagang namnamin ni Aya ang pakiramdam na malapit ang binata sa kanya. 'Baliw!' Hindi nito alintana ang pakiusap niya. "I will keep my distance if....." inilapit nito ang mukha sa kanya at halos maduling si Aya sa sobrang lapit ng gwapong mukha ni Hammer. Binibitin pa talaga siya nito. He smiled teasingly and his dimples are showing. Imbes na magalit ay tila kinikilig pa si Aya. It is so not her! "....if you will tell me why the fuck are you avoiding me." Hammer was emphasizing every words he says. Pabulong pero rinig na rinig niya. His words sent shivers down her spine.
"Lumayo ka muna." She was hoping he'll buy that but he didn't.
"Mas maganda ka pala pag ganito kalapit." He murmured instead and it's just enough for her to hear it. Bigla naman sumikido ang puso ni Aya sa sinabi nito. He's not the first person who told her she's pretty but...that adjective coming from his mouth is so flattering. "So, why are you avoiding me? Do you know that I am not gonna let you go tonight without telling me the real reason? I.....thought we're already in good terms.". Biglang sumeryoso si Hammer samantalang si Aya, nag-iisip ng paraan para makatakas sa sitwasyon nilang dalawa. Sinabi na rin mismo ng binata na hindi siya nito pakakawalan hangga't hindi niya sinasabi ang dahilan sa pag-iwas niya.
Itinukod ni Hammer ang magkabilang kamay sa sasakyan, ikinukulong siya sa mga bisig nito. Aya was mesmerized with his beautiful eyes...as always. But she's still mindful about what he want her to do at the moment. Magsasalita na sana si Aya pero bigla ring nagsalita si Hammer.
"I'm just kidding." Nakahinga naman ng maluwang si Aya dahil do'n. Mababaliw na yata siya sa pag-iisip ng irarason dito kung saka-sakali. "Let me drive you home...." dumistansya na rin ito sa wakas pero hindi pa ito tapos sa pagsasalita. "I can see that you're not ready to say it...whatever it is. I would still come closer no matter how hard you'd push me not to, anyway." Lumunok ang binata saka hinawakan siya ulit sa palapulsuhan at iginiya papunta sa sasakyan nito. Isinisiksik parin ni Aya sa isipan nito ang mga katagang binitawan ni Hammer.
BINABASA MO ANG
The Aloof Hyacinth [COMPLETED]
Genç KurguIsang bagay lang ang importante para kay Aya: ang makatulog sa pamilya. Kaya niyang ilibing ng buhay ang anumang emosyong pwedeng makakasira ng mga ambisyon niya. Pero nakilala niya si Hammer Pzymer Ferrer na isang masigasig sa pagsunod-sunod sa ka...