Chapter 17

256 11 0
                                    

Chapter 17

LUTANG na lutang siya sa buong dinner. Hindi niya nanamnam ang mga niluto niyang pagkain dahil sa pagkakailang na nararamdaman. She felt being an outcast too because they were talking about their rich life and all she can do is to listen.

Nahuhuli niya ang matiim na titig ni Hammer sa kanya. Nahihirapan tuloy siyang sumubo at lunukin ang kinakain. Pakiramdam niya hindi yata siya matutunawan. Pagkatapos ng salo-salo ay naiwan siya sa kusina para magligpit ng pinagkainan at huhugasan na rin ang mga ito. Akmang lalapitan siya ni Hammer pero narinig niyang niyaya ang binata ng kanyang ina papunta sa sala para sumunod kina Tristan at Mrs. Carlos.


Walang nagawa si Hammer kundi ang sumunod sa nais ni Mrs. Ferrer na siya namang ikinapahinga ng maluwag ni Aya. She don't wanna deal with him anymore. It's hard but she have to do it. Maingat siyang nagligpit ng mga pinagkainan at kapagkuwan ay inumpisahan nang hugasan ang mga ito.


Habang nasa kalagitnaan siya ng paghuhugas ng mga pinggan ay napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hammer mula sa kanyang likuran.


"The way you act is hurting me." He coldly stated. Napatigil si Aya sa ginagawa saglit pero nakabawi rin sa pagkapitlag at ipinagpatuloy ulit ang ginagawa. She needs to act normal and take it all easy. Dapat hindi siya magpapatalo, kelangan niyang tatagan ang kanyang loob para mapanindigan ang hinahangad ng kanyang isipan.


"Anong ginagawa mo rito?" Malamig na tanong niya sa binata nang hindi ito hinaharap. Nararamdaman niyang tila papalapit sa gawi niya ang binata kaya pigil niya ang kanyang hininga at napahigpit ang pagkakahawak niya sa sponge.


"I already told you earlier that I'mma deal with you." Aya can imagine his stoic face the way he utter those words as well as his clenched jaw. Pinilit niyang magpatuloy sa ginagawa kahit nahihirapan siya sa paghinga. As usual, whenever he's around she always felt that way.


Gayunpaman, napilitan siyang harapin ito at sa lahat ng makakaya niya ay ginaya niya ang malamig na ekspresyon ni Hammer.

"Look," mariin siyang pumikit at humugot ng malalim na hininga. "...tigilan na natin lahat-lahat. A-ayoko ng makipagkaibigan sa'yo. Please lang, nagmamakaawa ako sa'yo...lubayan mo na ako. Wala kang maasahan sa'kin." Though hindi naman talaga nanliligaw si Hammer sa kanya pero hindi naman siya ganoon ka-naive para hindi malaman ang ibig sabihin ng lahat ng ginagawa nito sa loob ng halos tatlong buwan na nakilala at nakasama niya ito.

Meanwhile, confusion and some unknown expression is evident in his eyes.


"Is it about the kiss?" Kung hindi siya nagkakamali, may bakas ng hinanakit sa mga mata nito at pagsisisi. "That thing we did last night?" He smiled bitterly and apologetically at the same time. "Look, I'm so sorry. Hindi ko napigilan ang sarili ko. But...but y-you said yes right?"


Mariing napapikit si Aya sa tinuran nito. Oo, ginusto niya naman talaga. The point is, she don't want it to happen again.


"'Yon na nga eh...dapat hindi na maulit pa 'yon. Ibaling mo na lang sa iba 'yong atensyon mo. Ayoko nang umaaligid-aligid ka pa sa'kin. Sana maintindihan mo..." she swallowed hard.... "s-sana...sana respetohin mo 'yong gusto kong mangyari." Humugot siya ng malalim na hininga. Maging siya man ay nasasaktan sa mga binibitawang salita. "Please...just stay away from me. The truth is...I'm not really interested about you." Sinalubong niya ang mga mata ng binata kahit nahihirapan.


It may be the last moment that she'll ever look into those deep brown eyes. She'll also surely miss those dimples that's showing on his cheeks whenever he smiles. Well then, it must be a farewell.


The Aloof Hyacinth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon