Chapter 13

335 13 0
                                    

Chapter 13


PANALO sina Aya sa hip-hop competition. Mabuti na lamang at nagampanan niya rin ng maayos ang pagsasayaw niya lalo na't siya ang nasa center. Pero hindi niya maiiwasang mapasulyap sa gawi ni Hammer habang sumasayaw. He was keenly staring at her dancing. Hindi niya mabasa ang mukha nitong nakatuon sa kanya. All she can see is that he's staring at her every move like he's not even blinking. Sa tingin palang nito, parang nangangahulugang hindi siya dapat magkamali. 


"Congrats, guys!" Si Carl. "Naakit yata ng kamandag ni Aya 'yong isa sa mga judges natin." Pabiro nitong sabi na ang tinutukoy ay isa sa mga judge nila na celebrity. Natawa na lang din si Aya sa tinuran nito. "So sa'n tayo after this?"


"May alam ako." Si Troy, isa sa kasamahan nila. Hindi na pinakinggan pa ni Aya ang pinagsasabi ng mga kasama niya dahil hindi naman siya sasama. Gusto niya nang umuwi. It's Friday and she just wanna relax all day when tomorrow comes. Pinapalano niya kasing mag-gardening nalang at tutulong sa mga hardinero ni Mrs. Carlos kinabukasan. 


"Guys, mauuna na ako ah? May gagawin pa kasi ako eh." They already knew she's a working students kaya alam niyang maiintindihan siya ng mga kasama niya. 


"Sayang naman, girl." Si Karen.


"Oo nga." Sabad naman ni Troy. "Hindi kaba nainom, Aya?" 


Umiling si Aya. "Hindi eh." Ngumiti siya na may halong ngiwi. "Sige, uuwi na ako." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa sling ng packbag niya at ngumiti muna sa mga kasama bago tumalikod at tuluyang iwan ang mga ito. Ayaw niya rin naman 'yong napapaligiran nga siya ng maraming tao pero pakiramdam niya mag-isa parin siya. Mas pipiliin niya na lang talagang mapag-isa. 


She stopped walking just so she could text Carey that she'll be going home. Kakalabas niya lang din mula sa gymnasium Napagod yata siya sa hindi malamang kadahilanan. Gusto niya lang makawala sa maiingay na lugar at mapag-isa sa isang sulok. Nakapagbihis na rin siya ng pang-itaas. She's wearing a printed white shirt. Naalala niya tuloy si Hammer. Luminga-linga siya at hindi mapigilang hanapin ang binata. 


"Looking for me?" Napapitlag siya sa nang marinig ang boses ng taong hinahanap niya sa kanyang likuran. Humarap siya rito ng nakaawang ang bibig. "Congrats earlier! You danced so well." Naka-plain white V-neck shirt na ang binata at naka Khaki jeans. Hammer look so damn good in her eyes. Tila nag slow-motion ang lahat and it's absurd pero pinilit niyang magsalita.


She cleared her parched throat. "Thanks." Tipid niyang tugon. Mataman siyang tinitigan ni Hammer at walang katapusang pagkailang ang nararamdaman niya. Napakalamlam naman kasi ng pagkakatitig nito sa kanya.


"Going home now?" Tumango siya. "Let's go then." Tatanggi pa sana siya. "I won't take 'no' for an answer, angel." He butts in to her sub-conscious like he can read it. Nang hinawakan ni Hammer ang palapulsuhan niya ay nagpatianod na lamang siya sa binata. "Better hold you before you'll run away." Natawa naman si Aya sa tinuran ni Hammer.  He knew her too well. Sana hindi na nito uungkatin pa ang tagpo nila kanina sa gym. But knowing Hammer, he won't do such things that will cause her to distance herself from him. 


"I'm not going anywhere." 


Nilingon siya ng binata nang may sinusupil na ngiti sa labi pero magkasalubong naman ang mga makakapal nitong kilay. "Really huh?" Tumango si Aya. Kapag talaga magtama ang mga mata nilang dalawa ay tila nahi-hypnotize siya. Bumaba ang tingin ng binata sa katawan niya. "You look better wearing that shirt." Dagdag pa nito. Parang na-offend naman yata si Aya sa sinabi nito.

The Aloof Hyacinth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon