Prologue

3.1K 57 0
                                    

Skylar's POV

"I'm home!"

Nanigas ang buong katawan ko noong marinig ko ulit ang boses na 'yon. Halos limang taon siya walang paramdam sa akin at hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa loob ng limang taon. Ang akala ko nga magiging perfect na ang buhay ngayon pero nagkamali ako.

"No hugs and kisses, my wife?" Tanong niya sa akin.

Ano ang nakain nito at nagkakaganito ngayon? Mamatay na ba siya? Sana nga para hindi na maging impiryeno ang buhay ko. Ngayon pa'y tatlong taon na patay ang lola niya. Hinihintay ko na lamang pirmahan niya ang annulment paper para makaalis na ako sa puder niya.

Tinalikuran ko siya. Akala siguro niya na ganoon pa rin ako hanggang ngayon. Hindi niya ako alipin o kahit ano. "Hey! I'm still talking to you, Skylar."

Lumingon ako sa kanya pero tuloy pa rin ako sa papuntang maid's quarter. Siguro nga asawa niya ako sa papel pero katulong naman ang tingin niya sa akin.

Dito magsisimula ang mala impiryeno kong buhay.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon