Epilogue

1.5K 36 1
                                    

Nalulungkot ako na wala sa tabi ko si Kenma noong pinanganak at inalagaan ko si Elijah. Pero hindi ako nag-iisa dahil nandiyan sina Levi at Maya para tulungan ako. At hindi lang iyon umuwi na ng bansa si kuya Bobby.

Nang nalaman kong nandito na siya sa Pilipinas ay agad ko siyang pinuntahan at sinabi sa kanya ang mga nalalaman ko. Natuwa nga si kuya Bobby – naiyak sa tuwa nang sinabi kong ako ang kapatid niya na inakala niyang matagal ng patay. Sinabi niya rin sa akin na may pamangkin ako. Babae ang pamangkin ko at dalawang taon ang tanda niya kay Elijah.

Ang tungkol kay Kenma, ang huling balita ko ay sumabog ang pagawaan ng eroplano kung nasaan siya noong mga panahong iyon at hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang katawan niya. Tinigil na ng mga pulis ang paghahanap dahil ilang araw na at wala pa rin silang lead. Hindi ako naniniwalang patay na siya hangga't wala pa sila naipapakita sa aking katawang papatunay patay na siya.

"Ayos ka lang ba dito?" Muling bumisita si kuya Bobby dito sa bahay at sa tuwing bumibisita siya ay iyan lagi ang tinatanong sa akin.

"Kuya, wala ka na bang alam na i-tanong sa akin? Siyempre, ayos lang ako dito. Kasama ko naman si Elijah at may mga katulong rin. Minsan dumadalaw sina Levi at Maya rito kapag hindi sila busy."

Si Levi ay tapos na siya sa pag-aaral niya at si Maya naman ay isang tao na lang tapos na rin siya. Buti pa sila pero ako wala ng oras para bumalik pa sa pag-aaral. Laging ubos ang oras ko kay Elijah.

"Iyon lang ang pinunta ko rito. Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka." Tumango ako kay kuya Bobby. Tumingin siya sa likuran ko kung saan nakatayo si Elijah. "Elijah, alagaan mo ang mommy mo ah. Ikaw lang ang maasahan ko."

"Okay, uncle."

Napailing na lamang ako at napapaisip rin ako kung si kuya Bobby ba talaga ang kuya ko o ama ko.

"Ingat ka, kuya."

Sinara ko na yung gate pagkaalis ni kuya Bobby. Pumupunta pa siya dito sa bahay kung gusto niya kami kamustahin ni Elijah. Papasok na sana ako sa loob na may nag-doorbell kaya walang choice kaya binuksan ko ulit ang gate at may isang tao ang nakatayo sa harapan ko at nakasuot rin siya ng hoodie. Ang init ng panahon ngayon tapos iyan ang suot niya. Hindi ba siya naiinitan?

"Yes? May kailangan ho ba–" Nagulat ako nang makita ko ang mukha niya. Wala akong maalala na natulog ako kanina. "K-Ken? Ikaw na ba iyan?"

Nanginginig ang mga kamay ko ng hawakan ang mukha niya. "Yes, it's me."

Niyakap ko siya at doon na rin ako humagulgol ng iyak. "Salamat buhay ka!"

"Of course. I don't want to leave you." Pinunasan niya ang mga luha ko.

Dahil sabik akong mahalikan siyang muli ay hinalikan ko na nga siya. Bumalik ang mahal ko.

"Mommy?" Humiwalay na ako bago pa nilingon si Elijah. "I thought daddy was the only one you loved. Why did you kissed him?"

Lumuhod ako sa harapan ni Elijah para pantay kami ng anak ko. "Siya ang daddy mo, baby."

Umiling ito. "No! He's ugly to be my daddy."

"Elijah?!" Nilakihan ko siya ng mata. Inaamin kong nagkaroon ng burn mark sa nangyaring aksidente si Kenma.

"It's okay, Sky." Tumingin ako sa kanya. "He didn't even know me. He grew up that I was not beside him."

Tumayo na ako at lumapit ulit sa kanya. "Hindi ganyan ang kilala kong Kenma Gray."

"Hey. If you really my father then sing me a lullaby song. Mommy said before I was born my daddy used to sing a song for me but I have no idea what song is that."

Madalas nga kinakanta ni Kenma yung ginawa niyang kanta kay Elijah noong hindi pa siya pinapanganak. Ang sabi pa niya sa akin na kakantahan ang mga anak namin.

"A lullaby song? Alright, I will sing." Tumingin sa akin si Kenma. "Can I come in?"

"Oo naman. Bahay mo pa rin ito, Ken." Sabi ko. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa niyang mag-tanong sa akin kung ito ang bahay niya.

Pumunta na ang mag-ama ko sa sala at kinantahan na nga ni Kenma ang anak niya ng palagi niya kinakanta noon sa kanya.

"Ah! That's what my daddy often sings to me." Bago matulog si Elijah ay palagi niya sinasabi sa akin na kantahan ko siya ng palaging kinakantahan ni Kenma sa kanya. Kaso hindi ako marunong kumanta at hindi ko alam ang lyrics ng kantang iyan.

"How did you recognize that song? You are not born yet."

"I don't know." Nag-kibit balikat si Elijah. Medyo nakuha niya ang ugali ni Kenma pero may nakuha rin siya sa akin. "Maybe he was always sing that song to me and I was always looking for it."

"You know what, buddy. Your mommy doesn't know how to sing."

"I know..."

"Hoy! Narinig ko ang sinasabi mo, Ken."

Binaling niya ang tingin sa akin at ngumiti. Isang malawak na ngiti ang binigay sa akin ni Kenma. "I'm just joking." Tumayo na siya saka lumapit sa akin. "How are you?"

"Sobrang pangungulila ko sayo dahil ang akala ko wala ka na. Tumigil na ang mga pulis sa paghahanap sa katawan mo pero hindi ako naniniwala sa kanila na patay ka na."

"I'm sorry. When I woke up I don't remember anything, even the accident. But someone helped me while I still don't remember who am I. When I remembered it all, I often watched you from the distance."

"Bakit hindi mo ko nilapitan noon?"

"Because I didn't know what to say to you. How many years I have not been with you."

"I missed you, ma moitié." Niyakap ko ulit siya at naramdam ko ang pag-yakap rin niya sa akin.

"I missed you too, fragolina. Thank you."

Tumingin ako sa kanya. Namiss ko rin ang mga mata niya. "For what?"

"For everything. Hindi mo ko pinag palit sa ibang lalaki."

"Bakit ko naman iyon gagawin?"

"It's already four years, Sky..."

"Ano naman ngayon kung apat na taon na? Hindi kita i-pagpapalit na kahit sino dahil ikaw lang ang lalaking mahal ko at ama ni Elijah." Tumingin ako kay Elijah naka busangot na ngayon. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Kenma. "At sa tingin mo bang papayag ang anak mong maghahanap ako ng ibang lalaki? Ayaw niyang may lalaking lumalapit sa akin maliban kay kuya at Levi."

Lumingon siya sa anak niya. "That's my son. Salamat dahil hindi mo pinapabayaan ang mommy mo."

Ngumiti na rin ng malawak ang anak namin. "Of course, daddy. I love mommy so much!"

Napalingon kaming lahat na may nabasag. Nakita kong nagulat si manang pagkakita niya kay Kenma. "Diyos ko. Buhay ka, Kenma."

"Yes, manang."

"Salamat bumalik ka. Lahat kami nag-aalala noong nalaman naming nangyari sayo."

"I'm sorry if I made you worried, manang. When Leonis said there was a bomb, I dismissed all the employees but it was too late for me to leave."

"Paano na iyan? Wala na yung airline mo." Tanong ko.

"Hindi. Ang talyer lang ang sumabog at malayo iyon sa airline." Niyakap ulit ako ni Kenma. "I also missed your body." Bulong niya sa tenga ko na kinapula ng pisngi ko.

Kailan pa naging manyak itong si Kenma ah? Alam kong bastos siya minsan pero ang manyak... wala akong ka-alam alam doon.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon