28

962 27 0
                                    

"I want you to join me for a party tonight." Sabi niya.

"Party? Sino may birthday?"

"There is not birthday but I got the most important client and I closed the deal."

"Talaga? Ang galing mo talaga."

"So I decided to celebrate tonight with my employees. They were actually surprised when I said we were going to celebrate."

"Baka hindi lang sila sanay na bumait ka na sa ibang tao. Ang laki na kaya ng pinag bago mo ngayon."

"Because of you." Binigay niya ako ng halik sa labi at lumuhod siya sa harapan ko saka hinawakan ang umbok kong tyan. "And you, buddy." Napangiti ako sa ginawa niyang pag-halik sa tyan ko. "I can't wait to carry you in my arms."

"Apat na buwan na lang ang hihintayin natin bago dumating si baby."

"I know." Tumayo na siya. "But still I can't wait to find out who baby looks like."

"Gusto ko sana ikaw."

"Kumurap ito. "Why me?"

"I mean, makuha niya ang mga mata mo. Ang ganda kasi." Blue eyes at saka blonde hair kasi si Kenma. Halatang imported tapos hindi pa nagsasalita ng Tagalog.

"My eyes are beautiful?" Tumango ako. Iyon kasi ang nagustuhan ko kay Kenma. Ang mga mata niya. "I wish he could get your behavior."

Nalaman na namin ni Kenma ang gender ng baby namin pero wala pa kami naiisip kung ano ang ipapangalan namin.

"May naisip ka na ba kung ano ang ipapangalan natin kay baby?"

"Name? Hmm... I'm not good at giving names."

"May naisip na ako."

"What is it?"

"Elijah Gray." Iyon ang gusto naisip kong pangalan kaso hindi ako sigurado kung papayag ba si Kenma na gagamitin ang Montecillo. Kahit galit siya sa ama niya ay isa pa rin siyang Montecillo. Tinanggap siya ng lola niya kahit anak pa siya sa labas.

"Elijah Gray? Elijah Gray Montecillo. I like it." Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Tama ba ang dinig ko?

"Ayos lang ba sayo gamitin ang Montecillo?"

"Why not? He is my son after all. And I made a promise to you that I'll talk to my father when I see him."

Sobrang saya ko dahil ang laki na talaga ng pinag bago ni Kenma simulang naging girlfriend niya ako. Girlfriend pa rin niya hangga't hindi pa siya nag-propose sa akin. Alam ko namang may balak siyang mag-propose sa akin kaya hindi ko sisirain ang plano niya. Maghihintay ako.

"Anyway, call Levi because I want to talk to him."

Kumurap ako. "Tungkol saan? Baka suntukin mo na naman siya gaya ng ginawa mo noon.

"No, I will never do that again. I'm not jealous anymore because you are mine." Kumawala siya ng hangin. "Alam kong working student si Levi para makapag aral sila ni Maya. Kaya kakausapin ko siya na ako na ang bahala sa pag aaral nila."

Kumurap ulit ako. Nag-Tagalog siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan ko. "Talaga?"

"Yes, they had no other relatives besides me."

"Masaya ako dahil tinanggap mo na silang kamag anak mo."

"I have no other choice." Pinalo ko siya sa braso. Baliw talaga. "The other night, I dreamed of my grandmother and she said take care of Levi and Maya."

"Tatawagan ko na si Levi ora mismo."

Nag uusap na ngayon sina Kenma at Levi sa may garden pero sumama si Maya kay Levi.

"Ate, anong gender ng baby niyo ni kuya?" Tanong ni Maya. Nandito kami sa sala nag uusap.

"Lalaki ang magiging anak namin."

"Wow. May junior agad si kuya. Sana nga lang hindi niya mamana ang pag uugali ng daddy niya."

"Iyan din ang pinag usapan namin kanina." Natatawang sabi ko.

"Ang laki na talaga ng pinag bago ni kuya Kenma simula noong naging kayo." Ngumiti ako kay Maya. "Kung nandito lang si lola matutuwa iyon dahil bumait na si kuya Kenma."

Tama si Maya. Iyon lang ang kahilingan ng lola nila na bumalik ang dating ugali ni Kenma. Ang mabait na Kenma.

"Ate, salamat."

"Para saan?"

"Kahit ganoon ang ugali ni kuya Kenma ay minahal mo pa rin siya at binalik mo ang pagiging mabait niya."

"Wala akong ginawa. Desisyon niya iyon."

"By the way, paano niyo po pala nalaman na may gusto sa inyo si kuya?"

"Inamin niya sa akin. Pumunta pa siya noon sa eskwelahan. Mga panahon na annulled na kami. Bakit mo naitanong?"

"May crush kasi ako sa school. Actually, isang taon ang tanda niya sa akin pero ni minsan hindi niya ko pinapansin."

"Huwag ka muna magboboyfriend, Maya."

"Wala akong balak magkaroon ng boyfriend. Crush ko lang siya. Ang totoo niyan, um... isa sa mga kaibigan ni Levi."

Kumurap ako sa narinig. "Sino sa tatlong kaibigan ni Levi?"

"Si Trey."

Si Trey? Hindi nga nagsasalita masyado ang taong iyon kaya sa kanilang apat ay si Trey lang ang hindi ko close.

"Si Trey?" Tumango siya sa akin. "Pang aasar nga nila na laging panis ang laway noon dahil hindi nagsasalita."

"Tulungan mo ko, ate."

"Paano kita matutulungan? Ni minsan hindi ko pa nakakausap si Trey. At noong huling kita ko sa kanya may kasama siyang babae." Tumingin ako kay Maya na biglang nalungkot. "Sorry, hindi ko intensyon saktan ka."

Umiling ito sa akin. "Ayos lang. Baka nga may girlfriend na siya."

"Bakit hindi mo tanungin si Levi kung may girlfriend na ba si Trey?"

"Hindi pwede. I mean, sinabihan na ako ni Levi kung gusto ko daw magkaroon ng boyfriend ay bawal ang kaibigan niya. Kainis nga, eh. Off limit."

"Baka gusto niya lang protektahan ka at ayaw niyang makita kang umiiyak nang dahil sa kanya. Si Levi lamang nakakilala sa mga kaibigan niya."

"Ganoon rin ba ang kuya mo?"

Tumango ako. "Ganyan na ganyan nga si kuya. Ilang beses na niya ako sinabihang lumayo noon kay Kenma pero wala, eh. Sinuway ko siya noong nabuntis ako."

"Paano mo pala nalaman na may nararamdaman na pala kayo kay kuya? Noong kinasal ka sa kanya?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi pa ako sigurado kung mahal ko nga ba talaga si Kenma noong kinasal kami. Humahanga lamang ako sa kanya kasi kompositor na siya tapos CEO pa ng isang airline."

"Tapos ang ganda pa ng boses niya pag-kumakanta."

"Oo, noong unang beses kong narinig kumanta si Kenma ay mas lalo akong humanga sa kanya."

"Do you admire me when I sing?" Tumingin ako kay Kenma na ngisi sa mga labi nito. Patay narinig pala niya ang sinabi ko.

"Kuya, congrats nga pala kasi magkakaroon kayo ng baby boy."

"Talaga, Kenma?" Tanong ni Levi.

"Yup, we're having a baby boy and we named him Elijah Gray."

"Wow. We're having a nephew. Basta alagaan mo ang mag-ina mo ah." Ani Levi.

"Of course. You don't need to tell me that."

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon