18

994 30 0
                                    

Madalas na nga ang pag-uwi ni Kenma rito simulang tumira si Hannah sa bahay. Nakakaramdam ako ng inggit sana ako na lang ang nasa pwesto ni Hannah ngayon, tutal ako naman ang asawa niya.

"Kenma." May narinig akong familiar na boses. Bumisita pala ulit ang lola niya. "Nasaan si Skylar?"

"In the maid's quarter."

"What?! Ano ba ang pumapasok sa utak mo, apo? Ginawa mo pa talagang katulong si Skylar. Alam mo namang buntis siya. Mas mabuti pang ilalayo ko sa'yo ang mag-ina mo." Namilog ang mga mata ko sa huling sinabi ni lola kay Kenma. Ilalayo niya ako kay Kenma at sa tingin ko walang pakialam si Kenma na lumayo man ako kung nandito si Hannah.

Binuksan ko ang pinto noong may kumatok at bumungad sa akin si lola.

"Hija, bakit hindi mo sinabi sa akin ang mga pinag gagawa ng apo ko? Hindi tama ang ginawa ka niyang katulong."

Yumuko ako at doon na rin pumatak ang luha ko. "P-Pasensya na po. Hindi ko magawang sabihin sa inyo kung ano man ang pinag gagawa ni Kenma sa akin kasi natatakot ako sa pwede niyang gawin at baka mapahamak pa yung bata."

"Kahit sa akin hindi na marunong makinig si Kenma. Ilalayo kita sa kanya.

"Pasensya po. Hindi ko magagawang iwanan si Kenma hangga't hindi pa niya po pinipirmahan ang annulment namin."

"Kung alam ko lang na ganito ang gagawin niya sa'yo sana hindi ko na lang kayo pinakasal na dalawa."

Ngumiti ako ng pilit. "Ayos lang po ako. Sanay na akong inaapi ng ibang tao. Noong nasa bahay ampunan pa lamang ako ay madalas rin ako inaapi ng ibang bata. Ang masaklap pa ginagawa rin nila akong alipin."

"Kung sumama ka sa akin magiging maganda ang buhay niyo ng apo ko."

"Salamat na lang po."

"Okay, ganito na lang." Hinawakan ni lola ang isa kong kamay. "Kung mag-bago ang isip mo ay tawagan mo na lang ako."

Umiling ako. "Hindi na po magbabago ang isip ko."

"Mahal mo ba ang apo ko kaya hindi mo magawang iwanan?"

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. May tsansang nakikinig sa labas si Kenma at malalaman niyang may nararamdaman ako para sa kanya.

"I think I know the answer." Tumingin ako kay lola.

"Alam niyo po?"

"Oo at halata sa mga mata mo pero natatakot kang umamin sa apo ko."

"Opo dahil mas mahal niya si Hannah." Mahinang sambit ko.

"Gusto kita para sa apo ko dahil ang bait mong bata, Skylar."

"S-Salamat po."

"Kung mamatay man ako, ang gusto ko may makasama at magmamahal sa kanya."

Malabong ako ang gusto niyang makasama dahil alam kong si Hannah ang babaeng iyon, hindi ako.

"H-Huwag po kayo mag-salita ng ganyan."

"Hindi habang buhay nandito ako para pag-sabihan si Kenma. Hindi ko nga masabi sa kanya ang totoo."

"A-Ano po iyon?"

"Hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ang buhay ko. Kahit ang doctor ko wala rin alam."

"H-Huwag po kayo mag-salita ng ganyan. H-Hindi kayo mamatay. Lumaban kayo sa sakit niyo." Pinunasan ko ang luha ko. Ayaw ko talaga ang ganito, yung may magpapaalam. "Paano na po sina Levi at Maya kung mawala na kayo? Kayo po ang tumatayong pamilya sa kanila."

"Alam kong maalagaan ni Levi ang kapatid niya."

"Pangako niyo po sa akin lalaban kayo sa sakit niyo para kay Levi at Maya."

Isang iling ang binigay sa akin ni lola. "Pasensya na kung hindi ko maipapangako ang gusto mong mangyari, hija. Masyado na akong matanda at humihina na rin ako."

Nag-paalam na sa akin si lola na uuwi siya kaya humiga na ako sa kama at humagulgol ng iyak. Ayaw ko talaga ang ganito pero wala ako magagawa. May mamatay talaga sa mundo.

"Why are you crying?" Hindi ko malamayan ang pag-pasok ni Kenma sa kwarto ko at agad kong pinunasan ang luha ko bago bumangon. "Tell me the reason."

Umiling ako. "Wala. Namiss ko lang si kuya Bobby. Matagal tagal na rin ang huling kita ko sa kanya."

"He's already married with Claire." Tumingin ako sa kanya gulat na gulat. Wala akong ideya nag-propose na pala si kuya Bobby sa girlfriend niya. Ang alam ko lang may balak siyang mag-propose sa kanya at hindi man lang sinabi sa akin. Baka tatampo sa akin si kuya Bobby dahil malaki ang kasalanan na ginawa ko pero hindi niya sinasabi sa akin.

"I see... Salamat."

"For what?" Kunot noo nitong tanong sa akin.

"Sinabi mo sa akin na kinasal na ang kuya ko."

"Do you want to see him?"

Umiling ako. "Huwag na. Tatawagan ko na lang si kuya para kamustahin."

"Gray." Lumingon siya na may tumawag sa kanya. "What are you doing there?"

Binaling niya ang tingin sa akin kaya ngumiti ako ng pilit. Nagagawa ko pa rin ang ngumiti kahit masakit na. "Sige na. Puntahan mo na siya. Huwag mo na ako isipin dahil siya naman ang prayoridad mo, hindi ako."

Sigurado akong tapos na rin sila kumain ng hapunan kaya nag-pasya na akong lumabas sa kwarto para kumain. May ilang katulong na ang bumalik galing sa day off nila kaya hindi ko na kailangan pag-lutuan ang dalawa.

"Skylar." Tumingin ako sa tumawag sa akin. "Pinamimigay ni sir Kenma ito sa'yo."

Tinitingnan ko ang isang piraso ng strawberry shortcake na inaabot sa akin. At least naalala pa niya kung saan ako naglilihi.

"S-Salamat."

"Kumuha ka na lang daw kung gusto mo pa ng strawberry shortcake."

Tumango ako. "Okay."

Nahihiya naman ako kung kukuha pa ako ng isang piraso ng strawberry shortcake kaya ito na lang ang kakainin ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinag kainan ko.

Pabalik na sana ako sa kwarto ko ay napansin kong bukas ang ilaw sa kwarto ni Kenma. Dahil curious ako kung bakit gising pa siya sa ganitong oras? Ang pagkaalam ko maaga lagi natutulog si Kenma.

"Ahhh... Faster, baby. Faster." Sumilip ako sa loob. Namilog ang mga mata kong nasa ibabaw ni Hannah si Kenma at parehas silang walang saplot. Pumapatak na naman ang luha ko sa nakikita ko.

Imbes bumalik ako sa kwarto ko ay lumabas na lang ako ng bahay dahil hindi ko kaya ang nakikita ko. Sobrang sakit! Hindi pa ba siya nagsasawang saktan ako ng paulit ulit? Sobra na, eh. At hindi ko ginusto ang ganito.

Wala ako sa sarili ko habang naglalakad. Hindi ko nga alam kung saan ako pupunta ngayong gabi para magpalipas lang hanggang sa may narinig akong malakas na busina ng isang sasakyan.

•-•-•-•

I'm aware of my grammars

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon