2

1.2K 41 0
                                    

"Skylar." Lumingon ako na may tumawag sa akin at nakita ang pag-tawag sa akin ni sister Theressa. Agad naman ako lumapit.

"Bakit po, sister?"

"May gustong umampon sayo." Sabi ni sister Theressa kaso hindi ma-proseso sa utak ko ang sinabi.

"May gustong umampon sayo."

Naluluha ako ng ma-proseso na sa utak ko. "T-Talaga po?"

Tumango sa akin si sister. "Gusto mo bang makilala ang aampon sayo?"

"O-Opo, sister. Gustong gusto ko pong makilala yung aampon sa akin." Sobrang saya ko dahil sa sobrang tagal ko na sa bahay ampunan ay ang akala ko wala ng magtatangkang ampunin ako. Kung sino man siya ay nagpapasalamat ako sa kanya.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo at makikilala mo siya sa labas."

Pagkalabas ko may isang lalaki ang nakatayo pero nakatalikod siya sa direksyon.

"Um..." Namilog ang mga mata ko noong humarap siya sa akin. "K-Kuya Bobby?"

"Hi, Sky." Nakangiting bati niya sa akin.

"K-Kayo po ang umampon sa akin?" Hindi ako makapaniwala na si kuya Bobby yung taong tinutukoy ni sister Theressa.

Tumango siya sa akin. "Yes. Masaya kasi ako sa tuwing nag-uusap tayong dalawa kaya nag-pasya akong ampunin ka."

Napapadalas nga ang punta ni kuya Bobby rito sa bahay ampunan at madalas rin ang pag-uusap namin. Handa siyang makinig sa mga nangyayari sa akin, kapag may problema ako kaya sa tuwing nakakausap ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko. Ngayon pa lang kasi may nakikinig sa akin simulang tumira ako rito.

Niyakap ko si kuya Bobby sa tuwa. "M-Maraming salamat po, kuya!"

Hindi lang ako binigyan ng isang mabait na kuya dahil binigyan rin ako ng pangalawang pamilya.

Namangha ako sa nakita ko. Bahay ba ito o mansyon? Hindi kaya ako maliligaw dito? Sobrang laki.

"Papakita ko sayo ang magiging kwarto mo, Sky." Nauna na si kuya Bobby umakyat sa second floor at huminto sa tapat nang isang kwarto. "Heto ang magiging kwarto mo at sa dulo naman ang kwarto ko. Kung may kailangan ka ay puntahan mo lang ako doon."

"Thank you po talaga."

Bubuksan ko na sana yung pinto ng nag-salita ulit si kuya Bobby. "At isa pa pala." Binaling ko ang tingin sa kanya at hinihintay ang gusto niyang sabihin sa akin. "Pagpapaaralin kita."

Kumurap ako sa narinig. Pagpapaaralin ako ni kuya Bobby. Ibig sabihin pwede ko matapos ang pag-aaral ko nito sa tulong ni kuya Bobby.

"Nabanggit kasi sa akin kanina ni sister na hanggang grade school lang ang tinapos mo."

Muli akong naluluha. Sobra ang blessing nangyayari sa akin ngayon. "Thank you po talaga. Hindi ko alam kung paano kayo babayaran."

Pinatong ni kuya Bobby ang isa niyang kamay sa ulo ko. "Hindi mo kailangan bayaran ako. Ang gawin mo lang ay mag-aral ka ng mabuti."

"Makakaasa po kayo sa akin."

Namangha ako ng makita ko ang loob nang kwarto ko. Ang laki para bang pwedeng matulog rito ang maraming tao sa sobrang laki. Ang yaman talaga ni kuya Bobby.

Ang sarap ng tulog ko ngayon dahil sobrang lambot ng kama.

"Kailangan ko na pala maligo." Hindi ko pa nga pala nailagay ang gamit ko sa loob ng cabinet. Mamaya na lang siguro pagkatapos ko maligo.

Kahit ang banyo ay sobrang ganda at malaki rin ito. Mas malaki pa nga ito sa banyo sa bahay ampunan.

Pagkatapos ko maligo ay inaayos ko na ang mga gamit ko pero namangha ako pagkabukas ko sa cabinet. Isa pala itong walk-in closet. Hindi yata ako masasanay sa ganitong buhay. Lumaki akong mahirap sa buhay kaya nga iniwanan ako ng sarili kong ina sa bahay ampunan.

Nag-pasya akong libutin ang buong bahay kaso napansin kong naliligaw na yata ako. Hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik sa bahay. Isa pa lang maze ang garden.

May isang lalaki ang nakatingin sa akin ng masama. Ngayon pa lang kami nag-kita, bakit ganyan siya makatingin sa akin? Parang papatayin ako sa titig niya. Sayang rin ang magiging gwapo niya kung hindi siya ngumiti.

"Um..." Lumunok ako dahil hindi pa rin niya inaalis sa akin ang masama niyang titig.

"What do you want?" Kahit ang boses niya ay galit rin at hindi lang iyon imported pala siya. Baka hindi kami magkakaintindihan.

"Kenma." Lumingon siya na may tumawag sa kanya at nagulat ako ng makita ko si kuya Bobby. Malamang, makikita ko si kuya Bobby dito dahil bahay niya ito. "Sky?"

"Sorry po. Hindi ko alam kung paano makabalik."

"Ganoon ba? Sige, sasamahan kita."

Nililibot ko ang paningin ko habang naglalakad kami ni kuya Bobby. Ang ganda ng garden. May iba't ibang klase ng bulaklak tapos ang lalaki pa ng mga puno.

"May ginawa bang masama sayo si Kenma?" Biglang salita ni kuya Bobby.

Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Kenma?"

"Yung lalaking nakita mo kanina sa garden."

Sabi na nga ba imported ang lalaking iyon dahil sa pangalan pa lang niya. "Ah, wala po. Mukhang hindi naman kami magkakaintindihan na dalawa."

"Nakakaintindi siya ng Tagalog pero nahihirapan siya mag-salita."

"Kaya po ba nandito siya?"

Mabilis na umiling sa akin si kuya Bobby. "Hindi. Kaya nandito ngayon si Kenma dahil gusto niya dito kumuha ng ideya sa ginagawa niyang kanta."

"Isa po pala siyang composer."

"Hindi lang composer. Isa rin siyang kilalang CEO ng airline. Ang Gray Airline."

"Wow. Ang sipag niya pala." Ay, teka. Bakit ko ba siya pinupuri? Pero talagang ang sipag niya dahil dalawa ang trabaho.

"Pero huwag na huwag kang lalapit sa kanya. Mainitin palagi ang ulo ng taong iyon at kahit sino makita niya ay mumurahin niya." Ay, grabe naman siya. Ang bad niya kung lahat na tao mumurahin niya.

Pero halata nga. Sa tono pa lang nang pananalita niya kanina ay galit na kahit wala naman akong ginagawang mali sa kanya.

"Delikado po pala siya."

Tumango ito sa akin. "At saka may girlfriend na siya."

Buti nakaka-tagal ang girlfriend niya sa ugali niya. Kung ako ang naging girlfriend niya baka wala pang isang araw ay hindi na ako maka-tagal sa ugali niya.

Maaga akong nagising kinabukasan at nag-pasya na akong bumaba baka makita ko si kuya Bobby. Nakita ko nga siya habang kumakain ng agahan.

"Good morning, kuya."

Tumingala sa akin si kuya Bobby saka ngumiti. "Good morning, Sky. Sabayan mo na ako kumain."

Umupo na ako sa harapan ni kuya Bobby at kumuha na ng mga kakainin ko.

"Mamaya ay pupunta tayo sa magiging school mo para makapag enroll ka na ngayon."

Hindi nga talagang panaginip ito. Pwede ko pang matapos ang pag-aaral ko at matutupad ang pangarap ko maging isang guro balang araw. Kaya gusto ko maging isang guro para maka-tulong ako sa mga bata.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon