31

1K 30 1
                                    

"Pwede bang huwag ka na lang pumasok ngayon?"

Kahit anong oras ay pwede na akong manganak tapos papasok pa si Kenma. Nangako siya sa akin na hindi siya papasok kapag kabuwanan ko na.

Naging memorable ang gabing nag-propose sa akin si Kenma sa isang private yacht at pinag usapan na rin namin na manganganak muna ako bago kami magpakasal. Malaki na kasi ang tyan ko at mahihirapan na ako mag-hanap pa ng wedding gown nito.

"I can't. This is an emergency."

Humiga na ako sa kama at nag-kumot. "Mukhang importante naman sayo ang trabaho kaysa sa akin kaya umalis ka na. Matutulog na lang ako."

Nagising ako ng may naramdaman akong basa sa higaan. Oh shoot! Pumutok ang panubigan ko. Bakit ngayon pa? Kung kailan wala ngayon si Kenma.

"Ahhhh! Hindi ko na kaya! Ang sakit!" Sigaw ko. Nagsisi na ako nagpa buntis ako kay Kenma. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit ang panganak.

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" Tanong ng isang katulong sa akin.

"Mukha ba akong okay?! Tumawag na kayo ng ambulansya! Hindi ko na kaya ang sakit! Ahhh..."

Kung si Levi o Maya ang tatawagan ko ay baka matatagalan pa bago sila makarating dito. Mga isang oras ang biyahe galing sa kanila hanggang dito kung walang traffic o isang oras at tatlumpung minuto hanggang dalawang oras naman kung may traffic.

"Ma'am, nandito na po yung ambulansya."

"Subukan niyong tawagan si Kenma para alam niyang manganganak na ako."

"Sige po..."

Pagkadala sa akin sa ospital ay dinala ako agad sa delivery room.

"Ahhh! Ang sakit! Hindi ko na kaya!"

"Push niyo pa ho. Nakikita ko na ang ulo ng baby."

Nawalan ako ng lakas noong nailabas ko na si Elijah at naririnig ko na ang iyak niya.

"Congratulations. It's a boy." Sabi noong doctor at doon na rin ako nawalan ng malay dahil sa pagod.

Ilang oras na ako nagkaroon ng malay pero ni anino ni Kenma ay wala pa rin. Ganoon ba siya busy sa airline at ni kamusta man lang, wala. Bwesit siya!

"Mukhang hindi makakarating ang daddy mo ngayon, Elijah." Halos nakuha ni Elijah lahat kay Kenma. Mukha, mata, ilong, labi at kulay na mata maliban siguro sa kulay ng buhok dahil iyon lamang ang nakuha niya sa akin.

May narinig akong kumatok sa pinto at alam kong nurse lang iyon para tingnan ako. Kaso nagkamali ako – si Levi pala. "Tumawag si manang sa akin kanina at sinabing nanganak ka na daw."

Ngumiti ako ng pilit kay Levi. "Ikaw lang ba ang pumunta? Saan si Maya?"

"Busy pormahan yung nurse na lalaki doon sa nurse station."

Akala ko ba may gusto si Maya kay Trey tapos iba ang pinopormahan niya. Baka iba na ang type ni Maya ngayon at hindi pala si Trey.

"Nakuha niya lahat kay Kenma ah. Sana nga lang hindi niya nakuha ang ugali ni Kenma. Saan nga pala siya?"

"May emergency sa airline. Naiinis nga ako kasi ni kamusta man lang hindi niya magawa."

"Ate– Omg. Ang pamangkin namin nandito na." Lumapit sa akin si Maya para matingnan si Elijah. "Aww, paniguradong maraming kababaihan ang mag-away away pag-laki nitong anak niyo. Ang gwapo. Hintay na lang kaya kita pag-laki mo."

"That's illegal, Maya. Pamangkin natin siya." Ani Levi.

"So what? At saka hindi natin kadugo si kuya Kenma. Kaya walang dugong Montecillo ang dumadaloy sa atin."

"Kahit na. Sa mata ng marami ay isa tayong Montecillo, Maya. Kadugo man o hindi natin si Kenma ay kamag anak pa rin niya tayo."

"Fine. Nagbibiro lang ako. Sineryoso mo agad." Tumingin naman si Maya. "Hello, baby Elijah. Your tita Maya's here and he is your tito Levi."

"Pumayag ba si Kenma na gamitin ang Montecillo?" Tanong ni Levi.

"Oo nga. Ang alam ko galit siya sa ama niya."

Tumango ako sa kanila. "Nakausap na ni Kenma ang ama niya noong isang gabi."

"Ano nangyari sa pag uusap nila, ate?"

"Siyempre, hindi maiiwasan na hindi i-labas ang sama ng loob niya sa tao pero nagkaayos rin sila agad."

"That's good. Kung nandito si lola ay matutuwa iyon dahil bumalik na ang dating ugali ni Kenma tapos nagkaroon pa siya ng apo sa tuhod." Nalungkot ako sa sinabi ni Levi. Tinago kasi ng lola nila ang tungkol sa malubhang sakit niya kay Kenma. Si Kenma lang ang walang alam tungkol doon. Hindi kasi alam lola niya kung paano sasabihin sa kanya.

"Saan nga pala si kuya?"

"Sa airline. Puntahan mo nga siya doon at sabihin mong nanganak na si Sky. Kailangan siya dito."

"Bakit ako ang inuutusan mo? Ikaw na lang kaya ang pumunta doon."

"Kung ikaw ang pumunta sa Gray Airline ay pupunta iyon agad dito. Kung ako ang pumunta baka hindi pa maniniwala sa akin si Kenma."

"Fine, pupuntahan ko na si kuya sa Gray Airline."

Pagkaalis ni Maya ay umupo si Levi malapit sa hospital bed.

"Alam kong ikaw lang ang malalapitan ni Maya. Curious kasi ako dahil minsan ko naririnig sa kanya na may crush daw siya sa school. Baka may alam ka."

"Baka magalit ka doon sa crush niya kapag nalaman mo."

"Isa ba sa mga kaibigan ko?"

"Who knows."

"Sinabihan ko na silang off limit si Maya dahil kapatid ko siya."

"Levi, hindi maiiwasan sa isang tao ang hindi humanga sa kapwa nila. Sa tingin ko ganoon ka rin. Kaya hanggang ngayon ay hindi mo pa sinasagot si Brigitte."

"Bakit ko sasagutin si Brigitte? Hindi siya yung tipo kong babae, no. At saka bakit ang lalaki ang sasagot sa babae?"

"Malay natin. Baka takot ka."

"Ako? Takot? Hindi ako takot ah."

"Kung hindi ka takot sabihin mo nga sa akin kung sino crush mo."

"Kahit sabihin ko sayo kung sino ang crush ko ay hindi na niya ako magugustuhan."

"Bakit naman?"

"Inagaw na kasi siya sa akin."

"Mabagal ka siguro kumilos kaya naagaw sayo ang babaeng maha–"

"Ikaw kasi iyon, Sky. At hindi ako mabagal kumilos. Ayaw ko lang masira ang pagkakaibigan natin kaya hindi ko sinabi sayo."

Kumurap ako ng ilang beses at hindi ma-proseso sa utak ko ang sinabi ni Levi. "A-Ako? Kaya mo ba ako hinalikan noon sa pisngi?"

"Hindi ah. Ginawa ko iyon para pag-selusin si Kenma."

"Pag-selusin si Ken? Hindi pa niya mahal noon."

"Sus, Sky. Madaling basahin si Kenma." Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan. "Malalaman mo kung nagseselos siya kapag nag-iba bigla ang mood niya."

Bakit hindi ko iyon naisip agad? Pero imposible na may gusto na sa akin si Kenma.

"Imposible."

"Nothing is impossible, Sky. Hindi ka mahirap mahalin pero hindi agad napapansin ni Kenma na may nararamdaman na pala siya sayo. Kung naka focus lang siya noon kay Hannah."

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon