14

950 25 0
                                    

Nagulat na lamang ako ng halikan niya ako sa labi bago pa siya tumabi sa akin. Hindi ako sanay na hahalikan niya ako sa labi.

"Um..." Tumingin ako sa kanya. "Sorry nga pala. Kung hindi ako buntis ngayon, hindi natin kailangan magpakasal."

Ano pa nga ba ang maasahan ko kay Kenma? Ang kakausapin niya ako pagkatapos may nangyari sa amin? Ganyan siya kapag nakuha na niya ang gusto niya sa akin. Kung hindi lang huli ang lahat sana wala kami dito ngayon. Si Hannah sana ang magiging asawa niya, hindi ako.

Nagising ako wala pang araw sa labas kaso nagugutom ako at wala na rin si Kenma sa tabi ko. Anong oras kaya siya umalis? Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Bumangon na ako para kunin ang mga damit ko.

Lumabas na ako ng kwarto para mag-hanap ng makakain ko. Ganito pala kapag buntis, palaging gutom.

Baby, alam mo namang hindi ko pwedeng utusan ang daddy mo at huwag mo ko masyadong pahirapan.

Sumimangot ako wala akong makitang pagkain sa fridge na gusto kong kainin. Binuksan ko ang mga cabinet, wala rin pwedeng lutuin.

"What are you doing here?" Napatalon ako sa gulat at lumingon ako sa kanya.

Napalunok ako ng makita kong tanging boxer short lang ang suot niya. Ang abs. Ang sexy. Aish... Sky, kailan ka pa naging manyak ah? Pero ang ganda talaga ng pangangatawan ni Kenma.

"Ginulat mo naman ako. Manganganak ako wala sa oras nito."

"What are you doing here?" Ulit niya. "You can't stay late. You know you're pregnant."

"Alam ko naman iyon. Nagugutom ako pero wala akong makitang gusto kong kainin. Ikaw, bakit gising ka pa?"

"I can't sleep." Nag-lakad siya papunta sa fridge at kinuha ang isang slice ng strawberry shortcake. "You want?"

"Uh, huwag na. Nag-iisa na lamang iyan baka magalit ka pa sa akin na kinain ko ang nag-iisang cake mo."

"It looks like you're craving with my strawberry shortcake that's why I'm giving this to you."

"Hindi ka magagalit sa akin kapag kinain ko 'yan?"

Umiling siya. "Why should I get mad at you? You're craving and I'm doing this for the baby."

Kinuha ko na sa kanya ang plato at nilapag ko sa table. "Thank you." Kumuha muna ako ng tinidor sa lalagyan bago kumuha ng maliit na piraso sa cake. Heto nga ang hinahanap kong pagkain. Mukhang sa strawberry ako naglilihi.

"Keep the baby healthy." Tumingala ako sa kanya ng makita kong nakatalikod na siya. "I'm going to sleep. Good night."

"G-Good night."

Hindi pa ako sanay na biglang bumabait sa akin si Kenma pero may oras na galit siya sa akin kahit wala akong ginagawang mali sa kanya.

Nagiging mabait siya para sa baby, hindi sa ina.

Huwag ka ng umasa!

Alam ko iyon at hindi ako umaasa na nagiging mabait siya sa akin. Pagkatapos kong i-panganak sa baby ay makikipag hiwalay ako kay Kenma. Sa kanya yung bata habang ako i-tutuloy kong tuparin ang mga pangarap ko sa buhay. Kahit si Hannah pa ang tumayong ina sa anak namin ay ayos lang alam kong hindi pababayaan ni Kenma ang anak niya.

Nagising ulit ako na may araw na at napansin kong may taong nakaupo sa kama.

"I'm glad you're already awake."

Namilog ang mga mata ko dahil nakalimutan ko may usapan nga pala kaming pupunta sa doctor ngayon. "Hala. Anong oras na?"

"Past lunch time." Patay. Lagpas na pala sa usapan naming oras.

"Sorry kung hindi tayo nakaalis agad kanina."

"You don't need to apologize. I let you sleep."

Si Kenma ba itong nasa harapan ko? Nasaan na yung kilala kong Kenma na naninigaw sa akin kahit wala akong ginagawang mali sa kanya.

"Let's eat." Yaya niya.

"Huh? Hindi ka pa kumakain?"

"Not yet. I'm waiting for you and after we eat we're going to the doctor."

Sumunod na ako sa kanya sa kusina kaso napansin kong walang katao tao maliban sa aming dalawa.

"Nasaan yung mga katulong mo?"

"I gave them a day off."

"Ibig sabihin tayong dalawa lang ang nandito?"

"What do you think? Do you see something that I can't see? Of course. Just two of us, idiot."

Pagkatapos kumain naliligo na ako pero hindi ko kailangan magmadali, di ba? Buntis ako at baka ano pa mangyari sa bata gaya nangyari kahapon muntikan na ako mahulog sa hagdanan.

Nang tawagin na ako para sa check up ay hindi mawala wala ang nerbyos sa dibdib ko. Hindi ko naman ipapa abort ang bata at saka hindi na pwede.

Maiyak iyak ako ng makita ko sa unang pagkakataon ang baby nasa sinapupunan ko. Sobrang saya kong makita siya at excited na ako malaman ang gender niya.

Pag-uwi namin sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto para matulog ulit. Inaantok pa kasi ako.

Nagising ako na may nag-sarado ng pinto ng kwarto. Kaming dalawa lamang ni Kenma ang nandito kaya malabong ibang tao iyon. Ano kaya ang ginagawa ni Kenma rito?

May naririnig akong kumakanta pagkalabas ko sa kwarto. Ang ganda ng boses ni Kenma kaya siguro mahilig rin siya gumawa ng kanta.

Mukhang hindi pa niya napapansin ang presensya ko dahil tuloy pa rin siya sa pag-kanta. Umupo na ako sa tabi niya dahilan huminto na siya sa pag-kanta. "Para kanino 'yang kinakanta mo – Ay, huwag mo na pala sagutin. Parang alam ko na para kanino. Kay Hannah, di ba?"

"No one. I never dedicate any of my songs. Even Hannah."

"Akala ko ba mahal mo si Hannah? Dahil siya ang girlfriend mo."

"Yes, I love her but she never supported me in my dream. No matter what I'm always here to support all of her dreams."

Ang sweet naman pala niya dahil gagawin ang lahat para sa babaeng mahal niya. Kaya pala tumatagal ang relasyon nilang dalawa, 'no? May tinatago pa lang sweet side itong si Kenma.

"How about you?"

"Anong tungkol sa akin?"

"Do you had a boyfriend before?"

"Wala pa. No boyfriend since birth."

"That means... I am your first kiss?" Tumango ako sa kanya. "Shit. Why didn't you tell me? Even you're a virgin that day."

"Para saan pa? Kahit magalit ako sa'yo ay hindi mo na maibabalik ang kinuha mo sa akin. Nag-pasya akong umiwas sa'yo simula noon."

"Dammit. You really avoiding me that day. Why?"

"Ayaw kong maalala ang ginawa mong pagbababoy sa akin."

"Ah, shit. I know I'm not thinking."

"Hindi akong bayarang babae kung iyon ang iniisip mo sa akin noon. Kahit grade school lamang ang tinapos ko ay alam ko ang mali sa tama. Sumikap ako dahil wala akong maasahan sa bahay ampunan. Lahat na kasama ko roon ay ginagawa nila akong alipin kaya hindi na bago sa akin kung gawin rin ba akong alipin sa labas. Masaya na ako nang makilala ko sina kuya Bobby at Levi dahil sila ang swerte nangyari sa buhay ko." Pinunasan ko ang mga mata ko dahil kusang pumapatak ang mga luha ko. "Kung gusto mong gawing alipin ako ayos lang pero may kondisyon sana ako."

Kumunot ang noo niya. "What is it?"

"Makikipag hiwalay ako sa'yo pagkapanganak ko sa anak mo. Alam kong hindi mo siya hahayaan at huwag kang mag-aalala hindi niya ako makikilala bilang ina niya." Tumayo na ako dahil ako rin ang nasasaktan. May feelings nga ako kay Kenma na ngayon ko lamang napansin pero kailangan kong pigilan ito. "Iyon lang ang kondisyon ko."

•-•-•-•

I'm aware of my grammars

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon