24

924 25 0
                                    

Every weekend ay pumupunta ako sa bahay niya. Minsan sa apartment ko. Wala naman akong roommate kaya walang problema kung imbitahin ko siya sa apartment ko at kahit mag-overnight pa siya doon. Apat na buwan nangliligaw sa akin si Kenma at sinagot ko na siya. Nakikita kong seryoso siya sa akin. Simulang sinagot ko siya madalas may nangyayari sa amin pero noong huling may nangyari ay hindi siya gumamit ng proteksyon at nakalimutan ko rin uminom ng pills. Hindi pa ako dinadatnan ng period ko at hindi pa ako nadedelay kung hindi ako buntis.

Dahil bakasyon na rin kaya nagpa check-up ako at kumpirado ngang buntis ako. Ano ang gagawin ko? Kailangan malaman ni Kenma nagdadalang tao ako ngayon at sigurado akong matutuwa iyon.

Masaya akong pumunta sa bahay niya at pipindutin ko na sana yung doorbell ay may narinig ako nag-salita.

"Gray." Isang familiar ang boses na iyon at isa lang naman tumatawag sa kanyang Gray. Si Hannah lang. Ano ang ginagawa niya rito sa Pilipinas?

"What do you want? You must have understood what I said before I left you. I love Sky."

"I know but I have something to tell you. I was pregnant when you broke up with me and you are the father of my child." Nag-takip ako ng bibig sa narinig ko. May anak si Kenma kay Hannah? Bakit ko ba nakalimutang may nangyari pala sa kanila noon.

"Usotsuki! I have no–" Hindi ko na tinapos ang pinag uusapan nila dahil sobrang sakit. May anak siya kay Hannah habang may anak rin siya sa akin pero wala siyang ideya buntis ako. (Liar!)

Mabuti pang walang alam si Kenma na buntis ako at hindi ko siya kailangan para sa bata. Laking uto-uto ko naniniwala sa mga sinasabi niya sa aking mahal niya ako.

"Sky?" Pinunasan ko ang luha ko ng marinig ang boses niya at hindi ko inabalang lingunin siya. "How long have you been there?"

Nakayukom ang kamao ko ng humarap at lumapit sa kanya saka sinampal siya. "Matagal ko ng gustong gawin iyan sa'yo! Ayaw ko na marinig ang kasinungalingan mo, Kenma! Binigyan kita ng pangalawang pagkakataon dahil ang akala ko mahal mo talaga ako tapos narinig ko kanina na may anak pala kayo ni Hannah. Doon ka na sa anak mo dahil kailangan ka niya."

"What?! No! Please, don't leave me, Sky. I have no child with Hannah. Believe me."

"Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo at ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo. Good bye, Kenma."

Hindi na ako lumilingon sa kanya sa tuwing tinatawag niya ako. Sobrang sakit talaga kung kailan nagkaroon ng bunga ngayon pa bumalik ang ex girlfriend niya. Maaga pa siguro at pwede ko pang ipa-abort ang bata pero ayaw kong gawin iyon. Hindi akong masamang tao para patayin ang isang innosente.

"Sky!" Lumingon ako ng may tumawag sa akin at niyakap ako ni Levi. "Oh? Ano nangyari sa'yo? Bakit namumula ang mga mata mo? Umiyak ka ba? Sino ang umaway sa'yo?"

"Ang dami namang tanong. Uso huminga, Lev." Natatawang sagot ko sa kanya.

"I'm serious, Sky. May umaway ba sa'yo?"

"Wala. Ayos lang ako." Pero ang puso ko hindi maayos. Hay ang malas ko talaga sa pag-ibig. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. "Baka hindi na ako tutuloy sa pag-aaral ko."

"Bakit?"

"Buntis kasi ako." Naluluha kong sabi sa kanya.

"Huuuh?! Alam ba ni Kenma tungkol sa pagdadalang tao mo?"

Umiling ako. "Wala siyang ideya."

"Puntahan natin siya para sabihin mo sa kanya." Hinawakan niya ang kamay ko kaso pinigilan ko siya.

"Huwag... na!"

"Bakit? Umamin ka nga sa akin, Sky nag-away ba kayo ni Kenma?"

Umiling ulit ako. "Galing na ako doon kanina pero nalaman kong bumalik si Hannah at narinig ko ang pinag usapan nilang dalawa."

"Ano ang pinag usapan nila?"

Sinabi ko kay Levi kung ano ang narinig ko sa bahay ni Kenma kanina.

"Shit. May anak siya kay Hannah tapos may anak rin siya sa'yo."

"Doon na siya sa anak niya kay Hannah. Tutal siya ang una niyang minahal at kailangan siya ng bata."

"Paano ka?"

"Kung kaya kong lumaki ng mag-isa ay makakaya ko rin alagaan ang anak ko ng mag-isa."

"Hindi ka nag-iisa." Niyakap ako ni Levi. Ang sarap talaga sa pakiramdam na may karamay sa buhay. "Nandito kami ni Maya para tulungan ka."

"Salamat, Lev." Humiwalay na ako sa yakap. Baka ano pa ang isipin ng ibang tao sa amin. "Tulungan mo ko mag-hanap ng bagong matitirahan."

Hindi na ako pwede sa apartment ko baka araw-araw pang pumunta doon si Kenma para makausap lamang ako. Kailangan ko ng lumipat at mag-full time na ko sa trabaho.

"Hindi naman ako papayag na mag-isa ka lamang sa matitirahan mo. Kaya doon ka na sa bahay tumira. Marami ang mag-alaga sa'yo doon."

"Salamat talaga, Lev. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Maya." Mukhang ako pa ang inaalagaan ng mag-kapatid imbes na ako ang tumayong ate at mag-alaga sa kanila.

"Kailan mo balak lumipat?"

"Pwede rin ngayon para bukas maghahanap ako ng trabaho at kapag nakaipon na ako ay lilipat ako ng matiti–"

"Ano ka ba. Huwag ka na lumipat pa ng matitirahan. Hindi kita pipigilan mag-trabaho pero alagaan mo lang ang sarili mo tapos kami na ang tutulong ni Maya sa iba pang kailangan ng anak mo. Mas kampante pa nga ako kapag nandoon ka sa bahay para hindi kami mag-aalala." Nilabas niya ang kanyang phone. "Tatawagan ko lang yung driver para pahatid tayo sa apartment mo at patulong na rin tayo."

Tumango ako. "Sige."

Pagkarating namin sa apartment ay inasikaso ko na ang mga gamit ko. Nang matapos na ay pumunta na kami sa bahay nila. Hay, kay tagal na rin ang huling tira ko rito. Noong unang beses kong tumira dito yung mga panahong umalis ako sa puder niya bago ako dinala sa US. Naging maganda ang buhay ko doon at nakalimutan ko ang mga problema ko. Ang akala ko nga hindi na ako babalik rito kaso tumawag sa akin si Levi na sinugod daw sa ospital ang lola nila. Malaki ang utang na loob ko sa matanda kaya umuwi ako at hiniling niyang bumalik ako sa buhay ng apo niya. Kahit labag sa kalooban kong sundin ang huling kahilingan ng matanda. Ayaw ko na kasing bumalik sa buhay ni Kenma lalo na't masaya na ako sa buhay ko bago ako bumalik sa kanya. Akala ko nga magiging mas masaya ako kapag kasama siya pero sa tingin ko hindi talaga kami para sa isa't isa. Kahit hindi kami ang para sa isa't isa may iwan siya sa akin. Ang bata nasa sinapupunan ko.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon