4

1K 30 0
                                    

Pagkauwi namin sa bahay may isang tao ang nakatayo sa labas – teka, siya yung lalaking nakita ko sa garden kahapon. Yung may galit sa mundo. Napansin kong bumaba na ng kotse si kuya Bobby para lapitan yung lalaki.

"Kenma, bakit hindi ka pumasok sa loob?"

"Tsk. They won't let me in. Where have you been?"

"Pasensya na, pare. May inaasikaso lang ako kanina."

Bumaba na rin ako saka lumapit sa kanila pero napansin kong nakatingin na namang masama sa akin yung lalaki. Ano ba ang ginawa kong mali sa kanya para maging ganyan siya? Kahapon ko pa lang siya nakilala tapos mukhang mainit na ang ulo sa akin.

Lumingon sa akin si kuya Bobby saka ngumiti bago binalik ang tingin sa kausap. "Kenma, si Sky pala. Hindi ko nasabi sayo kahapon pero siya yung sinasabi ko noon na gusto kong ampunin."

"I don't fucking care."

Bumuntong hinga si kuya Bobby. "Sabi ko nga wala kang interesado maliban kay Hannah."

Hannah?

Iyon siguro ang pangalan ng girlfriend niya na kayang tiisin ang ganyang ugali.

Binaling ko ang tingin kay kuya Bobby. "Um, pasok na po ako."

"Sige. Ipapasok ko lang yung kotse at pumasok ka na rin, Kenma."

Bakit nandito na naman yung lalaking iyon? Wala ba siyang sariling bahay para doon gumawa ng kanta niya? Dito pa talaga niya naiisipang gumawa ng kanta sa bahay ni kuya Bobby.

"Hey!"

Lumingon ako dahil hindi ko gusto ang tawag niya sa akin. "May pangalan ako at hindi hoy o hey."

"I don't fucking care what your name is."

Bwesit ito! Akala mo kung sinong gwapo, ang sama naman ng ugali. Paano ba naging kaibigan ito ni kuya Bobby ah?!

"Ano ba ang kai–"

"I don't like you..."

Ano daw? He don't like me? In Tagalog; hindi niya ako gusto.

"Hindi kita pinipilit na gustuhin ako at hindi na bago sa akin 'yan." Sa daming tao na ang may galit at ayaw sa akin kaya hindi na talaga bago 'yon. Kay Linda at Karen pa nga lang tapos i-sama pa natin si ma'am Claire na obvious ayaw sa akin.

Maharas niyang hiwakan ang braso ko dahilan napaaray ako. "You have guts!"

"Kenma!" Binitawan na niya ang braso ko ng marinig niya ang boses ni kuya Bobby at pumunta sa harapan ko si kuya Bobby. "'Di porke't pinapayagan kitang pumunta rito ay papayag na akong saktan ang kapatid ko." Tumingin siya sa likod. "Pumunta ka na sa kwarto mo, Sky."

Hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-uusapan nilang dalawa ngayon dahil pinapupunta na ako ni kuya Bobby sa kwarto ko at ngayon ko pa lang siya nakitang ganoon.

Humawak ako sa dibdib dahil ang sarap pala sa pakiramdam na may kuya kang handang protektahan ang kababatang kapatid. Sana nga totoong kuya ko na lang si kuya Bobby pero okay na rin kahit hindi kami magkadugo. Basta masaya ako kung ano meron ako ngayon. May mabait akong kuya.

Tumingin ako sa may pinto na may kumatok at si kuya Bobby lang pala. "Kuya, pasok po."

"Hindi ba sinabihan na kita kahapon na huwag kang lalapit kay Kenma?"

"Sorry po pero siya itong lumapit at kumausap sa akin." Pero pinakilala mo ko sa kanya kanina.

"Don't worry, kinausap ko na rin siyang huwag ka niyang lalapitan habang nandito siya."

Hindi ba siya busy sa airline? Ang sabi ni kuya Bobby sa akin kahapon ay may ari rin siya ng isang kilalang airline. Mas inaabala niya ang sarili sa pag-compose ng kanta kaysa sa airline. Ano ba ang pakialam ko sa kanya? Kailangan ko talaga siyang iwasan kapag nandito siya sa bahay.

"Pahinga ka na at may gagawin pa ako. Kung may kailangan ka puntahan mo lang ako sa kwarto."

Tumango ako bago lumabas nang kwarto ko si kuya Bobby. Ang una kong ginawa ay maligo.

"Ahhh... Ang sarap talaga magbabad sa tubig." Sa init pa naman ng panahon ngayon kaya masarap talaga magbabad sa malamig na tubig. Kung pwede nga lang magbabad buong araw ay sana kahapon ko pa ginawa.

Habang naliligo ako ay iniisip ko ang gagawin ko bukas pag-pasok ko sa school. Nakikipag kaibigan ba ako? Sino ba ang niloko ko? Ni hindi nga ako marunong makipag kaibigan tapos mayayaman pa yung mga estudyante sa papasukan ko. Hindi nga rin ako marunong makipag sosyalan.

Pumasok na ako sa walk-in closet pagkatapos ko maligo. Ang laki ng space dito sa loob tapos konti lang laman. Don't worry, mapupuno ang mga gamit ko rito kapag may trabaho na ako pero matagal pa iyon. Magtyatyaga na lang ako na ganito ang mga gamit ko muna. Mura lang ang bili ko dito.

Ngayon ko lang naisip na ako pala ang matanda sa mga magiging classmate ko bukas.

May narinig akong katok habang nagsusuklay ako. "Pasok po."

Binuksan na noong tao ang pinto at alam ko naman si kuya Bobby lang iyon. Siya ang madalas pumunta sa kwarto ko para i-check ako. "Sky."

Tumingin ako kay kuya Bobby. "Bakit po?"

"Babalik ako sa restaurant dahil may kinalimutang i-bigay sa akin si Claire. Baka matagalan pa ako at kung nagutom ka na ay utusan mo na lang ang maid."

"Sige po."

Hindi ako sanay na may inuutusan baka ako na lang ang magluluto ng kakainin ko mamaya kung matatagalan si kuya Bobby sa restaurant niya. O baka may date sila ni ma'am Claire.

Ang sarap siguro magkaroon ng boyfriend. Yung palagi kayo mag-kasama tapos bibigyan ka niya ng bulaklak o kaya chocolate. Kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend?

Ang sarap rin ang mangarap. Libre lang iyan, Sky.

Dahil gabi na sa labas kaya nakakaramdam na ako ng gutom pero kapag minamalas ka naman dahil nakita ko yung lalaking may galit sa mundo na lumabas galing sa kusina.

Feel at home lang, kuya?

Napansin ko ang iniinom niya. Isa iyong strawberry juice.

Sumulyap siya sa akin. "What are you looking at?!"

"Huh? Wala."

Pumunta na lang ako sa kusina baka patulan ko pa yung kaibigan ni kuya Bobby. Mabait ako sa mabait na tao at masama ako sa masamang tao. Siyempre, joke lang mabait akong tao kahit ano pa ang ugali. Kaya nga nagiging alipin ako, di ba?

"Tsk." Lumabas na ng bahay yung kaibigan ni kuya Bobby. Hindi ko talaga maisip kung ano ba ang ginawa ko sa kanya para nagalit siya sa akin ng ganyan.

"Hello, ma'am. Binilin ho kayo sa akin ni sir Bobby."

"Naku. Hindi ako sanay na may inuutusan. Kaya ako na lang ang magluluto kung ano ang kakainin ko."

"Baka kasi pagalitan pa ako ni sir."

"Ayos lang – ang ibig kong sabihin ako na ang bahala kausapin si kuya pag-uwi niya mamaya."

Sa bandang huli ay pinayagan na ako ng maid na mag-luto ako ng kakainin ko. Makulit rin akong tao hindi nga lang halata. Paano ko naman papakita sa ibang tao ang pagiging makulit ko kung wala naman akong kausap.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon