21

1K 31 0
                                    

Inaantok ako habang nagtuturo ang professor namin. Wala na nga rin ako maintindihan sa sinasabi niya tapos boring pa niya mag-turo ng lesson.

Napatingin ako na may kumatok sa pinto kaya huminto sa pagtuturo ang professor namin.

Binuksan noong tao sa labas yung pinto. "Excuse me, sir."

"Yes?"

"May special guest ho ang pumunta ngayon sa school natin."

Special guest?

Ngayon pa lang may pumuntang special guest dito ah. Dahil nga may special guest daw na pumunta kaya umingay ang buong classroom.

"Quiet!" Sigaw nang professor namin. See? Kapag galit malakas ang boses pero kapag nagtuturo ang hina.

Pumusok na yung sinasabi nilang special guest dahilan napanganga ako. Literal nganga. Ano ang ginagawa niya rito? At saka paano niya nalaman kung saan ako nag-aaral? Stalker ko ba siya? Walang iba kundi si Kenma ang special guest.

"Okay, class. I would like you to meet mr. Kenma Gray." Sabi ng professor namin. Ayaw niya talaga gamitin ang Montecillo.

Wala ng kababaihan ang nakikinig sa professor namin noong pumasok si Kenma rito. Ayos! Ang ex husband mo naging heartthrob pa wala sa oras. Yes, ex husband ko na ngayon si Kenma at wala niisa sa mga kaklase ko ang may alam na kasal ako dati. Tinago ko ang tungkol doon dahil ayaw ko pag-usapan ang nangyari sa akin noon. Sikat si Kenma kaya paniguradong palagi siya ang nasa headline at wala akong pakialam doon. Napansin ko lang ibang iba ang aura niya ngayon kumpara noong huling kita ko sa kanya. Bumalik na ba ang dati niyang ugali? Ang masama niyang ugali.

Hindi ako makapag concentrate sa lesson namin dahil nararamdaman kong nakatitig lamang sa akin si Kenma. Para bang may balak siyang kainin akong buhay.

Pagkatapos ng klase namin ay nagsi-alisan na yung ibang kaklase ko. Ang ibang kababaihan lumapit pa kay Kenma at nagpapa cute sa kanya pero deadma lang. Nang lumabas na ang lahat na kaklase ko ay lumapit na ako sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo rito?"

"I am one of the sponsors of this school and I will come here whenever I want." Hindi na ako nagulat kung isa siya sa mga sponsors ng paaralan. "And I want to talk to you."

Kumunot ang noo ko. "Tungkol saan?"

Tumayo na siya. "Come with me."

Sumunod na ako sa kanya habang naglalakad sa hallway. Halos lahat na eatudyante napapalingon sa akin at sobrang ayaw ko ng ganito. Nakukuha ang atensyon mg iba.

"Sky–" Lumingon ako na may tumawag sa akin. "Keh! Kenma?! Ano ang ginagawa mo rito?"

"It's not your business, Levi."

Isang taon lamang si Levi sa ibang bansa bilang exchange student kaya ito pareho kami ng paaralan na pinasukan pero iba nga lang ang kurso namin.

"Skylar, let's go." Tumingin ulit ako kay Kenma at nauna ng mag-lakad sa akin.

Binaling ko ang tingin kay Levi. "Kailangan ko pang kausapin si Kenma."

"Okay. Hintayin na lang kita sa canteen." Tumango ako kay Levi at nagmamadali na akong sumunod kay Kenma.

Pumunta kami sa school's garden. Ang hilig niya talaga sa mga garden. Paborito niya siguro ang garden at saka wala masyadong pumupunta rito.

"Ano ba yung sasabihin mo sa akin? Sabihin mo na dahil ayaw ko mahuli sa susunod kong klase."

"I just realized that I really love you."

Hindi ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya. "Huh? Ano ulit ang sabi mo?"

"I said I love you."

"Huwag kang mag-biro ng ganyan, Kenma."

"Do I look like I'm kidding? I'm serious about it. Hopefully give me a second chance. I will do anything."

"Anything?" Biglang may naisip akong kalokohan.

Tumango siya. "Anything. Just give me a second chance."

"Okay, pero sa isang kondisyon."

Kumunot ang noo nito. "Anything. Tell me."

"Mag-salita ka muna ng Tagalog."

"What?! Why do you really want me to speak Tagalog?"

"Ang cute mo kung nagsasalita ka ng Tagalog."

"I am not cute."

"Sus, pakipot ka pa. Pero namangha ako sa accent mo noong narinig kita dati ng Tagalog."

"Did you amazed at my accent? Okay, I'll try."

"Huwag mong subukan, gawin mo." Tumingin ako sa cellphone para tingnan ang oras. "Kailangan ko ng pumunta sa canteen. Nagugutom na ako."

"I have to leave as well."

Nilagpasan ko na siya pero huminto ako ng may naalala pa akong sasabihin sa kanya. Lumingon ako. "No more English when we are together, okay?" Pati tuloy ako nagsasalita na ng English wala sa oras. Tsk. Dudugo pa ilong ko nito.

Nakita ko ang pag-tango niya kaya tumuloy na ako papunta sa canteen. Ang saya ko dahil mahal rin pala ako ni Kenma pero gusto kong patunayan kung nagsasabi ba siya ng totoo. Ayaw ko ng masaktan. Kapag seryoso talaga siya sa nararamdaman niya doon lang ako aamin sa kanya.

Pagkarating ko sa canteen ay hinahanap ko si Levi at nakita ko siya agad. Lumapit na ako sa kanya.

"Sorry kung ngayon lang ako." Umupo na ako sa harapan niya.

"It's okay. Ano ba ang pinag usapan niyo ni Kenma kanina?"

"Inamin niya sa akin mahal niya ako." Sabi ko.

Naibuga niya ang iniinom niyang tubig. "Pardon?"

"Kadiri ka ah."

"Sinabi mo ba na mahal ka niya?"

Tumango ako at nag-simula na akong kumain. Binilihan na ako ni Levi ng pagkain. Babayaran ko na lang siya mamaya. "Tama ang dinig mo."

"Hindi ba may girlfriend siya? Si Hannah pa ang girlfriend niya." Wala nga pa lang ideya si Levi na hiwalay na sila ni Hannah. Minsan lang kasi kami nagkakasama ni Levi dahil iba ang schedule namin. Ngayon lang kami nagkasabay sa pagkain dahil absent ang isang professor ko at professor rin niya sa isang subject.

"Ang sabi ni Kenma sa akin noon hiwalay na sila ni Hannah. Sa loob ng limang taon nasa Japan pala si Kenma."

"Japan ah? Ikaw itong asawa niya tapos ibang babae ang inaalagaan. Tsk."

"Wala tayo magagawa. Siya itong mahal ni Kenma, hindi ako. And correction, he is my ex husband."

"Oo nga pala hiwalay na kayong dalawa ngayon. Alam na ba niya ang nangyari sa'yo noon?"

"Alam na niya at nagsisi siya sa nangyari."

"Tsk. Nagsisi my ass. Susubukan niyang paiyakin ka ulit ay kukunin kita sa kanya."

"Thank you, Levi."

"Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Nangako ako kay lola na alagaan kita."

"Hindi ko maiwasang hindi sabihin salamat sa'yo. Nandiyan ka lagi kapag kailangan ko ng karamay. Kayo ni Maya."

Pagkabalik ko ng bansa ay pumunta muna ako sa bahay ni kuya Bobby kaso wala ng tao doon at ang sabi ng kapit bahay wala na daw nakatira sa bahay na iyon. Umalis na pala si kuya Bobby na hindi man lang sinabi sa akin kaya noong offical na kaming hiwalay ni Kenma ay wala na akong matitirahan pa. Sa tulong ni Maya kaya may nahanap akong apartment at part-timer rin ako.

•-•-•-•

I'm aware of my grammars

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon