15

1K 30 0
                                    

Tumayo siya at halatang hindi natutuwa sa sinabi ko. "What?! Are you crazy?! I'm not going to sign any annulment paper for your nonsense condition. You're the mother of my child!"

"Pero paano kapag nalaman ni Hannah na nagpakasal ka sa ibang babae? Siya itong masasaktan."

"That's my problem."

Ano ang problema niya? Hindi ba dapat matutuwa pa siya dahil may balak akong makipag hiwalay sa kanya. Ang gusto ko lamang maging masaya ang buhay ko, hindi ang ganito.

Pumunta na ako sa kusina pero nagtataka ako kung sino ang nagluluto ng mga pagkain. Kung pinag day off niya ang lahat na katulong.

Umupo na ako para mag-simula kumain. Pagkasubo ko sa pagkain ay hindi ko magawang lunukin. Agad akong tumakbo papunta sa lababo para i-labas ang sinubo kong pagkain.

"Ang sama ng lasa!" Pinunasan ko na ang bibig ko.

Ako na nga lang ang magluluto para makakain naman ako ng matinong pagkain.

Pagkatapos ko mag-luto ay nilapag ko na sa table at nag-simula na ulit kumain.

"I see..." Tumingala ako sa kanya pero tumingin ako kung saan siya nakatingin. Doon sa pagkain nakahanda kanina na hindi masarap.

Napansin kong ang daming band-aid sa kamay niya kahit sa mga daliri nito. "Ano nangyari sa kamay mo?"

Agad niyang tinago ang kamay niya sa likuran. "Nothing." Tumalikod na ito sa akin. "Enjoy eating and don't forget stay healthy for the baby."

Huwag niyong sabihin sa akin si Kenma ang nag-luto ng mga nakahanda kanina. Oh my gosh!

"T-Teka."

Lumingon siya sa likuran. "What do you want?"

"I-Ikaw ba ang nag-luto ng mga ito?"

"What if yes? What will you do?  I know the taste is bad."

Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa nalaman. Kada sugat-sugat ang mga kamay niya para pag-lutuin niya ako ng makakain pero nilait ko lang iyon.

"Alam mo pwede kitang turuan kung paano mag-luto."

"No need because I will be busy starting tomorrow. It is been a while since the last I visited the Gray Airline and they need me there."

"I see..." Nalulungkot ako dahil mag-isa na pala ako simula bukas. Ayos lang sanay na ako mag-isa.

"Come to my room after." Sabi niya bago umalis sa kusina.

May kailangan siguro sa akin kaya pinapupunta ako sa kwarto niya. Ang sabi pa niya sa akin kahapon tatawagin niya lamang ako kapag may kailangan siya sa akin. Baka gusto niya ulit may mangyari sa amin pero sa kwarto naman niya. Solo namin ang bahay niya dahil kaming dalawa lang ang nandito ngayon. Ni hindi ko nga alam kung kailan babalik ang mga katulong niya o baka ako na ang uutusan niyang sa gawaing bahay.

Pagkatapos kong kumain pumunta na ako sa kwarto niya. Bago pa ako pumasok ay kumatok muna ako baka magalit pa sa akin si Kenma kung basta-basta na lang ako pumasok sa loob.

"Come in." Sabi niya kaya pumasok na ako. Mamangha ako dahil ngayon pa lang ako pumasok sa kwarto ng ibang tao at ganito pala ang itsura ng kwarto niya. "Have a seat."

Umupo ako sa solohang sofa. "Bakit mo ko pinapupunta rito? May kailangan–"

Umupo siya sa kama niya. "Yes, there's something I want to ask you."

"Ano yun?"

"Here." May inabot siya sa aking papel. Isa pala iyong music sheet na may mga nota. Ang ginawa pala niyang kanta ito. "Is this song good enough?"

"Pero wala akong alam sa ganito kaya hindi kita matutulungan."

"Let me sing this to you. Listen carefully." Nag-simula na siyang kumanta. Di mataas o mababa yung pag-kanta niya. Iyong tama lang at ang sarap sa pandinig. "How is it?"

"Um, okay naman yung kanta. Ang sarap sa pandinig."

"I'm glad. Actually, I dedicated this song to someone else." Sabi niya.

Kanino kaya niya ialay yung kanta? Aish... Bakit ba ako nagtatanong pa kung alam ko naman kung sino. Siyempre, kay Hannah.

"I will dedicate this song to our child when he is here." Kumurap ako ng makita kong ngumiti siya. Uso pala ang ngumiti sa kanya kahit tipid lang iyon.

Hindi na ako sumagot dahil ang importante mahal niya rin ang anak niya.

"There's one more I want to ask you."

"Ano naman yun?"

"Do you love me?"

"Huuuh?!" Nagulat ako sa tanong niya sa akin. Hindi ako handa na ganoon ang gusto niyang i-tanong sa akin.

"I said, do you love me?" Ulit niya.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin bakit mo naman naitanong sa akin ang ganyang bagay?"

"Do you love someone else?"

"Err..." Tumango ako sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin kay Kenma ang totoo. Ako rin ang masasaktan. "Meron na nga."

"I see... Levi?"

"Huh? Hindi si Levi."

"Or maybe one of his friend."

"Wala kahit sino sa kanila. Mga kaibigan ko lang sila. Sila ang naging kaibigan ko simulang pumasok ako sa paaralan."

"Hmm..." Tumango siya. "Do I know this guy?"

Kibit balikat ako. "Siguro."

Paano mo naman hindi makikilala kung ikaw ang taong iyon. Kaso ayaw kong sabihin sa'yo. Isang sikreto na ako lang ang nakakaalam.

"Seems like you don't want to tell me who is it. Okay, then. Can you tell me about you?"

"Alam mo namang lumaki ako sa bahay ampunan."

"Aside from that."

"Tinalikuran ako ng sariling kong ina noong sampung taong gulang pa lang ako kaya lumaki ako sa bahay ampunan."

"Do you have any news about your mother? Where is she right now."

Umiling ako. "Wala akong balita tungkol sa kanya simulang iniwan niya ako sa bahay ampunan. Kung hindi ako inampon ni kuya baka wala ako kung ano meron ako ngayon. Maliban dito ah."

"Do you regret of what happened to you, right now?"

"Regret? Meron. Kung kaya ko lamang bumalik sa nakaraan ay baka noon pa lang ginawa ko ng lumayo sa'yo. No offense."

"No worries. I understand."

Bakit ganoon? Ibang iba ang Kenma nasa harapan ko ngayon kumpara sa nakilala ko noon? Ano ba talaga ang ugali niya? Wala pa ako masyadong alam tungkol sa kanya maliban sa composer at CEO ng isang airline. Gusto ko rin siya makilala pero alam kong hindi niya ako sasagutin.

"Pero hindi ako nagsisi na dumating ang anak natin kahit wala sa plano. Ni hindi nga natin mahal ang isa't isa. Ikaw, gusto rin kita makilala."

"I forgot I really need to wake up early tomorrow." Tingnan mo ito kapag siya ang nagtatanong sa akin sinasagot ko pero kapag ako ang nagtatanong sa kanya umiiwas siya o hindi ako sinasagot. Ang daya niya.

"Sige, balik na ako sa kwarto. Good night."

"No. Stay here for tonight."

•-•-•-•

I'm aware of my grammars.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon