5

1K 35 0
                                    

Kinakabahan ako pumasok sa classroom. Hindi ko kasi alam ang ugali ng magiging classmates ko. Matapobre ba o hindi. Hindi ko nilalahat ang mga mayayaman ay mayayabang at minamaliit ang tingin sa mahihirap. May mayaman rin na mabait kagaya ni kuya Bobby.

"Excuse me." Tumingin ako sa nag-salita. Siya siguro yung teacher ko sa unang klase. "Ikaw ba yung bagong estudyante?"

Tumango ako. "Ako nga po."

"Pasok ka. Huwag kang mahiya."

Binuksan na niya yung pinto at sumunod na sa kanya sa loob. Tumahimik yung mga estudyante.

"Okay, class. May bago tayong classmate ngayon." Tumingin sa akin ang teacher ko. "Pakilala ka na."

"Um, ako nga pala si Skylar Rivera."

"Okay, Skylar doon ka na umupo." Tinuro niya ang bakanteng upuan.

"Okay po." Pumunta na doon at tiningnan na muna ang magiging katabi ko. Abala siya sa make-up.

Mukha na siyang espasol sa sobrang kapal nang make-up.

Tumingin siya sa akin nakakunot ang noo. "Ano ang tinitingnan mo diyan?"

Umiling ako. "Wala."

Hindi naman ako sinabihan bawal na pala tumingin sa ibang tao ngayon. Hay naku, sabi na nga ba mas bagay dito sina Linda at Karen dahil magkakasundo rin nila ang ibang estudyante dito.

Nakikinig ako sa discussion ng mga guro namin dahil kailangan ko rin humabol sa lessons nila. Sobrang late na ako nag-enroll. Tumingin sa paligid ko kung may manghihiram ba sa akin ng libro. Hindi ko pa kasi nakukuha yung libro dahil ayaw kong mahuli sa unang klase.

"Here." Tumingala ako dahil may libro sa harapan ko at may isang binata nakangiti sa akin. "Papahiramin ko sa'yo yung libro ko."

"S-Salamat."

Ang cute niya. Ano kaya ang pangalan niya? Gusto ko makipag kaibigan sa kanya.

"Bro, pahiram naman ako ng libro mo." Sabi niya doon sa katabi niya.

Dahil lunch break na imbes sa canteen ang punta ko ay kukunin ko na lang ang mga libro ko. May binigay na allowance sa akin si kuya Bobby pero ayaw kong gastusin. Dagdag sa ipon ko ito at kaya ko naman tiisin ang gutom ko hanggang matapos lahat na klase ko.

Bumalik ako kaagad sa classroom para ayusin ang mga libro ko sa bag.

"Hi." Tumingala ako. Siya yung lalaki nagpahiram sa akin ng libro kanina.

"Hello."

"Ako nga pala si Levi." Nilahad niya ang kanyang kamay.

Tinanggap ko ang kanyang kamay. "Skylar."

"Nice to meet you, Skylar." Pinarap niya ang upuan sa akin bago siya umupo. "Bakit ngayon ka lang nag-enroll?"

"Nagkaroon kasing problema sa amin." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung saan ako galing.

"I see. Sa daming paaralan sa Pilipinas mabuti dito mo naisipang mag-enroll. And you know what... I like you."

Ay, grabe siya. Ngayon pa lang kami nagkakilala. He likes me na agad.

"I mean, I like you be my friend."

Sus, nag-assume ka naman agad, Sky.

"Sige, walang problema na maging kaibigan tayo."

"May five minutes pa bago matapos ang lunch break natin. Kwento ka tungkol sa'yo."

"Boring ang buhay ko."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya galing ako sa bahay ampunan at baka mawalan pa ako ng kaibigan. Siya na nga lang ang kilala ko rito.

"Bro." Tumingin ako sa bagong dating na grupo ng kalalakihan. "Aba, pinopormahan agad ni Levi yung transferee."

"Gago. Nakikipag kaibigan lang ako sa kanya."

"Sus, diyan din ang punta niyong dalawa."

"Siraulo ka talaga." Sabi noong isang lalaki.

Tumingin sa akin si Levi. "Skylar, sina Brandon, Mario at Trey. Mga kaibigan ko sila."

"Hello sa inyo." Nakangiting sabi ko sa kanila at tumingin ako sa isa nilang kaibigan. Trey yata ang pangalan niya. Naalala ko sa kanya yung kaibigan ni kuya Bobby na hindi marunong ngumiti – teka nga bakit ko ba naalala ang lalaking iyon?

Nakikinig ako sa klase namin sa hapon hanggang matapos na ang lahat na klase namin.

"Hatid ka na namin, Skylar." Yaya ni Levi sa akin.

"Salamat pero may sundo ako."

Hinintay ko na yung driver sa waiting sched. Hindi ako katulad sa mga estudyante dito na may cellphone. Panigurado ang iba sa kanila brand new ang cellphone o yung lastest.

"Hoy!" Tumingin ako sa nag-salita at may isang grupo ng kababaihan ang nasa harapan ko. Siya yung babaeng katabi ko. "Kabago bago mo rito may balak ka pang agawin sa amin si Levi at ang mga kaibigan niya."

Ano daw? Wala akong inaagaw sa kanila. Kung may gusto sila kay Levi at sa mga kaibigan nito ay ibibigay sila sa kanila ng buong buo. Gusto ko lang nang kaibigan, hindi nobyo. Nangako ako kay kuya Bobby na mag-aaral ako ng mabuti.

"Wala akong inaagaw sa inyo."

"Aba, sumasagot ka sa akin ah!" Hinila pa niya ang buhok ko.

Hinawakan ko siya sa may wrist. "Aray. Binitawan mo ko. Wala naman akong ginagawa sa'yo."

"Mang-aagaw ka!" Sigaw niya.

"Brigitte!" May narinig akong boses pero hindi ko na iyon pinansin.

"Naku, Brigitte. Bitawan mo na ang buhok ni Skylar." Rinig kong sambit ni Brandon. Nandito pala yung magkakaibigan.

"Tsk. Hindi pa ako tapos sa'yo." Binitawan na niya ang buhok ko.

"May iba pa bang ginawa sayo si Brigitte at ang mga kaibigan niya?" Naluluha akong tumingin kay Levi.

"Maliban sa pag-hila niya sa buhok ko. Tinawag niya rin akong mang aagaw kahit wala naman talaga akong inaagaw sa kanya."

"Ugh." Napasapo ng noo si Levi. "Mukhang ako ang dahilan kung bakit nagalit sayo si Brigitte."

"Naku, bro. Ikaw talaga ang may kasalanan kung bakit patay na patay sa'yo si Brigitte." Sabi ni Mario.

"Sorry sa nangyari kanina, Skylar. Pangako hindi na mangyayari ang nangyari kanina." Tumingin siya sa mga kaibigan niya. "Dito na muna tayo habang wala pa yung sundo ni Skylar. Baka bumalik pa si Brigitte."

"Mabuti pa nga." Sabi ni Brandon.

"Trey, hindi ka ba napapanisan nang laway diyan? Kaninang umaga ka pa hindi nagsasalita." Ani Mario.

"Ano ang gusto mong sabihin ko?"

Tahimik lang akong nakikinig sa mga kalokohan nilang apat. Sikat pala sa campus ang grupo ni Levi kahit ang mga bakla ay napapatili sa tuwing nakikita sila.

"Ma'am Skylar." Tumingin ako dahil nandito na pala yung driver. "Pasensya na ho kung ngayon lang ako nakarating. Naipit ako sa traffic."

Tumayo na ako. "Ayos lang po iyon." Humarap ako sa grupo ni Levi. "Salamat sa inyo. Kailangan ko ng umuwi."

"Sige, ingat." Binaling na niya ang tingin sa mga kasama niya. "Uwi na rin tayo."

Tahimik lamang ako habang nasa biyahe kami ng driver. Sanay na akong inaapi ng ibang tao at hindi na ako magugulat kung isang araw gagawin rin nila akong alipin.

Buhay Cinderella nga talaga ang nangyayari sa akin. Ang daming may galit sa akin. May sumpa siguro ako.

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon