25

976 28 0
                                    

Nagugulat na nga lang ako na sa tuwing umuuwi si Levi galing sa paaralan ay may inaabot siya sa aking notebook. Hiniram daw niya iyon sa kaklase ko para makatulong sa akin kahit hindi na ako pumapasok. Hindi na rin ako nag-enroll ngayong semester baka kapag pumasok ako ay tutuksuhin lamang ako ng ibang estudyante sa sitwasyon ko ngayon.

Ang sabi pa niya sa akin:

"Humingi rin ako ng tulong sa mga professor natin at handa silang tulungan ka para pag-aaral mo."

May binigay rin siyang handout ng mga lessons sa ibang subject ko. Kahit nasa bahay at walang masyadong ginagawa sa trabaho ay binabasa ko ang binigay na handout ni Levi sa akin.

"Alam ng lahat na girlfriend ka ni Kenma at sigurado akong may ideya kang isa si Kenma sa mga sponsors ng paaralan."

Nagpakawala ako ng hangin. "Girlfriend..." I mumbled. Hindi ko alam kung girlfriend pa rin ba ako ni Kenma pagkatapos nangyari noon pero hindi naman kami nag-hiwalay talaga. 'Di pa ako nakipag hiwalay sa kanya official. Ibig sabihin girlfriend pa niya ako, kaso wala na akong pakialam sa kanya. Kakalimutan ko na ang tungkol kay Kenma. Hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko.

"Ate Sky." Tumingin ako kay Maya ng tawagin niya ako. "Nandito si kuya Kenma. Gusto niyo ba siyang makita?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "A-Ano ang ginagawa niya rito?"

"Kausap niya si Levi para humingi ng tulong. Mukhang hinahanap ka ni kuya Kenma. Si Levi lamang ang pwede niyang mahingan ng tulong."

"May alam ba siyang nandito ako?" Sana nga lang hindi sabihin ni Levi nandito ako ngayon. Ayaw kong makausap o makita si Kenma.

Nag-kibit balikat si Maya. "Mukhang wala naman siyang alam. Kung meron man sana kanina pa siya nandito ngayon."

Nagugutom pa naman ako ngayon kaso hindi ako makababa. May tsansang makita ko siya rito ngayon. Hihintayin ko lamang na umalis siya bago ako bumaba para kumain.

Mag-aaral na muna ako ng latest lecture na binigay sa akin ni Levi at doon ko rin naalala na bukas pala ang check up ko sa doctor.

May luhang pumatak sa papel na hawak ko. "Huh? Bakit ako umiiyak?" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil siguro naalala ko yung mga panahong kasama ko si Kenma sa check up dati. Masaya ako dahil kasama ko siya sa check up pero ngayon – No, no! Hindi ko na siya kailangan sa buhay ko.

"Sky." Tumingala ako at nakita ko si Levi nakasandal sa pader. "Naiintindihan ko ang sitwasyon mo pero naawa na rin ako sa pinsan ko."

Kumunot ang noo ko. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Ayaw kong bigyan ka ng problema o kung ano pa pero sa nakikita ko mahal ka talaga ni Kenma. Hindi ko sinabing bumalik ka sa kanya. Na sa'yo kung gusto mo bang makipag kita sa kanya o hindi."

"Ano ang pinag usapan niyo kanina?"

"Humihingi siya ng tulong sa akin kung saan ka mahahanap dahil pumunta siya sa apartment mo noong isang araw pero wala ka daw doon. Pumunta rin siya sa school at kinausap ang isang professor at sinabing hindi ka nag-enroll. Siyempre bilang kaibigan mo at sinabihan mo kami ni Maya na huwag namin sinabi sa kanya nandito ka kasama namin. Respeto na rin kung ano ang desisyon mo." Tumabi si Levi sa akin sa kama. "Sa totoo lang ngayon ko pa lang nakitang umiyak si Kenma.

Bakit ganoon nakaramdam ako ng guilt sa nangyari? Umiling ako. Hindi, kailangan siya ng anak niya.

"Bakit pa niya ako hinahanap? Mas kailangan siya ng anak niya."

"Isa pa 'yan. Kaya kailangan mo siyang kausapin."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

Tumayo na ito. "Mas mabuti pang sa kanya mo marinig ang tungkol diyan sa tanong mo."

Her Almost Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon