Spade's point of view
"Really?," tanong ko kay Eon.
"Yes," sagot niya bago umahon sa pool at naupo sa gilid. "The scar on his right cheek was because of the car crash my father, him and father's husband went through. Inside job iyon at galing din sa Fuentabella ang nag-utos na gawin iyon sa kanila. Narinig ko rin na kapatid ni Papa ang gumawa noon at siya yung pumalit sa pwesto ni Papa sa Falcon. Nagkagulo nga noon dahil gusto niyang solohin ang mga illegal transaction at binagga niya ang iba pang bird of preys. Halos mawala na nga ang Falcon noon dahil na rin sa war sa pagitan nila at ng tatlong ibon. After his training, bro killed our uncle and take over the Falcon which was he's in the first place. Binago niya ang pagmamalakad at wala pang halos isang taon ay nanumbalik ang dating Falcon at pagsasamahan ng mga bird of prey. You see? Kaya masyadong respetado ang kuya sa kanyang mga nasasakupan. Though his dangerous, he has a good heart," sabi niya.
"But his still scary. I saw him shot two person in front of me," sabi ko.
Ngumiti ito sa akin.
"Like I said, he only kill with reason. Baka naman may ginawa yung dalawang iyon na hindi mo alam," sagot niya sa akin habang nilalaro-laro ang tubig sa pool.
"Well, meron. Sila kasi yung dahilan kung bakit na bankrupt yung negosyo namin. Masyadong malaking pera ang ninakaw nila sa amin,"
"See? Baka naman kasi alam na ni Bro yun kaya niya nagawa iyon. Pero kahit na ganoon ang kuya, he still have soft heart. Nakatago lang iyon sa pagiging poker faced niya,"
Muli akong lumangoy pabalik-balik bago umahon sa tubig at saka nagsuot ng roba.
"Eon," narinig kong sabi ng bagong dating na si Draken habang tinatali ko noon ang tali ng aking roba.
Nakita kong namula ang mukha ni Eon bago niya tinignan si Draken.
Aw. There's something between them.
"Iniutos ni Boss na ipaligpit ang inyong gamit dahil babalik na tayo sa Pugad," sabi niya habang nakatingin ito sa kanya.
"Okay," tila nahihiyang sagot ni Eon.
Pagkarinig niyon ay bakit may bahagi ng aking dibdib ang nalulungkot?
Bakit parang ayoko siyang umalis?
Wait what! Ano ba itong nangyayari sa akin? Kasalanan ito ni Zhask e.
Bumukas ang pintuan ng aking silid bandang alas dose ng gabi. Hindi pa ako natutulog dahil kausap ko si Mama.
Nakita kong nagtanggal ng shirt at short leaving his boxers on si Zhask. Nahiga ito sa aking tabi at saka naglagay ng braso sa kanyang noo. Naaamoy ko ang espirito ng alak sa kanya at nahihinuha kong baka lasing or nakainom ito.
"I'll take you home at dawn. I already transfered the money in your account," sabi niya.
"T-thank you," kiyeme kong sagot.
Bakit ba kase kapag kausap ko itong taong ito ay parang nawawala ang pagka-masculinity ko?
Ganun na ba ako kahina pagdating sa kanya?
Nakaramdaman kong tumagilid ito paharap sa akin at hinila ako pahiga bago iniyakap ang kanyang kanang kamay sa aking bewang. Pakiramdam ko ay hindi ako nakagalaw sa ginawa niya.
"You know I tried hard not to touch you. But damn, I can't take it anymore," bulong niya sa akin bago ito pumatong at sinakop ang aking mga labi.
Gosh, his a damn good kisser. Ang hirap tanggihan ang isang kagaya niya.
BINABASA MO ANG
Suit And Tie (BL) Book 1 (rewritten)
ActionMikaeel and Spade were high school sweethearts from Stanford High for boys school. For Spade, he is not gay but for his Mikaeel, its exception. But he was caught in car accident and later on made him forget about everything including his precious M...