Chapter 2

2K 102 0
                                    

Automatiko akong napatingin kay Maxim.

"Chill. Inhale and exhale. Huwag kang pahalata na takot ka. Act normal sabi ko 'di ba?" sabi niya.

At iyon nga ang aking ginawa.

"T-this way p-please sirs," medyo nanginginig sa sabi ko sa apat flashing my nervous smile.

Hindi sana ako makilala ni Spade.

Sino ba naman ang hindi matatakot? Halimaw ang mga ito at isa pa, kanina pa nakatingin ng masama si Spade at nakakatakot na tingin ang binibigay niya sa akin.

Pero hindi ako tumingin sa kanya. In fact iniiwasan kong magtama ang aming mga mata.

Sa isang private room pinadala ang apat na para talaga sa kanila. Nakasunod naman sa amin ang apat na sarili nilang butlers na pinaghila pa sila ng upuan.

Inilapag ko sa harapan nila ang mga menu at dali-daling nagpaalam.

"Please call us if you are done choosing food, sirs," sabi ko bago nagmamadaling lumabas at isinara and sliding clear door ng special room.

Sinalubong ako ni Maxim at kinamusta.

"Eto buhay at naka-survive," sagot ko sa kanya.

"Chill ka lang Mika. Huwag mong ipahalata na may na kinakabahan ka," aniya pa.

Nakita kong sumenyas si Xin at nagmamadali akong pumasok sa loob.

"Have you decided sirs?" nakangiting tanong ko confidently pero alam kong maputlang maputla na ako na para bang uminom ako ng isang galong sukang puti.

Sinabi nila ang order nila habang sinusulat ko ito.

"And please serve us your best wine," sabi pa ni Spade.

"Okay, wine got it. Anymore sirs?" tanong ko.

"Wala na," sagot ni Rui.

Magalang akong nagpaalam sa kanila bago mabilis na naglakad patungo sa kusina.

Ilang minuto lang ay i-sinerve na ang order nila ng mga ibang maids namin. At maya-maya lang ay nagsimula na silang kumain.

"See? Sabi ko sa iyo e. Chill lang."

"Oo nga. Salamat sa iyo," sabi ko sa kanya.

Patuloy ang pase-serve namin sa mga dumaraming customers. At syempre pa upang masulit naman ng bayad nila, libreng papictures ang naging souvenirs nila mula sa amin.

"Thank you for coming."

Halos mag gagabi na ng matapos festival.

Pabagsak kaming napaupo sa at saka napabuntong-hininga.

"Thanks goodness at natapos na rin," sabi ng mga kasamahan namin.

"Magsasara na tayo hindi ba? Bakit nariyan pa sila?" tanong ko sa kanya habang nililigpit ang mga utensils na nahugasan na.

Napakamot ng ulo si Maxim. Maging siya ay nagtataka rin. Ayaw naman niyang magtanong baka magalit ang mga ito sa kanya.

"Pinauwi ko na yung ibang staff. Tayo na lang ang natitira," sabi niya.

"Gusto ko ng magpalit ng damit. Naiinitan na ako."

"Huwag. Baka mamukhaan ka ni Spade. Better safe than sorry hindi ba?" aniya.

"More wine please!" narinig kong sabi ni Topaz na siyang nagpagulantang sa amin.

Dali-daling kaming lumapit ni Press sa kanila.

Suit And Tie (BL) Book 1 (rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon