Chapter 22

1K 53 7
                                    

Spade's point of view

"Ma, lilipat lang tayo ng bahay. We are not safe here anymore," sabi ko kay mama habang lulan kami ng SUV noong nagtanong ito kung saan kami pupunta. "At saka mas makakabuti kay Rina yung pupuntahan natin,"

Hindi na umimik si Mama. Kumapit na lamang siya sa aking braso. There's no way na sasabihin ko sa kanya kaya kami lilipat ng bahay ay dahil sa akin at may nagbabadyang panganib because of Zhask's enemies.

"Ma please," naiiyak kong sabi sa kanya. "You'll be safe there. I promise," sabi ko sa kanya kung bakit hindi ako pwedeng sumama.

"Pero anak bakit kami lang ni Rina? Saan ka pupunta?," umiiyak na sabi ni Mama.

"He'll be with my Boss Nanay. I guarantee you na magiging safe siya sa amin," sabi ni Draken sa kanya.

Nagpahid ng luha si mama at saka yumakap ng mahigpit sa akin.

"Huwag mo lang kaming kalimutang bisitahin anak ha? Mahal na mahal ka namin ni Rina,"

Yumakap ako ng mahigpit kay mama pagkatapos ay humalik ako sa noon ni Rina na noon ay hindi pa nagigising.

Pinanood ko silang umakyat patungo sa jet kung saan ay dadalhin sila nito sa America at doon na maninirahan for good. Zhask made sure na napapalibutan sila ng mga trusted niyang mga tauhan specially may babaeng nag-ngangalang Mikey na kasama nila mama doon. According to Draken, Mikey's the top best lady killer sa grupo nila. And my family will be safe with her.

"Saan tayo pupunta, Draken?," tanong niya noong nakasakay na kami ng isa pang jet kung saan ay iba namang direksyon ang pupuntahan namin.

"To the Pugad," tipid nitong sagot bago chineck ang loob ng Jet.

"Anong pugad? What the hell is that?," tanong ko.

"Headquarter. That is the place  where my Boss lives. You can call it palace if you like," sagot niya habang binubuksan niya ang mga build in cabinet.

"Ah. Pero ano bang pinggagawa mo? Kanina ka ba bukas ng bukas kung anu-ano dyan,"

"Checking. This is my job. Before the Boss will ride on any of his jets, I check it first for safety. You will never know if someone might sabotage the jet," sagot niya.

Make sense.

Tumango na lang ako sa kanya at saka  tahimik na naupo na lang.

This jet is the epitome of luxury and wealth if you ask me na nakikita ko lang dati sa mga magazine at Tv before. Para itong maliit na cabin at kumpleto ito sa gamit. From big sofa bed to expensive wines, lahat niyon ay nasa loob ng jet. Plus the jet itself is expensive already.

How rich is Zhask exactly?

"Draken," sabi ko.

"Yes princess?,"

"Anong klaseng tao si Zhask?,"

"Interested already?," panunudyo niya sa akin habang nakatingin.

Bigla ako nakaramdam ng pamumula dahil sa klase ng pagtingin niya sa akin.

"No! Not like that okay? I just want to know uhm if anong klaseng tao siya," namumulang sabi ko.

"He's a good man. He cares a lot for his men and their family. He purchased lands so he can built houses for them. He also funded their children's education and when one if us dies, he'll make sure that the family is well provided. But of course, the Boss can be heartless and cruel too. You don't wanna know how many he had killed and the way he killed them," sagot niya.

Suit And Tie (BL) Book 1 (rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon