Chapter 3

1.7K 93 0
                                    

Spade

"What the hell is wrong with you!?" nanggagalaiting tanong sa akin ni Dad ng makauwi ito galing sa ospital kung saan naka-confine si Clyde.

Hindi ako umimik. Alam kong sesermunan lang naman niya ko na halos araw-araw niyang ginagawa.

"Clyde's parents are important partners of mine in our business at dahil sa ginawa mo, nanganganib na umatras sila sa project na itatayo namin. Hindi porke't anak ka ng isa sa may-ari ng Stanford at pwede mong gawin lahat ng gusto mo. Spade, hindi mo pag-aari ng buhay ng mga nag-aaral doon kaya hindi ka pwedeng manakit. Ilugar mo ang kayabangan mo or else, ipapadala kita kay Uncle Garnet mo," sabi pa niya sa akin na ikinainit ng ulo.

"Don't you dare! Ayokong makisama sa baklang iyon," pasigaw na sagot ko kay Dad earning me a slap on the face.

Nakita kong galit na galit na ngayon si Dad.

"Oo bakla si Garnet pero hindi siya naging katulad mo. May dignidad siya at alam niyang lumugar sa tama unlike you, hindi ko alam kung saan ka nagmana o kung bakit naging black ship ka ng pamilya Spade. I am disappointed at you. And it's a shame I am your father and you are my son."

"Niko, huwag namang ganyan," sabi ni Mommy na nakikinig lang sa amin ni Dad.

"Look Suzie masyado mong na-spoiled ang batang iyan kaya lumaki ang ulo at tinubuan ng sungay. Now hindi na maputol ang sungay niya at ngayon ay nanunuwag na. What a big disappointment," iyon lang ang sinabi ni Dad bago tumalikod at umakyat na sa hagdanan.

That hurts. A disappointment. 

Bumuntong-hininga si mommy habang nakatingin sa akin bago sumunod kay daddy sa itaas.

Nakuyom ko ang aking kamao.

Hindi naman ako ganito dati. Isa akong mabait at masunurin na anak noon noong simple pa lang ang buhay namin. Noong hindi pa nag-take charge si Daddy sa negosyong naiwan ng Lolo na ama niya. Dad wants a simple life lang noon kaya pinakasalan niya si Mommy na noon ay anak lamang ng isang government employee. Okay naman yung buhay namin. Masaya at kuntento kahit na hindi kami mayaman. 

Nagbago lang ito noong minana niya ang negosyo ng Lolo ng pumanaw ito. May kapatid si Dar na si Uncle Garnet, na successful businessman sa abroad. Kilalang galing sa Mafia clan si Lolo at may posisyon ito doon na kung saan ang pangatlong kapatid naman nilang si Azure ang pumalit.

Parehong walang interest ang dalawa sa naiwan ni Lolo kung kaya si Daddy na ang umako sa lahat at simula noon ay nawalan na siya ng oras sa akin. When I was twelve, doon na akong nagsimulang magrebelde. And since then para kay Daddy, isa akong malaking disappointment.

Namayagpag ako sa Stanford kasama ang tatlong iba pa. Kami ang naging siga doon at wala kaming kinatatakutan. Bakit pa? Eh kami ay may kapangyarihan doon. Kinatatakutan kami ng mga estudyante at mga guro roon. Kung trip namin mambugbog, ginagawa namin. 

And that makes me satisfied.

Katulad noong isang araw. Badtrip ako noon habang naglalakad sa corridor ng building one nang binangga ako. Normally, susuntikin ko sana ang gumawa niyon ng walang imik ngunit ng makita kong isang babae na may kulay violet ang mga mata ang bumangga sa akin, nagpigil ako. Napamura na lang ako. 

Akala ko contact lenses iyong kulay ng mata ng Lolita maid na iyon ngunit nakita kong totoo ito. Bumagay sa kulay ng kanyang balat ang mukha niyang parang may lahing banyaga. For some reason, kumalma ako at akmang hahaplusin ang pisngi niya pero kumaripas ito ng takbo. Damn, parang hinaplos ng kung ano yung dibdib ko. Galit ako,oo. And I want someone to vent my anger out. I mean that maid calm the raging beast inside of me. 

Suit And Tie (BL) Book 1 (rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon