"What are you doing?," tanong sa akin ni Spade ng makita niya akong nagsusulat sa notebook na dinala ko sa isang sulok ng silid matapos niyang magpahatid ng milk tea at burger sa office ng Aces. Tanging siya lang ang walang ginagawa habang ang tatlo ay naglalaro ng mobile games.
Lumapit ito sa akin at naupo sa aking tabi.
"Trying to create new chocolate flavors. Something unique.," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga nabuong flavors na nailista ko. Ito kasi ang sinabi sa akin ni Maxim since siya ang president ng club namin. Ayon sa kanya ay yearly daw talaga ito ginawa at madalas bukas ag eskwelahan para sa lahat ng gustong pumunta. Madalas daw ay marami ang pumupunta.
"Para saan?,"aniya sabay kuha ng notebook na hawak ko.
"Sa food festival," sagot ko sa kanya.
"I knew someone that can help you", aniya bago ipinatong ang baba nito sa aking balikat. Bahagya akong namula sa ginawa niya. I mean ginagawa naman niya iyon at sanay na ako sa ganung gesture niya at ang pagiging clingy niya minsan pero kapag wala ang tatlo.
"S-sino?," tanong ko sa kanya bago tumingin sa mga kasama niyang mga nakangisi ng makahulugan.
"I'll take you to her tomorrow," sagot niya bago iniyakap ang mga kamay sa aking bewang.
"Spade ano ba," pabulong kong saway sa kanya. Nakakahiya sa mga kasama niya.
"Get a room," narinig naming sabi ni Rui.
Namula ako sa sinabi niya. I don't like him having a bad idea tungkol sa amin ni Spade. I'm not a gay.
"But you like the the kiss he gave you, hindi ba?," sabi ng munting boses sa aking isipan.
"Heck no!," sagot ko rito.
Tawa lang ang narinig ko mula sa tinig na iyon.
"Heh! Inggit ka lang," natatawang sabi ni Spade. Bumaling siya sa akin. "I'll pick you up tomorrow around eight," sabi pa niya.
"O-okay," sagot ko sabay tayo. Tapos na rin kasi ang break at kailangan kong bumalik sa klase ko. "Kailangan mo na ring bumalik sa klase mo para maka-graduate ka," sabi ko sa kanya sabay napalingon dito. Kailangan kong maihatid ito sa kanyang sariling classroom sa building ng mga Seniors. He needs to graduate. Iyon ang mahalaga.
Napakamot ito ng ulo.
"Yes sir!," sagot niya bago sumunod sa paglabas ko ng pintuan at maihatid sa classroom niya.
Eksaktong eight na ng umaga ng naroon na ang sasakyan ni Spade. Isang black sleek Mustang ang dala nito. I know because my uncle owned a car like that. I mean one of his collection. And it cost over ten million or more. Halos magkandabali-bali ang leeg ng mga estudyanteng nakatira sa iba pang room ng dorm doon sa kakatingin kung sino ang may-ari noon. One hundred percent kasi ng mga nakatira doon ay mga working students or scholars na hindi naman masyadong mayaman. At syempre ang makakita ng ganoong sasakyan ay isang malaking pagtataka para sa kanila.
Nagmamadali akong bumaba sa dorm bitbit ang messenger bag na may lamang notes.
"Hi. Kanina ka pa rito?," nakangiting tanong ko sa kanya ng makasakay ako sa backseat ng kanyang mustang.
"Nope. Kakarating ko lang. Bat ka dyan nakaupo? Nagmumukha tuloy akong gwapong driver mo," sabi niya sa akin. "Lipat ka dito sa passenger seat,"
Napakamot ako ng ulo at pagkatapos ay bumaba muli ko sa mustang at saka binuksan ang pintuan ng passenger seat at naupo roon.
Matapos kong ikabit ang seat belt sa aking katawan ay sinimulan na niyang buhayin ang makina ng sasakyan upang makaalis, kinabig niya ko palapit sa kanya at walang anu-ano ay hinalikan muna niya ako ng ilang segundo bago huminto at pinaandar na ang sasakyan paalis.
BINABASA MO ANG
Suit And Tie (BL) Book 1 (rewritten)
ActionMikaeel and Spade were high school sweethearts from Stanford High for boys school. For Spade, he is not gay but for his Mikaeel, its exception. But he was caught in car accident and later on made him forget about everything including his precious M...