Luke's POV
Nakubob lang ako dito sa lamesa ko. Hinihintay ko kasi si trixie. Hay makatulog na nga muna.
*sleeping*
Biglang may narinig akong ingay na nakapagpagising sa akin.
"Diba fianće na sya ni luke? Bakit may naka akbay? Sabi ni isa naming kaklase.
At napatingin naman ako sa pinto. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Damn it may naka akbay sa kanyang lalake at di ko kayang tingnan iyon. Alam naman nyang mahal ko sya pero bakit may pagkamanhid sya?
"Gaga malay mo bestfriend lang" sabi ng babae
"Wala naman siguro kay luke yan and fixed marriage naman sila so there's no string attached i guest?" Sabi ng isa
Naginit lalo ang ulo ko ng biglang inilapit nung lalaki kay Trixie ang kanyang mukha at bumulong. Nakakapanlumo dahil biglang tumawa si Trixie..
Habang papalit sila ay di ko na kinaya dahil na kakbay parin ang lalaking yon! Tumayo ako bigla bigla at padabog na umalis. Alam kong sumunod sakin ang mga kaibigan ko at tinatawag nila ang pangalan ko pero di ko pinansin.
Papunta ako ngayong H.O para mag inom. Potangina hindi naman sila pede maging mag boyfriend pero nagyakap sila at nagakbayan pa. Ako nga tong fianće hindi ko nagagawa yun. Tch.
Hindi ko naiintindihan tong nararamdaman ko. Oo mahal ko si trixie at ayaw kon makita na kasama nya ang lalaking yon!
Andidito na ako sa H.O at pumunta ako sa Bar counter, kumuha ako ng hard drinks at tumungga ng tumungga. Habang nainom ako ay nag iisp ako. Balak ko muna mag li-lo. Sobrang bigat ng makita mo ang mahal mong may ka tawanan, ka akbayan na ni minsan ay di ko nagawa!. Uminom ulit ako. Nakailang shots na din ako pero kaya ko pa.
Shit lang talaga. Di ko alam kung anong gagawin ko. Alam nang lahat na fianće ko si Trixie. Paguusapan sya dahil sa kanina. Akala ng iba ay fixed marriage ang nangyayari. Di nila alam mahal ko si trixie.
" luke? pre. Wag ka agad magalit sa kanya, let her explain her side" sabi ni Alex
"Tch."
-BLAGGGGGG!!!-
"Luke.." lumapit sakin si lance nung hampasin ko ng malakas ang table sa biglang galit na naramdaman ko.
"Damn shit lang tol, Kung may relasyon man sila anong laban ko dun? Ni ang magselos wala akong karapatan dahil di naman nya ako mahal. Ang alam nya lang ay dahil sa putanginang business yan!. Wala akong karapatang magalit tol. Yun yung masakit sakin e..andami daming tanong sa isip ko pero hindi ko maitanong! Yung gusto kong magwala pero hindi ko magawa! Lahat yun di ko magawa dahil hindi naman nya ako mahal! Malakas na sigaw ko "pati ung nararamdaman ko parang sa huli kasalanan ko parin! Damn it!
"Luke.." nagaalalang sabi ni Lance sa pangalan ko.. alam kong hindi nila alam kung anong gagawin nila at naiintindihan ko yun... pakinggan lang nila ang sinasabi ko okay na ako.
" di ba nya alam kung kano kasakit para sakin na makita syang natural na tumatawa sa ibang lalaki? Alam naman nyang mahal ko sya pero bakita parang di sya naniniwala? Ako lang naman ata ang talagang sang - ayon sa kasal na to!" sabi ko pa " ang da-daya nyo eh di kayo nainom" sabi ko habang malapit ng maubos ang alak sa bote.
Makalipas ang ilang minuto ay nahihilo na ako. Tumayo ako para kumuha ng isa pang bote sa bar counter ng biglang hindi ako makatayo ng maayos. Pagkakuha ko ng alak ay bumalik na ulit ako at uminom ng uminom hanggang sa makatulog ako.
*pok*
*pok*
"Luke..... gising" sabi ng pamilyar na boses ng babae
Pag mulat ko ay di ko inaasahang si Trixie ang makikita ko.
"Bakit ka ba naglasing? Tanong nya tunog nag aalala?
"Really? Di mo alam" sarcastic kong sabi
Magsasalita pa sana sya ng bigla ko syang hinalika. I can feel her lips against mine, it was so soft and hard to resist. Nakatingin lang sya saakin. I don't know but it feels like my first kiss. Nang tumigil ako ay
"W-why did you kiss me?" Nauutal nyang tanong
" wala. Bakit gusto mo ba ulitin ko?" Hamon ka sakanya. Di ko na sya pinagsalita.
I kissed her again. It was deep and I can feel her lips moving towards mine.
Tumigil ako at tumingin sa kanya.Nakatitig lang sya sakin parang may malalalim na iniisip. May tama na ako kaya may lakas ako ng loob na gawin yon.
" trixie, I don't want to see you with that guy again" sabi ko habang nakatingin sya sa akin
"Per-" di ko na sya pinatapos mag salita
"Walang pero pero. Ako ang fianće mo kaya ako dapat ang gagawa non" sabi ko at namula naman sya
Tumayo ako at bahagyang matutumba, napakapit ako sa upuan at bigla akong inalalayan ni trixie palabas. Hanggang sa parking ay nakaalalay sakin ang FIANĆE ko.
"Di mo kayang magdrivie sa lagay na yan Luke. Give me your keys. I'll drive you home." sabi nya
Kinuha ko naman sa bulsa ko ang susi at binigay sa kanya. Pinaandar na nya at minaneho papunta sa bahay.
Nang makarating kami ay nauna syang bumaba at inalalayan ako pababa ng sasakyan. Ipinasok nya ako sa bahay at inihatid sa kwarto ko.
Inihiga nya ako sa kama ko at tumawag ng katulong. Pakinig kong sabi nya
"Pakikuha naman po ako ng palanganang may tubig at towel" sabi niya
Nang makabalik ang katulong ay ibinigay nya na kay trixie ang palangana. Isinara na ni trixie ang pinto at lumapit sa akin.
"T-trixie" sabi ko
"Wag kang maibo, pupunasan kita para makatulog ka na" sabi naman nya
Hanggang sa pinunasan nya na ang mukha ko, nakatingin parin ako sa kanya. Bumababa ang kanyang punas sa aking leeg papuntang mga braso sa aking dibdib at pababa. Pinunasan nya rin ang aking mga paa at binti.
"Matulog ka na at uuwi na ako" sabi nya
"T-trixie t-thank you" nahihilo kong sabi
At ngumiti nalamang sya. Lumabas na sya ng kwarto ko at napatulog nalang ako.
(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)
Tweet me on: @miel_licious
YOU ARE READING
Love Changed Me
RomanceHe's cold, she's cold too. His life was quiet after she leaves without an explanation. After many years, she came back like there was nothing. He investigated it and find out that his love involved on a car accident. Vipers Series 1: Luke Mathew Fe...