Back to Normal

8 1 0
                                    

Luke's POV

Umuwi na sina hanz, alex at lance sa kanila pagkatapos nila kaming ihatid dito sa mansion.

Katabi ko lang naman si Trix kaya okay na okay ako. Kanina nya pa ako inaasikaso. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon habang tulog sya.

Nagising kasi ako kanina tapos naabutan ko syang tulog.

Habang nakatingin ako sa kanya ngayon ay iniisip ko ung gagawin kong pagbawi sa kanya bukas. May ipinangako ako sa kanya diba?

Nakita kong pamulat na ang mga mata ni trixie kaya dali dali akong nagtulog tulogan.

Pinakiramdaman ko sya.

"Andami dami mo ng ginawang kasalanan sakin pero mahal na mahal parin kita" sabi nya habang hinahawakan ang mukha ko.

Akala nya siguro tulog ako hayy

"Andami daming nagkakagusto sakin pero sayo parin pala ang bagsak ko mat-mat" patuloy nyang sabi habang natatawa.

Ako naman itong patuloy lang nakikinig.

"Na aalaala ko na yung mga panahon na nangako tayong dalwa na tayo parin sa dulo. Kaya pala nabilis yung tibok ng puso ko nung nagkita tayong muli pero di pa kita kilala." Maramdaming sabi naman nya

"Alam mo ba? Muntikan na akong sumuko sayo nung panahon na ayaw mo ko pakinggan? Sabi ko sa sarili ko na sana si Ace nalang yung minahal ko, pero nung nalaman kong nabaril ka ay nag alala ako ng sobra at na realize kong di ko pala kayang tiisin ka. Gusto ko lang naman ay matuto ka na sa isang pagkakamali pero hindi at inulit mo pa ulit dahil sa pride. Sobrang nasaktan ako sa mga salitang binitawan mo pero I chose to stay dahil mahal kita." Sabi nya at pakiramdam kong may tumutulong luha sa kanya

"Mahal kita Luke Mathew Fernandez, mahal na mahal" sabi nya at pakiramdam kong tumatayo na sya.

Pinakiramdaman ko ung mga yapak nya at ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ay tsaka ako dumilat.

At ngayon na lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Gustong gusto ko na sya kaninang yakapin pero pinili kog makinig na lamang. Sya lang talaga ang nakakapagpaiyak sakin sa mababaw na dahilan. Damn it mahal na mahal din kita Trixie, I love you until my death. I really do.

"Kung alam mo lang Trix, kung alam mo lang" Sabi ko habang nakangiti na naluluha.

————____————

Trixie's POV

Andito ako sa baba at nanunuod ng tv. Hihintayin ko lang bumaba si Luke. Alam ko namang gising yon habang may sinasabi ako kanina. Nagalaw pa nga adam's apple eh.

Oo nga pala papasok na kami bukas. Dami ng liban eh, Tuesday bukas hayy. Matatapos na ang maliligayang lakwatsa ko huhu.

Bibilang akong sampu.....

Isa...

Dalawa...

Tatlo....

Apat....

Lima....

Anim...

Pito...

Walo...

Siyam....

Sam-

"Love!!!" Sigaw ni luke sa taas at tumakbo palapit sa akin.

Sabi na eh, gising kasi kanina pa hahaha.

Sinalubong ko naman sya ng nakangiti at sabay...

"Arayyy, love bat naman ganyan? Di pa nga ako magaling tapos sinaktan mo na ako" paawang sabi ni luke.

"Eh ikaw kasi eh, sbai ng doctor bawal kang tumakbo tapos tumakbo ka papunta dito sa akin. Kaya kita binatukan ng magtimo ka!" sigaw ko habang natatawa

Nagpout lang si luke, ayyy ang cute. Kurutin ko nga.

"Araaaay!!, Love naman napapadalas ata ang pananaket mo saakin ahh?" Tanong nya

"Ayaw mooo!?" Sagot ko naman na parang nagtatampo na

"Okay lang pala loveee, masakit kang magmahal pero okay lang hehehe" sabi nya naman

"Nahiya ang hindi masakit magmahal ahhh?" sarcastic kong saad

Nagpeace sign lang naman sya at umupo na sa tabi ko.

"Love, pasok na tayo bukas diba?" Tanong ni luke sa akin

"Oo kailangan na dahil andami na nating liban kaya mag ayos ka huh?" Sabi ko habang naka ngiti

"Opo, yes love" nakangiti din nyang sabi at tumingin nalang sa T.V

Ganun din ang ginawa ko. Na alaala ko maguusap nga pala kami ni Sic. Papupuntahin ko nalang ba sya dito or uuwi muna ako sa mansion, tutal andun din naman bagahe ko eh. Ang parents ni luke ay nasa London, ang parents ko naman ay asa Korea kasama ng kuya ko.

Di ko pala nababanggit ung kuya ko, sya na kasi nagmamanage ng company namin sa Korea. Nga pala siya si Terrence Arries Takashi.

"Love, tulog nalang tayo? Amboring dito sa salas eh pangit palabas" sabi luke

"Tingin ko nga, btw bukas pala ng hapon uuwi ako sa amin" sabi ko

"Bakit naman?" Tanong nanaman nya

"Kukuha ako ng gamit ko, dinaretso mo ko dito eh. Andun maleta ko nung umalis ako dito." sabi ko nalang.

"Kahit muna tayo gutom na ako eh" sabi ko ulet, nagugutom na ulet ako eh ano magagawa ko

"Sige tapos tutulog na tayo after ha?" Sabi naman nya

..................

Dior's POV

"Dior everything is settled" sabi ni Hunter sa cellphone dahil tumawag sya

"Alright thank you" sagot ko

"Dior sigurado ah, may usapan tayo. Kailangan ko na yun" sabi naman nya

"Oo nga Hunter, di tayo mabubuking and you'll get your money tomorrow alright?"

"Yeah thanks!" Sabi nya at pinatay ang tawag

By hook or crook you'll be mine again Luke Mathew Fernandez. Nasa akin ang huling halakhak dahil babalik ka ulet sa akin.

..................

Luke's POV

Andidito na kami sa kwarto pagkatapos naming kumain kanina, amboring kasi sa salas. Pangit ng palabas, buti pa dito sa kwarto. Makakapagpahinga pa kaming dalwa ni trixie besides may pasok kami bukas.

Nakahiga kami ngayon sa kama at nakakaramdam na din ulit ako ng antok. Bago ako makatulog ay nag set muna ako ng alarm para magising kami bukas.

**************

*krinnnnng*

*krinnnnng*

Arggggh. Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Banat dito banat duon. Tiningnan ko katabi ko at napangiti ako. Si trixie na tulog paren hayy, gisingin ko nalang sya after ko maligo at magbihis tapos pa papreparw narin ako ng pagkain sa baba.

Bumangon na ako at pumasok sa banyo. Ginawa ko na lahat ng kailangan kong gawin sa banyo.

——————

Bihis na ako ngayon at tulog parin si Trixie. Papaluto muna ako sa baba ng pagkain bago gisingin si Trixie. And now the Operation Bawi To Trixie just started.

(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)

Tweet me on: @ miel_licious

Love Changed MeWhere stories live. Discover now