Hurt

9 0 0
                                    

Ace POV

"Ace sino ba talaga si dior sa buhay ni luke?" tanong ni trixie, pagkabukas ko ng pinto.

Oo alam kong iwas ngayon si luke kay trixie. Ayaw malaman ni luke ang dahil dahil ginagawan na nila lance,hanz at alexander ng paraan ang problema.

Expected ko ng itatanong to ni trixie.

"Ex nya lang yun" cool kong sabi

Planado na namin ang lahat. Alam naming lumipat na ng takashi university si dior kaya lilipat narin ako ng section. Sabi ni luke, alam daw nyang magagalit si trixie sa mang yayari kaya ako na daw ang bahala.

"Ahh kanina kasi kinausap nya si luke tapos biglang naging iwas si luke saakin." Sabi nya

Sorry trixie

"Baka wala lang talaga sa mood si luke, tara sasamahan kita." Sabi ko habang lumabas ng kwarto.

Naglalakad kami pababa ng makasalubong namin si luke. Tingningnan ako ni luke at alam ko na yun.

Trixie's POV

Arggggh naiiyamot ako kay luke. Kung mainit ang ulo nya, wag nya akong idamay. Shit sya. Okay naman kami kanina eh tapos biglang ganon.

Hay makatulog na nga lang ulit. May pasok na din naman tom. Kungiwas sya sakin edi ganon din ang gagawin ko.

"Ace tutulog muna ako. Lunes bukas eh" sabi ko

"Sige ihahatid nalang kita sa kwarto mo" sabi nya

Naglakad na ulit kami pabalik sa taas. Nandito na kami sa tapat ng pinto ng magsalita si ace

"Sabay ka na sakin tom. Lumipat ako ng classroom para makasama kita don" sabi ni ace habang nakangiti

"Sige sige, buti nalang"sabi ko

"Goodnight trixie, pahinga ka na"

"Goodnight din" sabi ko sabay smile

Isinara ko na ang pinto at pumunta na sa kama. Sa kakaisip ko kung bakit nagkanon si luke ay dinalaw na ako ng antok.

*kinabukasan*

*ringgggg* *ringgggggg*

Nagising ako sa tunog ng alarm. Six na ng umaga, sabay nga pala kami ni ace. Bumangon na ako sa kama at nagpunta ng banyo. Pagkalabas ko ay six-twenty five na. Nagayos agad ako ng mukha at lumabas na ng kwarto. Habang bumababa ng hagdanan ay natanaw ko agad si ace na kumakain. Ngumiti sya saakin at

"Trixie kain ka muna" sabi nya

"Sige gutom na din ako eh" sabi ko

Umupo na ako sa tapat ni ace na upuan. Nagsimula na akong kumain. Habang nakain ay naiisip ko si luke. Hay ano kaya talaga ang ngyari pakiramdam ko kasi ay may mali eh.

Nakita kong tapos na si ace kumain kaya mas binilisan ko. Ng matapos na rin ako ay nagyakag na si ace.

"Let's go" nakangiti nyang sabi

Tumango na lamang ako. Naglalakad na kami palabas ng pinto. Ng makarating kami sa garahe ay pinagbuksan ako ni ace nga pinto at ngumiti. Sumakay na rin sya sa driver's seat at minaneho ang sasakyan papunta sa aming university.

Makalipas ang ilang minuto ay narito na kami sa parking. Bumababa na kami at naglakad papunta classroom.

Pagkarating namin ng classroom ay napansin kong wala si luke.

Dumaretso nalang ako sa upuan ko at umubob. Naramdaman kong umupo si ace sa tabi ko.

***

*kringgggg*

Nagising nalang ako sa tunog ng bell. Recess na.

"Trixie tara sa canteen" sabi ni ace

Habang naglalakad kami ay may napansin akong pamilyar na bulto ng babae at lalaki. Hindi ko makita ang mukha nila kasi medyo malayo sila. Habang nag lalakad kami ay papalapit na sila ng papalapit. Napatigil nalang ako kung sinong babae ang nakita ko..... si Dior na nakapulupot ang braso kay Luke.

Napatigil ako. Naramdaman ni ace kaya nawala ang ngiti nya sa mga mata at lumingon sa aking tinitingnan. Bahagyang nanglaki ang kanyang mga mata. Ibinalik ko ang aking paningin kena Dior at Luke.

Siguro ay naramdaman ni Luke na may nakatingin sa kanilang dalawa. Nang makita nya ako ay nanlaki ang kanyang mga mata pero ng matauhan ay nawalan na ulit ng emosyon. Si dior naman ay nakangising nakatingin sa akin.

"Ace tara na?" Sabi ko na pumipiyok

"S-Sige" nauutal na sabi ni ace

Daredaretso kami ni Ace na naglakad papunta ng classroom. Wala na akong ganang kumain. Hinintay ko nalang mag ring bell at gusto ko ng umuwi agad.

*****

Malapit ng maglabasan 2 oras nalang at nakaubob parin ako at pakinig kong may naguusap

"Bakit parang ang sweet ni prince luke at dior?"

"Oo nga noh, diba mag ex yan"

"Hala pano si trixie nakakaawa sya"

Napatunghay ako sa mga narinig ko.

At pagtunghay ko ay nadagdagan nanaman ang sakit na nararamdaman ko. Si luke na nakayapos kay dior. Sabi nya ako mahal nya ako pero di ko alam mas mahal pala nya yong ex nya. Siguro nga'y di talaga kami para isa't isa kaya di na kami nagkasundo.

"Ace p-pwede mo ba akong samahan?" bulong ko kay ace

"Saan?" Sabi ni ace na nakatingin parin kena luke na nasa pinto dahil papasok sila ng classroom

"Basta, kailangan ko lang ng kasama" sabi ko

"Sige, taran!" Sabi ni ace at hinila na ako palabas ng classroom

Parang sinadya ni ace na tabiggin si luke para di kami maglapat.

Papunta na kaming parking ngayon.

"Ace ako ang magdridrive" madiin kong sabi

Napipilitan nya namang ibinigay sa akin ang susi ng sasakyan. Mabilis akong sumakay at pinaistart. Hinintay ko lang si ace na sumakay dahil parang nakatingin sya sa school.

Nang makapasok sya ay minaneho ko na agad. Habang nag mamaneho ay tumulo ang luha ko. At napansin un ni ace

"T-Trixie please stop crying" malungkot na sabi ni ace

"Im okay ace. Im okay" sabi ko habang nagmamaneho padin.

*** bar***

Di ko na narinig si ace na nagsalita pero sumunod naman sya sa akin papasok ng bar. Nakita ko ang manager at sinabing gusto ko ng VIP room.

Pagkapasok namin VIP room ay may kasunod kami ni ace na taga kuha ng order.

"Hard drinks please" madiin kong sabi

"Pati nadin pulutan" sabi ni Ace

Nang bumalik ung inorderan namin ay hawak hawak na nya ang mga bote ng alak. Pagkalapag nya niyon ay hinintay ko lamang syang umalis at binuksan ko agad ang bote at tinugga ang laman niyon.

(A/N): Thanks for reading this story, Hope you'll read my other books if I published it once. :)

Tweet me on: @miel_licious

Love Changed MeWhere stories live. Discover now